04: Finding the Black Book of Spell

137 9 0
                                    


Kysler's POV

"Pare kahit kailan talaga napakagaling mo sa home run." Humahangang sabi sa akin ng mga ka-teammates ko sa baseball habang naglalakad kami papasok dito sa loob ng locker room.

"Hindi naman masyado nadala lang sa practice." Medyo nahihiyang sabi ko sa kanila.

Pagkapasok ko sa locker room ay agad kong hinagilap 'yung towel ko para makaligo na.

"Oy pare sino kaya ang anghel na nagpaulan ng cupcakes sa mga locker natin?" Narinig kong tanong nila.

Cupcakes daw? Iisang tao lang ang alam kong mahilig sa cupcake and it's her.

"Kung sino man 'yun thank you na lang sa kanya. Tamang-tama gutom na gutom na ako galing sa practice." Sabi pa ulit nila.

After I take a bath ay nagbihis na rin ako ng uniform ko kasi may next class pa akong kailangang habulin.

"Kysler wait!" Sigaw na tawag sa akin ni Clyde.

"Why?" I asked.

"Hindi mo man lang ba kukuhanin itong cupcakes na para sa'yo?" ---> Clyde.

"I'm still full. Ipamigay mo na lang kung gusto mo." ---> Ako.

"Pero sayang naman. Take it kainin mo na lang mamaya pag nagutom ka. Don't worry masarap siya." Tapos sapilitan niyang inilagay sa bag ko 'yung kahon ng cupcakes habang yung isang kamay niya ay hawak-hawak 'yung cupcake na para ata sa sa kanya.

Pagkatapos ng tatlong oras straight class ko ay nakaramdam ako ng gutom pupunta sana ako sa cafeteria namin para kumain kaso naaalala ko lang 'yung kahihiyan na nangyari doon last week.

Kasalan ni Erikah kung bakit pinagpyepyestahan ngayon sa social media ang mga pictures at video namin.  Kung hindi niya ako ininis ng sobra noon hindi ko naman talaga siya hahalikan saka kung hindi dahil sa mga labi niyang mapanukso hindi naman sana lalapat 'yung mga labi ko sa kanya. Bwiset! Kasalan niya 'yung lahat.

"Nilandi niya kasi ako!" Inis kong bulong bago ko sinipa itong bato sa harapan ko.

"At nagpalandi ka naman?" Nakakagulat na singit nitong babae mula sa likuran ko.

"Pwede ba Miss sa susunod magpasabi ka muna para di ka nakakagulat!" ---> Ako.

"E 'di wala ng thrill kapag ginawa ko yun?" Tapos bigla na lang akong nasilaw sa flash ng camera niya na tumambad sa mukha ko.

"Bakit ka ba nagunguha ng picture ng walang pasabi!?!" Sigaw na tanong ko sa kanya.

"Bakit magpapakuha ka ba ng picture kapag nagpaalam ako?" Kampanteng sagot niya habang ngiting-ngiti siya sa camerang hawak niya. "Besides I love stolen shots kasi mas naka-captivate ko 'yung totoong nararamdam ng subject."

"Ano bang kailangan mo sa'kin ha?" Mataas ang boses na tanong ko.

Kilala ang babaeng ito sa school namin bilang ang pakielamerang school editor in chief ng newspaper namin at sigurado akong may kinalaman sa dyaryo ang pagsunod niya sa akin.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa kasi alam kong kilala mo ako to think na isa ka sa mga staffers ko. But don't worry I'm not here for newspaper matter instead I'm here to help you." ---> Siya.

"To help me?" Nakakunot noong tanong ko.

"Yup!" Tumatangong sagot niya. "I know na malaki ang galit mo ngayon kay Erikah o mas kilala sa pangalang Blaire dahil pinanghimasukan niya ang bangungot na matagal mo ng gustong kalimutan." ---> Siya.

Black Book of SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon