CHAPTER 12: Makabawi
•°•°•°•
Sa paglipas ng mga araw, patuloy lang kami ni Lawrence sa pagpapanggap. Dahil sikat siya sa school dahil sa pagiging casanova niya, kumalat agad ang balita na ako ang girlfriend niya. Siyempre, hinayaan ko na lang. Wala naman akong magagawa sa pagkalat ng balita. Mabuti na nga lang at wala namang umaaway sa'kin. Natakot yata sa pagbabanta ni Lawrence.
Natapos na rin ang exam week. Nagtataka lang ako dahil pagkatapos ng pagpunta namin ni Lawrence sa bahay nila ay hindi pa kami bumabalik. Hindi naman sa gusto kong bumalik agad, nagtataka lang ako. Anyway, okay lang 'yon para hindi na ako mahirapang magpanggap sa harap nila.
Sa kabilang banda, nagpapasalamat ako dahil magaling na ang anak ko at nakalabas na rin siya sa ospital. Bumalik na nga ang enerhiya niya at ang likot likot na naman.
Sabado ngayon at wala akong pasok. Nasa coffee shop lang ako buong araw para magtrabaho. Alas kwatro ng hapon nang matapos ang trabaho ko kaya agad akong nagpalit ng damit at naisipang umuwi na.
Pero paglabas ko ng coffee shop, nagulat ako nang may biglang kumapit sa braso ko.
"Raine!"
Nilingon ko siya at nakita ko si Ate Louisse na ngiting-ngiti habang nakakapit sa braso ko.
"Ate Louisse! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Hinihintay ka."
Napakunot-noo ako. "Hinihintay mo ako? Bakit?"
"Yayayain sana kitang mag-shopping. Wala kasi akong kasama, eh. Tara?"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Shopping? Naku, Ate. Sorry pero wala kasi akong pera, eh," sabi ko at napakamot sa ulo.
Mas lalo siyang ngumiti. "Problema ba 'yon? Since ako naman ang nagyaya, ako na ang bahala sa lahat. C'mon! Let's go na! I really want to hang-out with you," sabi niya at agad akong hinila papunta sa sasakyan na nasa harap.
Hindi na ako nakaalma dahil pinapasok na niya ako sa kotse niya. Mga ilang sandali lang ay nasa biyahe na kami patungo sa kung saan siya magsho-shopping.
Siya daw ang bahala sa'kin? Nakakahiya naman. Dahil mayaman siya, siguradong mamahalin ang mga bibilhin niya. Tatanggihan ko na lang siguro ang mga ibibigay niya. Ayoko namang magkautang pa.
Mga ilang sandali lang ay nasa mall na kami. Agad kaming bumaba. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nakasunod lang ako sa kanya.
Pumasok kami sa isang boutique. Nasa labas pa lang ay napahinto na ako nang nabasa ko ang pangalan ng boutique. Shucks! Ang mahal dito! Dito ba talaga siya mamimili?
Napansin siguro ni Ate Louisse na hindi ako sumusunod sa kanya kaya bigla niya akong nilingon.
"Hey, Raine! Halika na," sabi niya at hinila na ako papasok.
Nagtingin-tingin siya ng mga damit habang nakasunod ako sa kanya. Hindi na ako tumitingin dahil siguradong mamahalin ito lahat. May nakita nga akong damit kanina at nang sinilip ko ang presyo ay muntik na akong mahimatay. 3,500 pesos lang naman kasi ang presyo. Ginto yata ang telang ginamit, eh.
Tiningnan ko na lang si Ate Louisse na busy sa pagkuha ng iba't ibang dresses, blouses and skirts. Ang dami na nga niyang hawak. At hindi na niya tinitingnan ang presyo. Magkano kaya 'yon lahat?
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at ibinigay ang kalahati sa mga damit na nakuha niya. Akala ko ay ipapabuhat niya lang sa'kin pero nagulat ako nang sabihin niyang isukat ko daw iyon lahat.
BINABASA MO ANG
Unreal
RomancePara kay Mary Lorraine Samonte, sapat na sa kanya ang makita at masilayan ang ngiti ng kanyang crush na si Lawrence Fontanilla. Maliban sa wala naman siyang panahon para magka-boyfriend, imposible rin na mapansin siya ng lalaking walang ibang ginawa...