Chapter 42: Hurt

10K 175 3
                                    

CHAPTER 42: Hurt

•°•°•°•

Maaga akong pinapasok ni Em kinabukasan dahil may mga notes daw siya na hindi niya natapos kopyahin sa akin kahapon. Mabagal kasi siyang magsulat kaya minsan ay hindi niya natatapos ang mga lectures na pinapasulat sa amin. Malapit na rin ang exams kaya kailangan niya talaga ng lectures.

Pagdating ko sa school ay nakatanggap ako ng text galing kay Em na nagsasabing nasa library na daw siya. Dumiretso na ako doon para makita siya. Pagdating ko sa library ay hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil kaunti pa lang naman ang tao doon. Nakita kong nakatutok siya sa cellphone niya kaya hindi niya napansing pumasok ako.

Nag-angat siya ng tingin sa akin nang umupo ako sa tabi niya.

"Nandito ka na pala, friend," sabi niya bago inilapag ang cellphone niya. Inilabas niya ang notebook niya para masimulang kumopya sa akin. "Nakapag-review ka na para sa quiz mamaya?"

Tumango ako bago ko ibinigay ang notebook ko.

"Oo. Nag-review ako bago matulog kagabi saka kaninang umaga," sagot ko.

Napasimangot siya. "Buti ka pa. Dahil kulang ang notes ko, kaunti lang ang na-review ko. Bahala na talaga mamaya."

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Dahil wala naman akong magawa, naisip kong i-kwento na lang kay Em ang tungkol sa nalaman namin ni Lawrence kahapon kay Raven.

"Kahapon nga pala, nakausap namin ni Lawrence si Raven," sabi ko. Napahinto siya sa pagsusulat at napaangat ang tingin sa akin.

"Oh? Nagpakita pa talaga siya sa'yo? Anong ginawa niya?"

"Wala naman siyang ginawa. May inamin lang siya sa'min. Inamin niya na may kinalaman si Carla sa mga nangyari," sabi ko. Nanlaki ang mata niya sa sinabi niya.

"What? Carla? Carla as in 'yong Carla na hadlang sa inyo ni Lawrence?"

Tumango ako. Sinimulan ko na ngang i-kwento sa kanya ang mga nalaman namin ni Lawrence kahapon kay Raven. Patuloy pa rin naman siyang nagsusulat habang nakikinig sa akin. Paminsan-minsan ay napapahinto siya pero wala naman siyang sinasabi.

"Talagang gumagawa ng paraan ang Carla na 'yon para mapaghiwalay kayo, 'no? Talagang ginamit pa niya 'yong pinsan niya para mapaghiwalay kayo. Mabuti na lang at nagkagusto siya sa'yo kaya itinigil niya ang pinapagawa sa kanya ng bruhang 'yon," sabi niya matapos kong mag-kwento sa kanya.

Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na nagkagusto sa'kin si Raven o hindi. Siguro pwede akong matuwa dahil itinigil niya ang pinapagawa sa kanya ni Carla dahil nagkagusto siya sa'kin. Pero hindi rin ako pwedeng matuwa dahil alam kong nasaktan ko siya nang hindi ko sinuklian ang nararamdaman niya para sa'kin.

Kahit ano pa man iyon, thankful pa rin ako dahil hindi na niya kami guguluhin. Kung may iba pa mang plano si Carla sa hinaharap, lalabanan namin iyon ni Lawrence.

"Basta Raine, kahit anong mangyari, huwag mong isusuko si Lawrence sa babaeng 'yon. Ipaglaban mo ang mahal mo," dagdag pa ni Em.

Ngumiti ako. "Iyon naman talaga ang gagawin ko. Hindi ko siya kayang i-give-up, 'no."

Binigyan niya ako ng malisyosang ngiti. Napakagat-labi ako para magpigil ng ngiti.

"Iba na talaga kapag in love," nakangiti niyang sabi. Hindi na ako sumagot.

Nang matapos siya sa pagsusulat ay tumayo na kami para pumunta sa unang subject namin. Thirty minutes na lang at magsisimula na ang klase namin.

Habang papunta kami doon ay nadaanan namin ang malaking bulletin board sa buong school. May ilang estudyanteng nagkukumpulan doon na para bang may importanteng announcement na naka-post. May mga napapahinto pang mga estudyante para makiusyoso.

UnrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon