Chapter 2: Letter

17.5K 336 15
                                    

CHAPTER 2: Letter

•°•°•°•

Nang matapos ang klase ko sa araw na iyon ay agad na akong nagpaalam kay Em para mauna ng umalis. Ang alam ko kasi ay may gagawin pa siya sa school. Ako naman ay pupunta na sa coffee shop kung saan ako nagtatrabaho.

Ganito ang everyday routine ko. Sa umaga, pumapasok ako sa school. Pagdating ng alas tres ng hapon, pumapasok ako sa trabaho. Nagpa-part time ako sa isang coffee shop na malapit sa school para hindi hassle. Isa pa, medyo malapit din ito sa bahay ng Tita ko kung saan ako nakatira.

Sa Tita ko na ako tumutuloy simula pa noong twelve years old ako. Namatay kasi ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente noong nine years old pa lang ako. Dahil walang asawa at anak ang Tita ko, siya na ang nagpaaral sa'kin hanggang high school. Nang mag-college ako ay naghanap na ako ng part time job at sinuportahan ang sarili ko. Ayoko rin naman kasing habambuhay akong pag-aralin ng Tita ko.

Isa pa, sobrang laki na ng utang na loob ko sa kanya hanggang ngayon. Kahit man lang sa college, ako na ang sumuporta sa sarili ko at tumulong din sa kanya lalo na sa mga bayarin at mga kailangan sa bahay.

Nang makarating ako sa coffee shop kung saan ako nagtatrabaho ay agad akong nagpunta sa locker room para magpalit ng damit. Nang matapos ay nagsimula na akong magtrabaho.

Habang nagtatrabaho ay hindi ko maiwasang mapaisip sa mga sinabi kanina ni Em. Bakit nga ba hindi ko man lang masabi kay Lawrence na crush ko siya? Well, obviously, kasi crush ko lang siya. Hindi naman big deal 'yon para sabihin ko pa sa kanya. Buti sana kung in love ako sa kanya.

Napabuntong-hininga ako at napailing. Hindi ko na dapat iniisip ang bagay na iyon. Kailangan kong mag-concentrate sa pagtatrabaho para maaga akong makauwi.

Bandang 9:00 PM nang matapos ang trabaho ko. Agad akong nagbihis at pagkatapos ay pumara na ng tricycle pauwi. Kahit naman kasi malapit ang bahay ng Tita ko ay hindi pa rin ito kayang lakarin.

Nang makarating ako sa bahay ay napansin kong sa sala na lang ang bukas na ilaw. Tulog na siguro siya.

Pumasok ako ng bahay at naabutang nanonood si Tita ng primetime. Nang mapansin niya ako ay hininaan niya ang volume ng TV. Lumapit ako sa kanya at nag-mano.

"Mabuti at nandito ka na. Akala ko gagabihin ka na naman ng uwi, eh. Kumain ka na ba?" tanong niya.

Tumango ako at ngumiti. "Tapos na po. Si Arianne po?"

"Nasa kwarto na, natutulog. Ang mabuti pa magpahinga ka na rin. Tatapusin ko muna 'tong pinapanood ko," sabi niya.

"Sige po."

Pumasok na ako sa kwarto para makapagbihis. Pagpasok ko ay bumungad sa'kin ang isang batang babae na mahimbing na natutulog sa kama ko. Napangiti ako.

Lumapit ako sa kama at hinaplos ang buhok niya. Tapos ay hinalikan ko ang pisngi niya.

My baby girl... My Arianne...

Yes. I already have a daughter. I'm just 20 but I already have a 4-year old daughter. Pero siyempre, hindi alam 'yon ng mga classmates ko. Si Em lang ang nakakaalam. Hindi ko naman ikinakahiya si Arianne. Ayoko lang na magtanong pa sila kung anong nangyari sa'kin dahil paniguradong kapag nalaman nila, huhusgahan lang nila ako o baka mandiri sila sa'kin.

Hindi man naging maganda ang mga nangyari sa akin noon, hindi ko naman pinagsisisihan na dumating si Arianne sa buhay ko. Siya ang dahilan ng paggising ko sa bawat araw, ang dahilan ng pagpupursige ko sa pag-aaral at pagtatrabaho, ang dahilan kung bakit ako nag-aaral ng mabuti, at higit sa lahat, ang dahilan kung bakit nawawala ang pagod ko sa araw-araw na umuuwi ako galing sa school at trabaho.

Ayoko ng isipin pa ang mga masasamang nangyari sa'kin noon. Ang mahalaga ay ang ngayon. Ang mahalaga, magkasama kami ngayon. Wala na 'kong mahihiling pa.

Tumayo ako at nagpunta sa banyo para mag-shower. Nang natapos ay binuksan ko ang ilaw at nagsimulang mag-advance reading. At least pagdating ng exams, kaunti na lang ang aaralin ko.

Habang nagbabasa ay bigla ko na namang naisip ang tungkol kay Lawrence. Ano ba naman 'yan? Kanina pa ako ginugulo ng mga sinabi sa'kin ni Em kanina. Parang gusto ko na tuloy sabihin kay Lawrence na crush ko siya. Pero ayoko kasi nahihiya ako.

Napabuntong-hininga ako at kumuha ng papel. Naisip kong gumawa na lang ng letter. Pero hindi ko ito ibibigay sa kanya. Isusulat ko lang. Pakiramdam ko kasi parang nasabi ko na rin na crush ko siya kahit hindi ko sinabi ng personal sa kanya. At least, kahit ang papel na ito man lang ang makaalam ng mga gusto kong sabihin sa kanya.

Dear Lawrence,

Siguro hindi mo 'ko kilala. Siguro nakikita mo ako o nakakasalubong pero hindi mo napapansin. Okay lang, sanay na 'ko. Simula first year, sanay na 'ko. Oo, simula first year, lihim na kitang pinagmamasdan. Oo, simula first year, crush na kita. Pero hanggang doon lang 'yon. Sigurado akong hindi na lalagpas pa doon ang tingin ko sa'yo. Bukod sa busy ako sa buhay, wala rin akong panahon para pagtuunan pa ng pansin ang nararamdaman ko.

Gusto ko lang malaman mo na gusto kita, at lihim akong humahanga sa'yo. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko namang casanova ka. Ang dami mo ng naging girlfriend, pero crush pa rin kita. Siguro dahil gwapo ka, at gustong-gusto ko ang ngiti mo. Pero hanggang doon lang 'yon. Hanggang crush lang kita.

Pero alam mo, minsan naiisip ko, ano kaya ang pakiramdam na mapansin mo? Kahit man lang isang 'Hi' or 'Hello', okay na. O kaya, kahit man lang malaman mo ang pangalan ko. Okay na sa'kin 'yon. At least, kilala mo ako at hindi ako invisible sa paningin mo. Hindi ko naman hinihiling na magustuhan mo rin ako. Wala akong kahit anong hinihinging kapalit. Ang gusto ko lang, makita mo ako.

Sana nga mapansin mo 'ko. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman masakit sa mata kapag nakita mo 'ko. Hindi naman ako pangit. Naka-salamin ako pero hindi naman ako tulad ng iba na may salamin, may braces at hindi marunong magsuklay. Pero hindi rin naman ako masyadong maganda. Katulad lang din naman ako ng mga taong nakasalamin pero bagay sa kanila.

Pero kung hindi mo ako mapansin, okay lang. Patuloy pa rin akong lihim na susulyap sa'yo. Alam kong hindi mo naman mababasa 'to dahil wala akong balak ibigay sa'yo pero... sana nga, kahit isang tingin lang sa'kin, okay na.

From: Mary Lorraine Samonte

Nang matapos ko ang letter ay tinitigan ko ito at paulit-ulit na binasa. Napabuntong-hininga ako. Hindi niya naman 'to mababasa, eh.

Napailing ako at itinupi ang papel saka ko ito inipit sa libro ko. Nagpasya akong matulog na tutal ang dami ko na rin namang nabasa. Bukas na lang ulit.

Inayos ko ang mga gamit ko at nang matapos ay lumapit na ako kay Arianne. Hinalikan ko siya sa noo at pagkatapos ay pumikit para matulog.

UnrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon