07: Accident

123 11 0
                                    

Kysler's POV

"Haaay... Nami-miss ko na si papa Yuan ko. Kamusta na kaya siya sa Italy? Malaman-laman ko lang talaga na inaalila siya noong demonyitang Stephanie na 'yun at sisiguraduhin kong ako talaga ang babasag sa mukha niya." Banta ni Xyla habang kinakagat 'yung fries niya.

"That's too bad for her. Remember she's still my bestfriend." ---> Tyler.

"Isa ka pa! Sa dami-daming taong pwede mong i-bestfriend bakit naman 'yung demonyita pang iyon ang napili mo? Alam mo namang hindi kami magkasundo noon 'di ba?" Reklamo ni Xyla kay Tyler.

"She's not that bad like you always think. Believe me she's nice." Pagtatangol pa ulit ni Tyler sa bestfriend niyang si Steph.

"She's nice? Tss... May nice ba na nang-aagaw ng mahal ng iba? Saka may nice ba na lagi akong tinatawag na nawawalang kakambal ni Sisa? Bwiset talaga 'yung babaeng iyon! Demonyita much siya." ---> Xyla.

Haaay... Ang mga babae nga naman.

"Teka guys bakit wala pa rin si Blaire?" --->Clyde.

"Maybe traffic." ---> Tyler.

"I-text ninyo na nga siya." Utos ni Clyde sa amin pero mukhang wala atang may balak na sumunod sa kanya kaya siya na lang din ang nag-text kay Erikah.

"O ano Clyde nag-reply na ba si Blaire?" ---> Xyla.

"Hindi pa nga e." ---> Clyde.

"Maybe lost of signal." ---> Tyler.

"Nakaka-28 messages na ako sa kanya. Saka pare-pareho tayong nasa Maynila kaya imposibleng wala siyang signal. I-try mo kaya Kysler, I'm sure pag ikaw ang kumontak sa kanya mag-rereply agad 'yun." ---> Clyde.

Tinignan ko lang si Clyde para ipahiwatig na wala akong balak na gawin ang inuutos niya ang kaso sabay-sabay silang tatlong tumingin ng masama sa akin.

"Fine! Sabi ko nga tatawagan ko na siya." ---> Ako.

I was about to press the call button when Xyla stops me.

"Tumatawag na siya sa akin guys!" Pag-iimporma ni Xyla sa amin bago niya sinagot 'yung tawag daw ni Erikah.

Asan na kaya 'yung babaeng iyon? Abala sa buhay e pati kami pinag-aalala.

"Diyan muna kayo maglalakad-lakad lang ako sandali." Paalam ko bago ako tumayo.

"ANO PO?! HA? O SIGE PO! OPO PUPUNTA NA PO KAMI AGAD DIYAN!" Natatarantang sabi ni Xyla sa kausap niya with matching worried expression.

Bakit kaya mukhang natataranta siya?

"Hey Xyla, what's the problem?" Nag-aalalang tanong ni Tyler sa namumutlang si Xyla na halatang any moment ay papatak na ang mga luha.

"G---guys... N--nabangga daw sa truck ng yero ang van na sinasakyan nila Blaire galing sa sementeryo. Dead on arrival daw 'yung driver at dalawang katulong na kasama niya pero si Blaire nasa kritikal pang kondisyon at sinusubukan pa nang mga doktor na i-survive ang buhay niya but her chance to survive is 50-50." Tulalang sabi ni Xyla habang dire-diretso sa pagpatak ang mga luha niya.

"What?!" Sabay at hindi makapaniwalang tanong nila Clyde at Tyler habang ako'y parang biglang pinanlamigan sa kinatatayuan ko.

"What are you standing at Kysler?! Hindi ka ba sasama sa amin sa ospital?" Sigaw sa akin Clyde.

Kahit wala sa sarili ay napatakbo na lang ako papunta sa kanila para mapuntahan na agad namin si Erikah.

***

Black Book of SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon