Chapter 44: Sana

8.4K 162 0
                                    

CHAPTER 44: Sana

•°•°•°•

"So, are we going to tell them everything tomorrow?" I asked.

Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng puno dito sa field. Inalis niya ang coat niya kanina at inilatag niya iyon sa damuhan. Sumandal siya sa puno at sumandal naman ako sa dibdib niya. Nakapulupot ang mga braso niya sa akin habang ang mga kamay ko naman ay nilalaro ang kamay niya nakapulupot sa akin.

"Ano bang gusto mo?" balik na tanong niya. Tiningala ko siya.

"Wala naman akong pasok bukas sa trabaho at school kaya pwede natin silang kausapin bukas. Isa pa, gusto ko na ring matapos 'to para pormal na rin nating masabi sa kanila na tayo na talaga. Na totoo na talaga 'yong relasyon natin. Na hindi na talaga tayo maghihiwalay."

He smiled and kissed my forehead. "Okay. We'll talk to them tomorrow."

At iyon nga ang ginawa namin kinabukasan. Maaga siyang pumunta sa bahay dahil si Tita Meryll muna ang balak naming kausapin. Alam ko kasing mahihirapan kaming kausapin ang mga magulang niya lalo na ang Daddy niya. Si Tita Meryll naman, sigurado akong kahit papaano ay maiintindihan niya ako lalo na kapag sinabi ko ang dahilan kung bakit pumayag ako sa gusto ni Lawrence.

Nakaupo kami ngayon sa sofa habang nasa isang single sofa naman si Tita Meryll. Si Arianne naman ay nasa sahig at naglalaro. Sinabi na namin kanina kay Tita Meryll na may sasabihin kami sa kanya kaya ngayon ay hinihintay na lang niya na magsimula kami.

"Ano ba ang sasabihin niyo? Kanina pa tayo nakaupo dito pero hindi pa rin kayo nagsasalita," sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Lawrence bago ako bumaling kay Tita Meryll. Tumikhim ako para simulan na ang sasabihin namin. Huminga muna ako ng malalim para mabawasan ang kaba sa dibdib ko.

"Kasi po, Tita, may kailangan po kayong malaman tungkol sa relasyon namin ni Lawrence," panimula ko. Napakunot-noo siya pero hindi ko na muna siya hinayaang magsalita. "Noon po kasing unang beses ko siyang ipinakilala sa inyo bilang boyfriend ko, ang totoo po niyan… h-hindi ko po talaga siya boyfriend noon."

Hindi siya nagsalita pero nahalata kong hindi naman siya mukhang nagulat. Nagtaka ako sa reaksyon niya.

"Uhm… noon naman po 'yon. Ngayon po, kami na po talaga," singit ni Lawrence nang hindi pa rin nagsasalita si Tita Meryll. Bigla tuloy akong kinabahan dahil pakiramdam ko ay bumubwelo lang siya at baka mamaya ay magalit na nga siya.

"Tita… we can explain—"

Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang ngumiti si Tita Meryll. Nagkatinginan kami ni Lawrence dahil sa reaksyon niya. Why is she smiling?

"Tita?"

"Masaya ako na sa wakas ay inamin niyo na sa akin ang totoo," sabi niya na ipinagtaka namin. Nagpatuloy siya sa sinasabi niya. "Matagal ko ng alam ang tungkol doon, Raine. May kontrata kayo, 'di ba?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Paano niyo po nalaman ang tungkol doon?"

"Nakita ko ang kontrata niyo sa kwarto mo, Raine, nang minsang maglinis ako doon. Doon ko nalaman na hindi talaga totoo ang relasyon niyo."

Nakita niya? Ang alam ko, itinago ko iyon sa drawer ko. Siguro nakita niya nang buksan niya ang drawer ko para linisin. Ang tanga ko dahil hindi ko man lang itinago iyon ng mabuti. Pero kung alam na niya ang totoo noon pa, bakit hindi siya nagtanong sa'kin tungkol doon?

"Pero Tita, bakit hindi po kayo nagtanong sa'kin kung matagal niyo na po palang alam?" tanong ko.

"Dahil gusto kong kayo mismo ang umamin no'n sa'kin. Isa pa, gusto ko ring makita kung anong mangyayari sa inyo sa huli. Ang totoo niyan, umaasa din ako na magugustuhan niyo ang isa't isa pagkatapos ng kontrata niyo. Tulad ng sinabi ko sa'yo noon, Raine, matanda na ako. Gusto kong kapag nawala ako ay may mag-aalaga sa inyong dalawa ni Arianne. Gusto kong maging panatag na nasa mabuti kayong kalagayan bago ako mawala."

UnrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon