CHAPTER 18: Anak
•°•°•°•
"So, what do you want to do first?"
Napatingin ako kay Lawrence nang tanungin niya ako. Baliw ba siya? Sinabi na ngang hindi ko alam ang ginagawa sa date tapos tinanong pa niya ako ng ganoon. Hindi ko alam kung bingi lang siya nang sinabi ko 'yon o sadyang nakalimutan niya lang.
Naglalakad kami ngayon sa loob ng mall habang magka-holding hands. Naiilang nga ako dahil kahit anong hila ko sa kamay ko ay hindi niya talaga binibitawan. Hinihigpitan pa nga niya lalo. Nainis na nga siya kanina at sinabing hayaan ko lang dahil boyfriend ko naman daw siya. Pinaalala ko naman sa kanyang nagpapanggap lang kami at wala naman siyang ibang sinabi kundi, "So?"
Hinayaan ko na lang dahil kahit papaano naman ay nag-e-enjoy ako. Hindi ko naman alam kung bakit. Basta! Hinayaan ko na lang dahil kahit papaano ay gusto ko rin naman maranasang may ka-holding hands while walking. Aba, minsan lang 'to! Sulitin na! Baka matagalan pa bago ako magkaroon ng real boyfriend, eh.
"Huwag mo nga akong titigan. Alam ko namang gwapo ako," dinig kong sabi niya.
I rolled my eyes. Grabe, hindi ko talaga alam kung saan niya kinukuha ang confidence niya. Gusto ko tuloy humingi sa kanya ng confidence para ma-feel ko naman na maganda ako.
"So, saan mo nga gustong pumunta?" tanong niya.
"Ewan ko. Ano bang alam ko sa pagdi-date?"
"Do you want to watch a movie?"
Saglit akong nag-isip. Well, okay lang naman. Tumingin ako sa cellphone ko at tiningnan ang oras. Medyo maaga pa naman. Mabilis lang naman sigurong matapos ang movie.
Sasagot na sana ako pero napahinto ako sa paglalakad nang may maisip. I can't date him. Hindi ako pwedeng makipag-date sa kanya hindi dahil ayoko kundi dahil wala akong dalang pera. May pera naman ako pero hindi sapat para makipag-date.
"Oh, bakit ka huminto?" dinig kong tanong niya. Tumingin ako sa kanya.
"Uwi na lang tayo. Huwag na tayong mag-date," sabi ko na ikinakunot ng noo niya.
"Bakit?"
Napakamot ako sa pisngi. "Eh… kasi… wala akong dalang pera."
Napataas ang kilay niya. He looked at me like he can't believe what I just said. Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Inakala ba niyang may pera akong dala dahil parang okay lang na makipag-date ako sa kanya?
"At sinong nagsabing pagbabayarin kita sa date na 'to?" tanong niya.
Hindi ko inaaasahan ang sinabi niya. Ano ang ibig sabihin niya doon? Ibig bang sabihin ay ililibre niya ako?
"Huh?" ulit ko dahil parang namali yata ako ng dinig. Kahit na malinaw naman iyon.
"Come on. I don't let girls pay for me," sabi niya at hinila ako para maglakad.
"But—"
"No buts. Sumunod ka na lang. Let's watch a movie first," sabi niya kaya hinayaan ko na lang sarili kong sumunod sa kanya. Well, kahit naman nahihiya ako dahil libre niya, kahit papaano ay gusto ko ring sumama sa kanya. After all, minsan lang naman 'to.
Nanood nga kami ng sine. Ako ang pinapili niya ng movie kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na ituro ang palabas na gustong-gusto kong mapanood. Mabuti na lang at showing pa iyon. May ilang linggo na rin kasi ang nakalipas mula nang unang mag-showing ito.
Pagpasok namin sa sinehan ay umupo agad kami sa gitnang upuan sa taas. Mabuti na lang at wala pang masyadong tao kaya okay lang ang nakuha naming pwesto. Nang makaupo ako ay inilagay ni Lawrence ang drinks namin sa drinks holder. Hawak ko naman ang malaking popcorn at nagsimula ng kainin ito.
BINABASA MO ANG
Unreal
RomancePara kay Mary Lorraine Samonte, sapat na sa kanya ang makita at masilayan ang ngiti ng kanyang crush na si Lawrence Fontanilla. Maliban sa wala naman siyang panahon para magka-boyfriend, imposible rin na mapansin siya ng lalaking walang ibang ginawa...