CHAPTER 1

12 0 0
                                    

This short or one shot story is under the author's pure imagination.

Do not redistribute, copy, disclaim, edit, post in other sites.

Magbago na kayo. 2017 na oh.

Enjoy reading :)

AN end.

•••

Shai


Summer is the season between spring and autumn. Tha warmest season of the year.

I really don't appreciate summer. For me summer is the season of special break ups. Special heart aches. Summer is nothing.

Bakit kailangang walang pasok pag summer ? I dont understand.

"Ano ba Shai ? HINDI KA BA BABABA DYAN ?" Mom shouted in the top of her lungs down stairs. Nung nakaraang taon ko pa sinabi na hindi ako aalis ngayong bakasyon kasama nila. Busy ako sa stuffs ko ok ? I hate weak connection kaya ayokong sumama sa kanila wherever planet will they go.

Hinayaan ko nalang na sumigaw si Mama sa baba. Hindi padin ako nagbibihis or kumikilos sa higaan. I'm still wearing my pajamas and other sleeping garments. Hindi ako interesadong pumorma dun noh. Pag baba nga sa sala hindi ako interesado, pag bibihis pa kaya ?

"BABABA KA O babasagin ko laptop mo ?" She said with the tone of sarcasm. Binigla ako ni Mama nun nang sumulpot siya sa kwarto ko kasama yung ate ko sa likod nya na gustong pigilan si Mama. Why my laptop again ?

"Nakangiti ka pa talaga ? Tss. Sabi ng ayokong sumama sa resort na yun,Mah. Hindi healthy para sakin yun." pangangamot ulo kong sabi kay Mama habang nakaupo sa kama.

"Nababaliw ka na talaga. EH ANO SA TINGIN MONG HEALTHY PARA SAYO ? MAGMUKMOK DITO SA KWARTO AT GUMAWA NG FICTIONAL STORIES AT TUMAWA MAG ISA ? Utang na loob Shaina. Ang tanda mo na para maging fan ng mga ganyan. Naninilaw ka na dito oh."

"Magpapaaraw ako bukas. Ayoko talagang sumama sa inyo. I'm not like ate na mahilig sa business appointments at kayang makinig maghapon sa seminar. Baka magkombulsyon pa ako dun. Nakakahiya.

"No ! Ako ang masusunod this time, Shai. You're going with us. I'm not forcing you to join the seminars and attend my meetings. The Calatagan beach is so fascinating. I won't let you win over me. Just in 10 minutes. Fix your things."

Whenever my mom raps, its already the end of the battle. Panalo na siya. Fine. Gusto nyo akong torturin with the beaches of Calatagan. Fiiiiine.

Sometimes, I wish I had more siblings so my mother won't check my activities from time to time.

____
Sa Van.

Nasa likod na likod ako at nag so-soundtrip. Sa unang seat kasi kung saan yung driver's seat, andun si Papa. Automatic na na katabi nya yung pugita kong Mama. Sunod na hilera ng upuan eh si Ate kasama yung iba naming bag. Tapos sa likod na ako.

"Sai, hindi ka talaga nagpalit ng pajama ? Nakakahiya na bababa ka sa van mamaya ng nakaganyan." Ani ate na nakapangalumbaba sa sandalan ng upuan nya at nakaluhod dun para makita akong mabuti dito sa likod.

Umangat ako ng tingin sa kanya. "Mas nakakahiya kung wala akong suot na bababa mamaya sa van na to. Pwede ka ng manahimik ?" I rolled eyes pero ok lang yan kay ate. Ganyan din naman yan minsan. Mas malala pa nga. Maganda lang mood nyan dahil gusto nya tong pupuntahan naming bakasyunan.

____
"Hi Maam, Sir, welcome po sa Tuggers Resort. Kami na po bahala sa mga luggages nyo. Kanina pa po kayo inaantay ng mga kameeting nyo."Sabi nung tumambad saming crew ng resort. Medyo around 30's na ang lalaking to at pinasadahan nya ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa. That's why I gave him a shot.

"Ano ? Ngayon ka lang nakakita ng teroristang nakapajama pagbaba ng van ?"

"Maam, baka po turista ? Hindi terorista ?" Nag aalangan nyang tanong.

"You heard it right. Terorista ako. Mag ingat ka nalang sa titig ko. Ha tanda ?" Nabigla sya dun at napa atras pero nakabawi naman sya agad nung binatukan ako ni Mama na parang akala ko eh nahulugan ako ng poste dito sa hallway. Panira ng pagmamaldita tong si Mama.

