Chapter 27

8K 130 7
                                    

Chapter 27

Debbie's POV

"Ang layo ng iniisip mo ha?"

Abala ako mula sa pagkakatulala sa labas ng binta ng coffee, kung saan sandali akong nagpapalipas ng oras, nang makarinig ako ng boses ng babaeng nagsalita sa tabi ko.

Nang tingalain ko siya, Sandali akong hindi nakasagot. Hindi ko siya kilala pero sa akin siya nakatingin habang nakangiti. May inilapag din siyang isang tasa ng kape sa lamesang kinaroroonan ko. Gumanti ako ng ngiti sa kaniya pero hindi ako sumagot sa tanong niya. Ang akala ko aalis na siya ngunit naupo siya sa katapat kong upuan.

"Eto, oh. Kape. Libre ko na sayo yan, miss. Kaganina pa kasi kita napapansin na parang tulala. Ok ka lang ba? Sorry, ha? Kung makulit ako."

"Ok lang yun. Salamat."

"May problema ka ba? May maitutulong ba ako sayo? Alam mo, sabi kasi ng lola ko kapag may problema daw ang isang tao. Wag daw akong magdadalawang isip na tulungan siya kahit di ko kilala."

Ngumiti ako uli. Yumuko ako at tumitig sandali sa kape at saka muling tumingin sa kaniya.

"Salamat nalang kasi alam kong wala ng sulusyon ang problema ko."

"Sus, pwede ba yun? Walang problema ang hindi nasosolve. Lahat may sulusyon. . ." tinitigan niya ako saka nangalumbaba. "Love life ba?"

"Uhm. . . " nagaalangan akong sagutin siya kaya Napakagat ako ng labi.

Ngumit siya sa akin saka tumango. Parang alam na niya ang sagot. "Alam mo mahirap nga yan. Lalo na kung iniwan ka para lang sa iba. Minsan kailangan na lang nating tanggaping wala na yung isang bagay na makapagpapasaya sa atin kesa ipilit pa natin yung alam nating kung saan tayo mas masasaktan."

"Siguro nga. . . Pero paano kung di kanaman pala minahal. . . ? Nalaman mong Ginamit ka lang. Tapos ikaw naman tong hindi nadadala, na makita mo lang siya, bumabalik ka uli sa pagiging tanga."

Hindi siya nakakibo sa sinabi ko. Tinitigan lang niya ako ng matagal. Ibinaling ko naman sa labas ng bintana ang panigin ko. "Hindi ko na lang sana siya nakilala nung gabing yun. . . hindi na lang sana ako pumayag sa gusto niya. . . hindi ko na lang sana siya minahal. Kung nangyari yun. Hindi sana ako nagpapakatanga ngayon."

Naramdaman kong namumuo na ang luha sa gilid ng mga mata ko. Ayoko namang ipakita sa babaeng kausap ko ang sakit na makikita niya sa akin. Sinubukan kong pigilan ang pagbagsak nun pero nabigo ako, hanggang tuloy tuloy na silang umagos sa pisngi ko.

Wala akong sinisisi kung di ang sarili ko. Kahil ilang beses ko pang sabihing kakalimutan ko na si xander. Hindi ko naman magawa. Parang ang hirap. . . ang sakit.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko saka yumuko. Wala namang kahit anong sinabi yung babae sa akin.

"Sorry." Sabi ko sa kaniya. Pero akmang tatayo na sana ako, nang pigilan naman niya ang kamay ko.

"Sandali." Meron siyang kinuha sa chest pocket niya saka iniabot sa akin ang parang kapirasong papel na nakatupi. Nagtaka akong tumingala sa kaniya.

"Uhm. . .?"

"Ngayon sana ang first monthsary namin ng boyfriend ko, eh. Balak ko sanang yan ang regalo ko sa kaniya. . . kaso. . ." tumigil siya sandali sa pagsasalita saka binasa ang ibabang labi bago muling nagpatuloy. "Nalaman kong di naman pala niya ako minahal. Nakakaloko diba? Eight years na naging magkaibigan kaming dalawa. Ang tagal ko ring tinagong mahal ko siya. Kaso yun nga lang, pangalawa lang pala ako sa mga priority niya. inisip ko, baka may mali sa akin at kailangan kong baguhin yun, pero na realize ko ring, bakit ko babaguhin ang sarili ko kung may isang tao naman na kaya akong tanggapin kung ano ako."

🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon