Chapter 3: Smile

14.6K 294 11
                                    

CHAPTER 3: Smile

•°•°•°•

Kinabukasan, nagising ako ng maaga dahil sa alarm clock ko. I mean, human alarm clock ko.

"Nanay, nanay! Gising na ikaw!"

"Hmm..."

"Nanay!"

Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa'kin ang magandang ngiti ng anak ko. Napangiti ako. Bumangon na ako dahil alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako bumabangon.

Early riser talaga ang anak ko. Kaya nga hindi ko na kailangan ng alarm clock kasi laging siya ang unang nagigising sa amin. 6:30 AM pa lang. Alas otso pa naman ang pasok ko at malapit lang ang school kaya maaasikaso ko pa ang anak ko.

Niyakap ko siya at hinalikan. Pagkatapos ay binuhat ko siya at dinala sa banyo para maghilamos. Nang matapos kami ay lumabas na kami ng kwarto. Tumakbo agad siya at sumalampak sa carpet sa sala at kinuha ang mga laruan niyang binili ni Tita Meryll para sa kanya.

Napabuntong-hininga ako. "Arianne, mamaya na 'yan. Let's eat first."

Lumingon siya sa'kin at nag-pout. Inilapag niya ang mga laruan niya at lumapit sa'kin. Ayoko mang makita siyang malungkot ay hinayaan ko na lang. Tinuruan ko kasi ang anak ko na bago maglaro ay dapat kumain muna. May times lang talaga na nakakalimutan niya. Siyempre, bata. Gusto sa lahat ng oras ay maglaro.

Pumunta na kami sa kusina at naabutan doon si Tita Meryll na nagkakape. Tumakbo si Arianne papunta sa kanya at humalik sa pisngi.

"Lala!"

Napangiti naman si Tita Meryll nang makita si Arianne. Hinalikan niya rin ito.

'Lala' ang tawag sa kanya ni Arianne dahil noong mga panahong tinuturuan namin siyang magsalita ng 'Lola' ay laging 'Lala' ang nasasabi niya. Hinayaan na lang namin dahil iyon din naman ang gusto ni Tita Meryll.

"Good morning, baby. Oh, kain na kayo ni Nanay kasi papasok pa siya," sabi ni Tita Meryll kay Arianne.

Lumapit na sa'kin si Arianne at umupo sa tabi ko. Naglagay na ako ng kanin at ulam sa plato ko at sinimulang pakainin si Arianne habang kumakain din ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang biglang magsalita si Tita Meryll.

"Kahapon nga pala, habang nanonood ng TV si Arianne, bigla niya akong tinanong tungkol sa ama niya."

Natigilan ako sa pagkain. Sumulyap ako sandali kay Arianne at pagkatapos ay kay Tita Meryll.

"Bakit naman po niya naitanong? Nabanggit niyo po ba?" tanong ko.

Tumingin siya sa'kin. "Kahit kailan ay hindi ko binanggit sa kanya, Lorraine. Mukhang matalino ang anak mo tulad mo. Nanonood siya kahapon ng cartoons na may ipinapakitang pamilya. Siguro dahil doon kaya niya naitanong."

Sinubuan ko ulit si Arianne ng pagkain bago muling nagtanong. "Ano pong... sinabi niyo?"

Nagkibit-balikat siya. "Sinabi kong nasa heaven na ang ama niya. Although hindi natin alam kung sa heaven nga ba talaga siya napunta o sa hell, totoo namang patay na siya, 'di ba? Hindi ko naman pwedeng sabihin ng diretso na patay na ang tatay niya dahil baka mabigla ang bata. Nalungkot lang siya kahapon pero hindi na nagtanong."

Tumango ako. "Opo. Salamat."

Napabuntong-hininga ako. Dumating na pala ang araw na ikinakatakot ko. Ang araw na itatanong niya kung sino ang ama niya. Akala ko matatagalan pa bago niya itanong. Pero mukha ngang matalino ang anak ko. Nagtanong agad siya kahit na apat na taon pa lang siya.

UnrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon