09: Tears of Pain

120 11 2
                                    

Kysler's POV

*flashback*

Narinig kong nag-react 'yung emcee dahil sa pagtakas na ginawa namin pero mukhang wala naman atang pakialam itong si Erikah kasi busy siya sa pagtakbo.

"Hey 'wag na tayong tumakbo baka madapa ka sa heels na suot mo." Pigil ko sa kanya kaso pasaway talaga dahil hindi man lang ako pinakinggan.

Tumigil kami sa tapat nitong music room ang kaso naka-lock kaya hindi kami makakapasok.

"Hala paano iyan naka-lock pala." Reklamo niya sa labas nitong pinto.

"Kung ano man ang gusto mong gawin sa loob ipagpabukas na lang natin." Sabi ko sa kanya habang inaalo ko siya kasi sobrang lungkot na ng mukha niya.

"Pero kailangan kasi talaga nating makapasok sa loob." Sabi niya sa halos basag na boses na parang anytime ay hahagulhol na siya sa pag-iyak.

I got alarm when I saw a tear falling from her eyes kaya agad kong pinagana ang utak ko para makaisip ng paraan.

"Does it really important?" Tanong ko habang pinupunasan ko ang mga luha niya.

Haaay... Bakit ba napakaiyakin ng babaeng ito?

She nod first.

"Dahil kung hindi ngayon baka habambuhay ko nang hindi maipapakilala sa'yo kung sino ba ang taong mahal ko." Lumuluha pa rin niyang sagot.

"Anong klase bang nilalang 'yang lalakeng mahal mo? Siguro engkanto siya 'no kaya takot sa tao?" Biro ko sa kanya para tumigil na siya sa pag-iyak.

I just can't afford to see her crying.

"Wala kang karapatang pulaan ang lalakeng mahal ko! Hindi mo alam kung gaano siya kaimportante sa akin!" She shouted.

Medyo nagulat ako sa sigaw niya. Para kasing napaka-big deal sa kanya 'nung biro ko. Maybe she just really love that guy and I must say that he is so lucky to beloved by this beautiful lady infront of me.

"Maybe we can use the back building. Alam ko laging bukas 'yung bintana doon." Tapos ako na ang nanghatak sa kanya patakbo ang kaso napansin kong hirap siya sa suot niyang heels kaya tumigil muna kami pansamantala.

"Oy, teka anong gagawin mo!?!" Naeeskandalong tanong niya habang hinuhubad ko 'yung heels na suot niya.

"Alam ko namang nahihirapan kang tumakbo dahil sa taas nitong heels na suot mo kaya ito munang medyas ko ang suotin mo para hindi madumihan iyang paa mo sa pagtakbo. Don't worry wala akong alipunga." Sabi ko sa kanya habang isinusuot ko sa paa niya itong pares ng medyas na suot ko.

Pagkatapos kong maipasuot sa kanya 'yung medyas ko ay tumakbo na ulit kaming dalawa habang hawak-hawak ng kanang kamay ko 'yung kaliwang kamay niya. Tapos sa kaliwang kamay ko naman hawak-hawak ko 'yung sapatos naming hinubad bali nakapaa na rin ako para parehas kami.

Pagdating namin dito sa back building ay agad kong sinampahan itong terrace nitong music room bago ko siya inalalayan sa pag-akyat. Ako muna ang unang pumasok sa loob para kapain ang switch ng ilaw kasi alam kong takot siya sa dilim.

"Halika na, pumasok ka na." ---> Ako.

Pagkapasok niya sa loob ay agad niyang nilapitan 'yung piano.

"Want me to play you a song?" Tanong ko sa kanya kasi titig na titig siya dito sa piano.

I know how she loves the music of piano iyon nga lang sa lahat ng instrument piano ang hindi niya alam tugtugin. Minsan ko na siyang sinubukang turuan kaso ayaw din niyang matuto kaya kadalasan ako na lang ang tumutugtog para sa kanya.

Black Book of SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon