Chapter 28: Real

10.5K 223 7
                                    

CHAPTER 28: Real

•°•°•°•

Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung nagjo-joke lang ba siya o hindi pero sa itsura niya ngayon, mukha naman siyang seryoso.

He said we should make it real. Anong ibig niyang sabihin doon? Real, as in… real? Why? May gusto ba siya sa'kin? O tulad ko, mahal na rin niya ako?

Bigla kong naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa naisip kong iyon.

"Hey…"

Napakurap ako nang tawagin niya ako. Natulala na pala ako sa pag-iisip ng hindi ko namamalayan. Nakatingin lang siya sa'kin na para bang inaalam niya kung ano ang nasa isip ko ngayon. Tumikhim ako.

"Huh? Pwede bang linawin mo ang sinasabi mo?"

"I said let's make it real. No more contracts and fake relationship. I want us to be real. You'll be my real girlfriend and I'll be your real boyfriend," sagot niya. "But we'll break-up after three months."

Parang biglang huminto ang lahat nang sabihin niya ang mga huling katagang iyon. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Teka nga. Bakit parang ang gulo? Magiging totoo ang relasyon namin pero magbe-break pa rin kami after three months?

Napapikit ako. "Teka nga. Ipaliwanag mo ngang mabuti kasi hindi talaga kita naiintindihan."

Napabuntong-hininga siya at napalinga-linga sa paligid. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin at dalhin sa tabi ng isang coconut tree. Umupo siya sa buhangin at nang mapansing nakatayo pa rin ako ay bigla niya ulit akong hinila paupo. Nakatingin lang ako sa kanya nang gawin niya iyon.

Huminga muna siya ng malalim bago ako binalingan.

"Okay. Ganito kasi 'yan. Alam kong naguguluhan ka sa sinasabi ko pero totoo ang sinabi ko. Gusto kong maging totoo ang relasyon natin. Gusto kong maging totoong girlfriend kita."

Napakamot ako sa batok dahil sa inis. "Oo na. Inulit mo lang, eh. Pero bakit?"

Napaiwas siya ng tingin at bahagyang napayuko. "Kasi… kasi crush kita. I like you."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. He likes me? At crush niya ako? 'Di nga? Nagbibiro ba siya? Baka naman nagkamali lang ako ng rinig?

"Sa totoo lang, hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko, eh. Basta ang gusto ko, lagi kang nasa tabi ko. Kaya naisip kong baka nga crush kita," sabi niya. "Iyong mga madalas kong makitang ginagawa ng mga couples sa daan, gusto ko ring gawin natin. Gusto rin kitang ipagdamot sa iba. Gusto kong magkaroon ng karapatan sa'yo. Pero hindi ko magawa dahil laging sumasagi sa isip ko na hindi totoo ang relasyon natin kaya wala akong karapatang gawin iyon."

Hindi pa rin ako nakasagot. Ang tanging nagawa ko lang ay ang isipin ang mga sinabi niyang iyon. Seriously, hindi pa ba namin 'yon nagagawa kahit na hindi totoo ang relasyon namin? Hindi ba niya napapansin? Kahit hindi naman namin kailangang magpanggap sa harap ng ibang tao, nagagawa namin ang mga bagay na iyon. We're holding hands, hugging, dating, and cuddling. Halos ipagdamot niya nga rin ako sa iba.

We even shared a kiss before. Kaya paanong hindi namin iyon nagagawa?

"Kaya gusto kong totohanin natin ang relasyon natin. Gusto kong maramdaman na totoong girlfriend kita. Kalimutan na natin ang tungkol sa kontrata nating dalawa," sabi pa niya. "Ang tanging maiiwan ay ang three months nating deal."

Napakunot-noo ako. "Huh?"

"What I mean is you'll be my girlfriend for three months. This time, you'll be my real girlfriend for three months. Actually, hindi na nga three months, eh. Mahigit isang buwan na lang ang mayroon tayo," paliwanag niya. "Pero 'yon ay kung papayag ka. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. But, Raine, I really want to treasure the remaining days that we have together. Gusto kong sulitin iyon kaya sana ay pumayag ka. Saka 'di ba, crush mo rin naman ako? Crush na rin naman kita, eh."

UnrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon