Okay na ko sa buhay ko. I am living the life that I wanted. Truth be told, hindi ko naman talaga ginusto e nasanay na lang ako na ganun ang set-up ng buhay ko. Simula nung namulat ako sa mga bagay-bagay, I have given the full freedom on how to run my life. Lumaki akong walang mga magulang na gumagabay sa’kin at walang mga kapatid na nakakabangayan at napagsasabihan ng problema. Huwag nyo ding isiping inabandona na ako, nasa ibang bansa lang sila, business matters as always. Naibibigay lahat ng gusto ko sa buhay kahit pa yung mga bagay na hindi ko hinihiling. May mga araw na paggising ko e may padala ang Mommy at Daddy. Every week din na nalalagyan ang ATM card ko kahit hindi ko pa naman nawawaldas ang lahat ng laman nun. Kahit kailan pwede akong umalis at magdala ng bisita sa bahay. Iisipin nyo masyadong alone no? Oo aaminin ko malungkot pero nasanay na e. Buti na lang kapitbahay ko lang ang nag-iisang childhood bestfriend ko, si Martin. Maliban sa kanya wala na akong pinagkakatiwalaan.
Nasanay din ako sa buahy ko na walang nag-aalala para sa’kin. Walang nangangamusta. K. Alone at madrama na pero talagang ganun e. Nung nagsaboy ang Diyos ng kalungkutan ako lang ang gising at nangahas na lumabas para saluhin lahat ng iyon. Pero paano kapag bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin? Hindi yung hangin na nagmula sa utot ha? Paano kapag ako na dating loner, bigla na lang nasanay na may laging kasama? Paano kapag biglang may dumating sa buhay ko na sobra lang mag-alala para sa’kin? Tapos kung kailan naman sanay na ako sa bagong takbo ng buhay ko, tsaka babalik ang lahat sa dati? Paano na lang kaya ako?