"Oooohhoo, oho-oho-oho, tubig!" sa gulat ko, can you imagine that? Mabulunan ka sa lugaw.
"Oh heto bro, ok ka lang?!" binigyan nya ako nang tubig
"Tingin mo Ok lang ako? Anong may pag-asa ka sakin, bwesit ka ahh. Pano di ako mabigla sa sinabe mo ha?" I said after drinking the water.
"Hahahahahah, joke lang yun bro. Hahahahhahaha, akala mo sakin? Di ako bakla oi, hahahhahaha" at tawang tawa talaga sya ahh. Tsk
"Aba't dapat lang. Basted ka na agad kung magkakataon, hahaha"I joked. Nagtawanan kami. Pero bigat parin nang katawan ko.
Pina-inom nya ako nang gamot, tapos pinahiga at kinumutan. Ginaw na ginaw pa rin ako kahit nakakumot na ako.
"May jacket ka ba? para masuot mo man lang? Ginaw na ginaw ka parin eh kahit patay na yung AC." Tanong ni Charlie
"Eh, wala eh. Nasa states lahat nang jacket. Di ako nagdala dito kasi alam kong mainit dito eh."
"Hala, ikaw lang yata yung taong kilala ko na walang jacket. Tsk" Ang ginawa nya ay hinubad nya yung cardigan na suot nya at binigay sakin.
"Oh heto, suot mo para mabawasan yung ginaw mo." Sabi nya sabay abot sakin nang cardigan nya. Kinuha ko naman kasi, ginaw na talaga ako.
"Salamat talaga bro."
"Walang anuman"He said and smiled genuinely to me.
"Oo nga pala, pano mo nalaman address ko at bat ka naparito, di mo ako nasasagot sa tanong na yan ah?"
"Ahh, hahaha, nandito ako kasi, di ka nag rereply sa mga txt ko. Di rin kita makontak, nag alala ako. Sinundan ko kasi kayo kahapon. Ako kaya yung bumusina sa inyo sa kalsada kahapon, ang sweet nyo, sa gitna talaga sa kalsada mag LQ, hahahha. Sinundan kita hanggang sa bahay mo kaya nalaman ko address mo. hehe" mahaba nyang explain
"Hala ka stalker ka pala ha." Joked ko sa kanya
"Hahaha, di ah. Admirer ako kasi guapo ako. hahaha. di joke lang. Nag alala lang kasi ako sayo kasi sa nakita ko kahapon, baka kasi kidnapper yung tao'ng yun kahapon" he said while smiling
" Ahhh, salamat talaga bro. Tulog muna ako ha, masakit na rin kasi ulo ko eh. " sabi ko.
" Sige bro, ahm bro dito na rin ako matutulog ha.hehe" sabi nya sabay kamot nang ulo nya
"Sige bro, dito ka nalang sa kama matulog. Malaki naman tong kama ko eh."
"Sige bro, at bro maghuhubad ako ha, sanay kasi akong nakaboxer lang matulog at medyo mainit kasi walang AC" tanong nya.
"Sige bro, matulog na tayo" sagot ko. At naghubad na sya. Maganda rin ang katawan nitong si Charlie, batak din naman sa gym, tapos ang puti, parang may lahing kano eh, pero pure Filipino sya.
Humiga na sya sa kama pagkatapos nyang maghubad. Nakaboxer lang sya na checkered. Di sya nagkumot kasi mainit daw. Kaya natulog na kami kahit mga 7pm pa lang. May lagnat kaya ako, kaya magpapahinga ako nang maaga.
*********
Kinabukasan, nagising ako sa katok nang kuarto ko.
Medyo hilo pa rin ako pero di naman masyadong masakit ulo ko. Pero tinamad akong tumayo. Alam kong si Ate Fe lang to eh.
"Pasok ka lang ate bukas yan" Sigaw ko, para marinig nya.
Pagkatapos kong sumigaw, nabigla ako kasi biglang umuga yung kama ko. Hala nagising ko yata si Charlie. Nakalimutan kong nandito pala sya.
"Ahy sorry bro, nagising yata kita" Sabi ko sabay tingin ko sa kanya. Ang cute nya ngayon, gulo gulo yung buhok nya at ang kinis talaga nya. Haaayyy nako Ethan, bakla ka na nga talaga.
BINABASA MO ANG
He's Not Mine, I'm His
RomanceIn this world that full of sinners, how could you let yourself away from the sins ? What things would you make to be happy without hurting somebody and not committing sins and lies ?? How could you do all that if in the beginning you already know th...