Blaire's POV
"Leading character para sa isang teleserye? Akala ko po ba bawal akong kumuha ng mga ganong role hanggat hindi pa ako tapos mag-aral?"
Di ba nga 'yun yung reason kung bakit ako nag-quit sa showbiz noong high school ako?
"Pero naisip rin namin ng mommy mo na hilig mo talaga ang pag-arte kaya nga Fine Arts ang kinuha mong course di ba? Besides you're already college kaya hindi na magiging conflict sa schedule mo ang taping kasi may mga vacants ka naman. Sinabi ko rin kay direk na studies ang priority mo at sabi niya sa akin ay siya na ang bahala sa sched mo. So ano tatanggapin mo ba 'yung offer niya o hindi? Pero sayang din 'yun kasi matagal naring hinihintay ng mga fans mo ang pagbabalik mo sa tv." ---> Daddy.
Maybe dad is rigth. Matagal ko na rin kasing gustong umarte ng totohanan hindi yung extra lang.
"Tungkol saan po ba 'yung script saka sino-sino po ang mga actors na makakasama ko?" I ask while drinking my milk.
"The story is about a mortal enemy who fight because of a certain popularity and a love triangle because of the man they love." ---> Daddy.
Muntik na akong masamid dahil doon sa sinabi ni daddy? Seriously? Sino kaya ang script writer noon at parang ako ata talaga ang pinatatamaan noong story.
"And whose exactly the guy who'll portray the role of protagonist?" Tanong ko pa ulit.
"Dylan Lee." Dad answered.
"Seryoso? Walang halong biro?" Naniniguradong tanong ko habang nanlalaki ang mga mata ko.
As in 'yung super gwapo na half Filipino-half Korean actor/singer na si Dylan Lee ang makakasama ko? Aba tatanggapin ko na agad 'yang role na 'yan!
"Yeah it's true." ---> Daddy
"Pero paano po 'yun daddy di po ba sa Korea naka-base si Dylan? Ibig sabihin sa Korea pa po ako mag-sho-shooting? Don't you think it would be too exhausting for me?" ---> Ako.
Kung sa Korea gaganapin 'yung shooting tapos dito ako sa Pilipias nag-aaral aba mahirap po kayang magpabalik-balik. 'Yung oras na dapat ay ipapahinga ko ay mauubos lang sa pagsakay ko ng eroplano.
"Yung totoo pumapasok ka ba anak? Of all people ikaw pa ang hindi nakakaalam na magtra-transfer na sa school ninyo si Dylan bukas at dahil parehong Fine Arts ang course ninyo malamang sa malamang na maging schoolmate kayo yun nga lang mas ahead siya sa'yo ng two years kasi balita ko third year na siya." ---> Daddy.
"Eh?" Nakanga-ngang tanong ko.
"Wag masyadong OA anak. 'Wag ka ring mag-a-assume na papatulan ka noon. Balita ko may babae na siyang matagal na mahal kaya wala siyang pake sa beauty mo. Just focus on that Kysler of yours. *wink*" Tapos tinalikuran na ako ni daddy bago nagsimula sa paglalakad.
"Dad wait! Ano po ang magiging role ko? Protagonist o antagonist?" ---> Ako.
"Protagonist daw." ---> Dad.
Kung si Dylan ang protagonist na lalake tapos ako ang protagonist na babae ibig sabihin kaming dalawa pala ang magiging bida sa telesrye. Aba ayus 'yun!
"If I'll be the protagonist then who'll be the antagonist?" ---> Ako.
"Kea, Kea Evora." ---> Dad.
"S--si Kea?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "P--paanong? Di po ba nasa London na siya?" ---> Ako.
Akala ko pa naman pinatapon na siya ng kampon ng mga kadiliman sa lungga niya at hinding-hindi na babalik dito sa Pilipinas.

BINABASA MO ANG
Black Book of Spell
JugendliteraturNow a story that started with a black magic is about to start. The most unwanted fairytale story that you've ever imagine!