KORINE'S POV
Oh walang magrereklamo! Badtrip ako ngayon mga bes kaya putang ina wag nyo akong pagtripan!
Alam nyo kasi yung putang ina? Putang inakels lang talaga whoo grabeness to the max! Iniwan ba naman niya ako kanina! Yung feeling na kilig na kilig ka na? Pakingshet pakingtape! Hinabol ko siya kanina pero ewan ko kung saan siya nakarating!
Saglit lang naman akong natulala eh! Mga 5 minutes lang naman! Tsaka nahirapan din akong hanapin siya kasi nga diba mga bes, wala yung glasses ko! Eyeglasses? Yup malabo ang mata ko. Pero magmumukha kasi akong jejemon if I'll wear it in public.
Alam nyo naman ang mga jejemon mga bes, parang mga virus, germs, bacteria and fungi! Basta ganern.
"Whoo! Anak ng mudrakels kong puta! Nakakainis ka talaga Tony! Kelan ba ako makakamove on sayo!"
"Alam mo kasi bes, nilalayuan ka na nga niya, lapit ka pa rin ng lapit. Yan kasi bibitaw-bitawan tapos babalikan!"
"Eh bakit ba! Siya naman unang bumitaw ah! Tsaka ano ba May. Gusto mo gawin kitang June?! Grabeness kumain ka nga lang diyan bes!"
Siya si May. Ako si Korine, kilala nyo na ako I know. Syempre alam ko namang proud na proud sa akin ang Tony ko. Kaya ganern, noon siya ang naghahabol, ngayon siya na ang hinahabol.
Para lang kaming hayop! Ako gorgeous and adorable na pusa, siya aso. Aso lang. Tapos Dobberman siya kasi ang taas taas ng pride nya. Tapang tapang akala mo naman kung walang kinakatakutan.
Well, gusto nyo bang malaman kung anong nangyari sa past namin mga bes? Siguro it will take 10 chapters kapag nagflashback tayo. Alam nyo kasi ako, kapag nagkukwento, detalyado. Walang labis, walang kulang. Yun na yun mismo, ano ok lang?
Kasi yung love story namin, it is so very very to the max complicated! And I think it is really my fault kung bakit kami nagkasawaan or something.
"May, guess what."
"What? Ano? Kayo na ulit? Omg! Kelan? Bakit ngayon mo lang sinabi? Waaaa-" sinapak ko na siya. Di ko nga yun iniisip, tapos siya pa kaya. What the hell, marunong akong tumiming. Di ako padalos-dalos sa mga decisions ko in my lovelife.
"Pwede ba! Umaasa ako pero hindi pa kami no! Tsaka, ulit? Duhh! Tanga ka ba bes, hindi naman naging kami noon!"
"Ay, oo nga pala. Landian lang pala noon, with konting pagmamahal, na ngayon, sobra-sobra na! Hinahabol-habol mo na! Yan kasi kabobohan mo, testing daw kung paano magpaasa? Baliw! Ano ka ngayon?"
Yes she's right. I wanna try breaking a good boy's heart. As in good boy. Para maiba naman! Lagi nalang lalake ang nananakit. Lagi nalang babae ang nasasaktan? Hustisya! Dapat lang na maranasan nila yung sakit na nararanasan ng mga babaeng pinapaasa!
Pero shit. Nagsisisi akong pinagtripan ko lang siya. Pinakawalan ko yung taong mamahalin ko rin pala. Sinaktan ko yung taong totoong nagparamdam ng pagmamahal sa akin. Yan kasi oh! Nagdadrama na naman ako! Baka bigla na naman akong umiyak ayoko na!
"Wala kang masabi? Wala kang masagot kasi guilty ka? Tsss. Jan ka na nga! Landi mo kasi, sabi kong magaral muna eh!" nagaaral naman ako ah! Honor student pa nga ako!
"Tang ina mo bes. Sinabihan mo pa talaga ako ng malandi eh ako nga gumawa ng paraan para maging ka MU mo na yang crush mo eh! Epal alis ka na nga!"
Ayun, pinaalis ko na si bes. Nakakabadtrip lang. Oo kasalanan ko naman talaga kung bakit ganon yung nangyari sa amin. Pero kailangan pa bang ipamukha? Masakit na nga kasi eh. Sobrang sakit! Katangahan mo kasi Korine. Stupid beautiful bitch!
"Hello mother dear. A female deer. Where are you mother? Can you buy me mangga? With alamang without suka. Just plain alamang. Thank you mo-"
"I'm sorry baby but mago overtime ako ngayon. I can't buy you what you want. Magpadeliver ka na lang ng pizza or anything you like. Sorry baby, busy ako, call you later. Bye love you!"
Wow. Call ended. Ok! Ganyan naman eh, lagi naman akong nababalewala. Mangga na nga lang maipapabili ko, di pa maibigay. Overtime ba kamo? Busy? Lagi naman eh! Ano bang magagawa ko? Normal naman ang ganitong pamilya kapag mayayaman eh. Mayabang na kung mayabang pero totoo kasi and we can't do anything about it.
Gustuhin ko man silang kwentuhan tungkol sa mga drama ko sa buhay, wala naman silang oras for me. Si May na nga lang ang nagiging all around ko eh. Nanay, ate, nakababatang kapatid, maid, best friend. Kaya ayaw ko siyang mawala sa buhay ko.
Mawala na si Tony wag lang si May! Omg shit anak ng putang ina! No, nadulas lang ako, I don't mean that. Nevermind mga bes.
So I decided to be online. Sana online siya! Pero ano na naman? Ako ulit first move? Pakshet kakapagod mga bes! Ano ba pwedeng ichika sa kanya?
"Oh hello to the person who left me hanging yesterday. I'm already missing your cheesy lines fuckboy." tama ba tong sinabi ko? Masyado naman akong bitch!
"You are the first one who left me. Kaya wag mo akong mafuckboy fuckboy diyan."
👓📚
