Wildest Dreams

54 0 0
                                    


"I like him, dati pa noh?... " napatingin ako kela Angela at Angel ng malungkot "pero.. may girlfriend na siya eh, " atsaka ako tumungo ulit..

"Edi agawin mo! Madali lang yan Ara! " sabi ni Angela, kaya napatingin ako agad sakanya ng nanlalaki ang mata, paano ba naman kasi ,medyo baliw din siya no? Magbibigay na lang ng advice ganyan pa yung makukuha ko

"Pwede rin " sabi ni Angel at tumango tango, mas lalong lumaki ang mata ko, ay grabe si angel ! Siya na ata ang pinakagrabe sa Angel, may sungay yan eh.. "Pero kaibiganin mo muna " sabi ni Angel at agad tumango si Angelica

"Mga nababaliw na nga kayo, pakisabi nga? Bat naging kaibigan ko kayo? " I hissed, mga baliw ! Pero sa kabilang banda napapaisip ako,

Mahal ko siya eh..

Makalipas ang tatlong buwan ,nabalitaan kong hiwalay na si Jay at Anna pero inisip ko muna kung ano ang gagawin ko kay Jay.. Oo ! Ganon ako ka-obsessed at kabaliw sa kanya
Hindi ko alam pero araw araw inaakit niya ko kahit wala naman siyang ginagawa, kahit wala naman ang existence ko sa buhay niya..

Ang gwapo gwapo niya kasi, ang tangkad ,moreno, yung bawat gesture niya sobrang hot, mabait, ang laki ng muscles at sa tingin ko may abs din siya, Perfect siya inshort!

"Hi! pwede bang makiupo? " sabi ng lalaki ,napatingin ako sakanya atsaka nagulat, nakangiti siya saakin.. nilapitan niya ko! Shet! Nananaginip ba ko?! Nilapitan niya ko at nginitian niya ako! Ako ba to?! "Uhmm miss ? Okay lang ba? " natigil ako sa pag deday dream nung nagsalita siya ulit at agad akong napatango,eto na yun aayawan ko pa ba?tumungo ako dahil nahihiya ako dahil feeling ko nangangamatis ang pisngi ko "Ako nga pala si Jaytrix,ikaw? " tanong niya saakin.. kaya napatingin ulit ako sakanya.. "Kathara" simpleng sagot ko..
"Ara in short " ngiti ko..

"Ang ganda ng pangalan, kasing ganda ng nagmamay-ari " nakangiting banggit niya na puno ng sinseredad .. pasimple akong ngumiti ng patago atsaka siya inaya "Gusto mo? " aya ko sakanya ng sandwich

"Sige, thanks " sabi niya at kinuha ang isa pang sandwich ko,

Hindi ko namalayang nagkukwentuhan na pala kami ni Jay, ang bilis! Parang kanina lang nagiisip ako kung paano ko siya makukuha pero tadhana na ang nagpasya and yung fact na siya pa ang unang lumapit, feeling ko mamatay na ko sa sobrang sikip at hindi makahingang pagpipigil na ginagawa ko, paano? Eh kausap ko yung taong mahal ko without him knowing..

Lumipas ang mga araw na mas nakilala ko pa siya,

Nakatira daw siya sa Condo niya magisa, independent na daw siya dahil 19 na naman daw siya at ang mga magulang niya ay nasa Italy na may inaasikasong business

May dalawa siyang kapatid na lalaki at isang kapatid na babae, nagulat pa nga ako na yung ex ko eh kapatid niya pala.. Si Oliver William Montenegro, 7 months lang ang tinagal namin pero ngayon okay na kami dahil nagkaroon na kami ng closure..

Pero grabe din, dahil sa rami ng lalaki yung kapatid pa ng ex ko? Dapat ko pabang ipagpatuloy to?

Nakakalito..
Feeling ko nagaaway ang isip at puso ko
Feeling ko gusto ng katawan ko pero ayaw ng isip ko..

Kasi diba? Nakakahiya na yung magkapatid nagiging parte ng buhay mo, at yung isa naging parte ng buhay ko! Ahhh! Nakakalito talaga..

"Hey! " natigil ako sa pagiisip ko ng tawagin niya ako..

"Bakit? " tanong ko..

"Nakatulala ka, Mahal mo paba? " tanong niya kaya naman napangiti ako atsaka umiling..
"eh bakit parang iniisip mo siya? " bakas sa boses niya ang pagkalungkot habang nagtatanong..

Wildest Dreams (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon