Chapter 1: Crush

29.2K 419 6
                                    

CHAPTER 1: Crush

•°•°•°•

Raine's POV

"Samonte, Mary Lorraine!"

Gulat akong napaayos ng upo nang marinig ko ang pangalan ko. Napatingin ako sa harap. Nakatitig sa'kin ang lahat.

Uhh, anong meron?

"Wala ba dito si Ms. Samonte?" dinig kong sabi ng instructor ko.

Saka ko na-realize na nasa classroom pala ako at nagche-check ng attendance ang instructor namin. Agad kong itinaas ang kamay ko.

"Present, Sir!"

Napatingin sa'kin ang instructor ko.

"Kanina pa kita tinatawag pero walang sumasagot. Akala ko absent ka na," sabi niya at napailing-iling habang may chine-check sa laptop niya.

Napakamot na lang ako sa ulo at ngumiti ng alanganin. "Sorry, Sir."

Itinuloy na niya ang pagche-check ng attendance. Inayos ko ang salamin ko at napabuntong-hininga na lang ako.

Wala na naman ako sa sarili. Inaantok pa kasi ako. Napuyat kasi ako kagabi kakabasa ng librong kakabili ko lang noong isang araw. Sa sobrang ganda ng story, tinapos ko agad at hindi ko namalayang sobrang late na pala. Alas dos na ng madaling-araw ako nakatulog at gumising ng mga alas singko ng umaga para maghanda sa pagpasok.

Third year college na ako dito sa Moonville University. I'm taking up Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management. Kakasimula lang ng second semester ngayong taon na ito at para na akong nawawalan ng gana.

Tinapik-tapik ko ang dalawang pisngi ko para magising. Mga ilang sandali lang ay nagsimula na nga ang klase. Sinubukan kong makinig pero wala talaga akong maintindihan dahil sa antok ko. Kung hindi lang talaga importante sa'kin ang pag-aaral ay siguro um-absent na 'ko ngayon.

Pero kailangan kong mag-aral ng mabuti para sa future. Ang dami ko pang pangarap. At kailangan ko pa iyong matupad. Isa pa, scholar ako sa school na 'to kaya kailangan kong i-maintain ang mataas kong grades. Gusto ko naman ay maka-graduate ako kahit na hindi mapasama sa mga honors.

Natapos ang dalawang klase ko na halos wala akong naintindihan. Pag-uwi na lang siguro sa bahay ako mag-aaral. Sanay na rin naman akong nag-aaral bago matulog.

Tumayo ako at inayos ang gamit ko. Habang inaayos ko iyon ay lumapit sa'kin ang best friend kong si Emiliana Morales.

"Tara na, Raine. Nagugutom na 'ko," sabi niya.

"Oo na. Ito na."

Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay lumabas na kami at naglakad sa hallway. Habang palapit kami sa hagdan ay bumabagal ang lakad ko. Napakagat-labi ako. Narinig ko naman ang malakas na pagbuntong-hininga ni Em sa tabi ko.

"Heto na naman tayo," dinig kong sabi niya.

Nang tumapat kami sa classroom sa tapat ng hagdan ay mas lalo kong binagalan ang lakad ko. Lihim akong sumilip sa pintuan at hinanap ang lalaking matagal ko ng lihim na sinusulyapan.

Nang mahagip siya ng paningin ko ay napangiti ako. Nakikipagtawanan siya sa mga kaibigan niya. Pakiramdam ko buo na naman ang araw ko dahil nakita ko siyang nakangiti at tumatawa.

Ang lalaking tinitingnan ko ay si Lawrence Fontanilla. Crush ko siya simula pa noong first year college kami. At oo, simula pa noong first year kami, lihim ko na siyang pinagmamasdan.

Parehas kami ng kursong kinukuha pero ni minsan, hindi ko pa siya naging classmate. Pero dahil parehas kami ng kursong kinukuha ay laging magkatabi ang classroom namin kaya paminsan-minsan ay nasusulyapan ko siya. Hindi niya ako kilala, pero first year pa lang, kilalang-kilala ko na siya.

UnrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon