TONY'S POV
"At the moment with the bros!" sigaw ni Brix sabay taas ng camera para kita kaming lahat sa kavideo call naming si Luis. Nandito kami ngayon sa Baguio, papunta sa condo unit nila Von. Rich kid eh. Highschool palang kami alam ko, alam din naman ng parents namin eh. Tsaka may kasama kaming driver.
"Yan kasi Luis! Nagluluksa ka pa jan, eh kung sumama ka nalang sana sa amin edi masaya ka pa!" sabi ni Von. Magiisang buwan na after nung madrama nilang break-up ng girlfriend nya. Pero ayun nagmumukmok parin ang gago.
"Alam mo kasi tol, mahirap magmove on. Palibhasa kasi hindi mo pa naranasang magmahal. Ganito rin naman mangyayari sayo kapag nagseryoso ka na." Grabe ang drama drama.
"Hoy sandali nandito na tayo. Di pa ba kayo bababa?" sabi ko sa kanila kase parang mga ignorante. Ngayon lang ata gumamit ng video call, kanina pa kami nakarating sa condo. "Si Von! Siya ang may-ari nyan dapat siya ang unang lalabas. Nauna ka pa, parang alam mo kung saan pupunta!" sabi ni Josh sakin na tumatawa pa.
"Alam ko naman talaga, tara na nga!" iniwan ko na sila don at dumeretso sa unit ni Von. Alam na alam ko to, bestfriends kaya kami nun. Magkapitbahay nga kami eh. Yung mga nanay namin, magbestfriend. Pareho kaming walang tatay kaya magkasundo talaga kami.
3 weeks kaming mags-stay dito kasi Christmas vacation naman. Syempre ngayon lang to, kaya eenjoyin ko na. Habang walang Korine na nanggugulo sa buhay ko, mageenjoy ako!
Iniwan na namin yung mga gamit namin at pumunta kami sa Wright Park. Mahilig kasi sa kabayo si Von kaya dito yung inuna namin. Nakadalawang oras na kami dito pero andon parin siya enjoy na enjoy. Sumakit na nga pwet ko sa pagsakay sa dalawang kabayo eh.
"Tony! Alam ko na, para hindi ka mabored, tara hanap chix." suggestion ni Brix. Akala mo naman kung ganon kagwapo. Pero well, marami nga namang magaganda dito.
"Mag isa mo! Lumayo ka sakin, baka mahawa ako sa kamanyakan mo."
"Makamanyak ka sakin ah! Eh ikaw nga mahilig eh! Naalala mo ba nung nasa Computer Room tayo nung grade 8, gumagawa tayo ng html, tapos ikaw nagsesearch ng wet pu-" kwento niya, grabe nagbago na ako!
"Tumigil ka nga! Ingay ingay di na nahiya. Nagbago na ako di lang halata!" eh kasi naman! Oo nagsesearch ako noon ng ganon habang nagkaklase. Trip lang naman namin yun kasi tapos ko naman na yung project eh. Tsaka yung katabi ko kasi naimpluwensyahan ako. Hay grabe! Ang hirap magexplain!
Eh bakit ba ako nageexplain? Wala naman kayong pake eh!
📖
Isang week nalang, babalik na kami sa dati. Aral aral aral. Hay. Last night na namin dito, uuwi na kami bukas. Nakapamili na rin kami sa SM. Ang dami ko ngang nabili eh! Naubos yung 2k ko dun lang sa National Bookstore! Siguradong sesermonan nanaman ako.
Babalik na talaga sa dati, dun sa maingay na lugar. Sa lugar na maraming sikat, para kang outcast. Sa lugar kung saan matatagpuan ang reyna ng mga trashtalker. Si Korine!
"Pwede bang dito nalang tayo tumira? Magtransfer nalang tayo sa SLU!" sabi ko sa mga kasama ko. Kumakain sila. Buti pa ko tulog ng tulog.
"Pinagsasabi mo diyan? Ayaw mo lang makita si Korine para hindi na bumalik feelings mo eh!" sigaw sakin ni Josh.
"Feelings? Bakit nagkaroon na ba ako ng feelings sa babaeng yon? Asa!"
"Oo kaya. Diba nga sabi mo pa noon, 'Si Korine parang pera, kailangang paghirapan.' Diba?" singit ni Brix sabay kagat dun sa Crispy Chicken Sandwich Meal niya. Naiinggit ako sa kinakain niya.
"Ewan ko sainyo. Basta ako sasabihin ko kay mama na lilipat nako dito." kahit alam kong hindi siya papayag.
📖
Christmas with my friends. New Year with my family.
2 minutes before January 1. Yung mga kapitbahay namin, nagwawala na sa ingay. Sila Von ang daming firecrackers. Manonood nalang kami sa kanila. Uso magtipid mga tsong!
Torotot lang ako ngayon. Di naman sa takot akong magpaputok. Baka kasi may ibang maputukan. Nagiingat lang ako.
*Ting!*
Oh sino nanaman tong nagmessage. Di na sila nagsawang manchat.
"Hey, Happy New Year. 😊"
I don't know how to react. It's a greeting from Korine.
Rereplayan ko kaya? Or hintayin kung may kasunod pang sasabihin? Or iseen?
Eh greeting lang naman, ang sama ko naman kung iseseen ko siya. Kung maghintay kaya ako? Baka wala akong mahintay nakakapagod pa namang maghintay.
Reply? Anong irereply ko! Ang hirap magisip lalo na pag gwapo!
"Happy New Year din Korine. 😊"
Oh yan. Isesend ko na ba? Hay Bahala na!
"Anong handa nyo Tony? May ice cream ba diyan? Pwedeng humingi? Wala kaming ice cream dito nakalimutan kong bumili. Ano pwede?" reply nya sakin.
Bakit ba nya pinapahaba ang usapan. Daldal talaga nito. May ice cream kami, at di pa nabubuksan.
"Handa? Handa nakong magmove on. Joke. Walang ice cream eh. Wait lang, tawag ako ng lola ko." sabi ko. Ayaw ko talagang kausapin eh.
"Oh. Sige. Ok."
2016 na kelan ba ako magmomove on! Ano, move on sa mga naging kasalanan ko. Hindi sa love love.
Hay ewan!
👓📚