"Pasensya ka na. Premature ko kasing pinanganak tong si Shai kaya ganyan sya. Paki nalang sa mga gamit namin. Salamat Jovs." Bait baitang sabi ni Mama sa crew. Tinanong ko nalang yung direksyon ng inn na tutuluyan namin at nagmadali na akong pumunta dun. Inaantok ako sa kalahating araw na byahe. Buti nadala ko laptop ko.

ROOM 12

Walang gana kong binagsak yung katawan ko sa higaan. Medyo nayamot pa nga ako dahil ang lalaki yata ng unan dito. Hindi pa ganun ka fluppy. Tss. Poor class of inn. I decided to take a nap bago kami mag dinner. Sa shore line daw kasi yung dinner namin mamaya. Kaartehan ni Mama. You know naman.

Habang nilulubog ko ang sarili ko sa pagtulog, I heard someone's groaning behind me. At kahit ganito ako kasiraulo, natatakot din naman ako. Hindi ko alam kung paano ko nalang nahablot yung kumot sa gilid ko at nagtago dun. Kahit paa ko hindi ko nilalabas. Andito sa kumot na to ang buong katawan ko. But still, there's someone keeps groaning at mas lumalakas sya. Waaaaaaah. Naaalala ko yung mga horror movies na napapanuod ko. Yung the long weekend. Nasa isang island sila nun same as we at nakakapasok sa isang family house yung multo. Waaaaaah. Isa na to sa dahilan kung bakit ayaw kong sumama sa mga ganito. Sa bahay mas safe ako.

Hindi talaga ako makalma. Nastiff na ako sa gilid habang nakatalukbong sa kumot. Naiihi na ako pero tiniis ko.

"Hmmmm."

"Shit !" I cussed. That's a guy's voice. At feeling ko, sa likod ko galing yun. Anong oras na ba ? 4 palang ng hapon ah. Bakit may nagpaparamdam na ? I earn enough fighting spirit and slowly face the ghost behind me. 1...2...3...-----

"KYAAAAAAAAAAAH ! MANYAK KA ! MANYAAAAAAAAAK ! LUMAYAS KA NGA DITO. SINO KA ? HA ?"

"Aray ha ! Hindi mo ba alam yung kasabihang magbiro ka na sa laseng wag lang sa bagong giseng----A. ARAY ! What the----OUCH !"

"Naisip mo pa talagang mag recite ng sayings eh kita mong pinapalabas na kita dito ? MANYAK ! KYAAAAAAH."

"Anong manyak? At bakit ako lalabas dito eh designated room ko to? HUY Miss. Baka naliligaw ka ? Kanina pa ako natutulog dito eh."

O_____O Kaya ba sabi ko kanina na parang matigas yung unan ? Tao pala ? T_____T

"Anong nangyayari dito ? My gosh, Shai. Ang lakas ng tili mo. Nakaka interrupt ka ng meeting sa convention area. Abot hanggang dun." Over reacting na tanong ni Mama kasama ang hindi ko kilalang babaeng maganda at ang ate kong chismosa. Naka abang sila dun sa may pinto.

"Eh kasi tong manyak nato, tinabihan ako sa higaan KO !" I said in dangerous tone sabay turo sa lalaking hindi pa umaalis sa tabi ko.

"Excuse me, tita and Mom, kanina pa ako natutulog dito. This is my room right ? Bakit ngayon ako pa yung manyak ? Try nya kayang ituro sarili nya." Sabay hinawakan nya yung kamay kong nakaturo sa kanya at tinutok nya yun sakin. Tinuturo ko na ngayon ang sarili ko.

"Yan ang manyak na sinasabi mo." Sabi nya pa habang nagkukusot ng mata.

"Bakit ako?" I asked.

"Hehehe. Kaya pala hindi ka sumunod sa kwarto natin, humiga ka pala agad dito. Sa kabila yung kwarto natin Sis. Sumobra ka ata sa nilakarang pinto."

"AAAARGHHH !" I stood up and walked out of that room. That was so embarassing. Bakit hindi nila sakin tinuro ng maayos yung room namin? Sabi ng attendant, 12 daw . tss. Mamaya yun sakin.

See ? Ayan na. Nag sisimula na ulit manira ng mood ang summer. Best season ever talaga.

-----

MR. RIGHT IN SUMMER SEASONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon