April 4, 2013, tandang tanda ko pa ang first encounter ko sa bahay ng lolo nila Owang sa Pangasinan. May handaan kasi birthday ng namatay niyang lola kasabay ng "bakas" (term nila sa pangalatok parang padasal ganun) nito at dispedida ng tita niya na uuwi na ng Amerika.
Umaga iyong mga 8:30 am, tapos ng magluto lahat at inaayos nalang ang tent at mga lamesa. Kumakain kami noon. At nag uunahan kami sa softdrinks kaya maingay. Pagkatapos nun bumalik kami sa sala kung saan kami kumakain. Maya maya pa ay may narinig akong umiiyak na sanggol, as in parang bagong panganak lang. "O ano iyon?" Sabi ko. Pero patuloy lang sila kumain. " Hindi niyo ba naririnig?" Sabi ko ulit. "Alin?" Tanong naman ni Mayang. "Umiiyak na baby??" Sagot ko. "Naku pabayaan mo na lang, ganyan talaga pag bago ka dito papansin iyang mga iyan." sabi naman ng hipag ko. Nung una hindi ko magets iyong sinasabi nila hanggang kinuwento ng asawa ko.
"Dati kasi nung ginagawa pa lang iyang underground (hindi talaga totally underground siya kasi litaw iyong 3/4 nito) may nahukay kaming buto ng tao diyan. Iyong isa nahukay ko buto ng bata sa nasa boteng malaki. Buo pa siya. May ibinaon daw kasi silang fetus dati diyan anak ni tita Dang sabi nila lumaki daw kasi imposible namang magkasya iyong ganong kalaking sanggol dun sa bote." paliwanag ni Owang.