Chapter 45: Article

8.4K 181 3
                                    

CHAPTER 45: Article

•°•°•°•

Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang linggo na ang nakalipas mula nang makausap namin ang parents ni Lawrence. Pagkatapos no'n, naging maayos naman ang relasyon naming dalawa. Mula rin ng araw na iyon, hindi na namin nakita si Carla. Ipinagpapasalamat ko naman iyon dahil sa wakas ay hindi na niya kami magugulo.

Tulad ng nakasanayan, maaga akong pumasok sa school sa araw na ito. Dahil wala pa naman si Em o kahit si Lawrence, naisip kong tumambay muna sa library para magbasa.

Pagdating ko doon ay halos wala pang tao dahil nga maaga pa. Busy rin sa pagbabasa ang ibang nasa library pero may nakita rin ako sa isang sulok na mukhang natutulog. Hindi ko na lang iyon pinansin. Umupo na lang ako at inilabas ang libro kong hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tapos basahin.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nagbabasa. Natigilan lang ako nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon at bumungad sa'kin ang text ni Em. Binasa ko iyon.

From: Em
Nasaan ka? Malapit ng magsimula ang klase.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na tiningnan ang oras. Shucks! Ten minutes na lang at magsisimula na ang unang klase ko!

Agad kong inayos ang gamit ko at halos patakbo ng lumabas ng library. Habang tumatakbo ako papunta sa classroom, napansin ko ang mga tingin sa akin ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Hindi ko na lang sila pinansin. Siguro nagtataka sila kung bakit ako tumatakbo.

Pagdating ko sa tapat ng classroom ay tumigil muna ako para pakalmahin ang sarili. Nang masigurong okay na ako ay pumasok na ako sa loob ng classroom.

Pagpasok ko ay napansin ko agad ang tingin sa akin ng mga classmates ko. Ang iba ay nagbubulungan pa habang napapatingin sa akin. Ang iba naman ay umiiwas ng tingin. Ang iba ay walang pakialam. Nakakunot-noong pumunta ako sa upuan ko sa tabi ni Em. Pagkaupo ko ay bumaling ako sa kanya.

"Oh, nandito ka na pala. Saan ka galing?" tanong niya habang may kinakalikot sa cellphone niya.

"Galing akong library. Hindi ko na namalayan 'yong oras kaya ngayon lang ako," sagot ko. Tumango siya. "Em, anong meron? Bakit ako tinitingnan ng mga classmates natin na parang may ginawa akong masama?"

Napaangat ang tingin niya sa akin at napakunot-noo dahil sa pagtataka. Napatingin rin siya sa mga kaklase namin.

"Hmm? Oo nga, 'no? Huwag mo na lang pansinin. Siguradong hanggang ngayon ay hindi pa rin sila maka-move on sa kaalamang may relasyon talaga kayo ni Lawrence. Siguro hindi sila makapaniwalang inabot na kayo ng tatlong buwan," sabi niya.

Nagkibit-balikat na lang ako. Baka nga dahil lang doon. Bahala nga sila diyan. Siguradong makakalimutan din nila 'yon.

Natigilan ako nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at bumungad sa akin ang text ni Lawrence. Agad ko iyong binasa dahil wala pa naman ang instructor namin.

From: My babe Lawrence
Good morning! I woke up late. Kakarating ko lang sa school. Too bad I didn't see you :( See you later at lunch. I love you :*

Napangiti ako sa text niyang iyon. Kaya pala kanina pa siya hindi nagte-text na kadalasan niyang ginagawa pagkagising niya sa umaga. Nag-reply ako doon.

To: My babe Lawrence
It's okay. See you! I love you, too!

Sakto namang dumating na ang instructor namin pagkatapos kong i-send iyon. Agad ko na iyong inilagay sa bag ko pagkatapos kong i-silent. Pagkatapos ay nagsimula na nga ang klase.

UnrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon