Kwento ito ng asawa ko noong binata pa siya.
POV ni Owang to.
*****
Nakatambay kami sa tulay noon kasama ang barkada ko si Jatjat(bf ng ate ko) at si Barnard. Syempre gawaing binata. Inabot na kami ng alas onse ng gabi sa pagtambay. Nakaupo kami sa grills ng tulay habang nagtitext nang biglang nagsalita si Jatjat.
Jatjat: Tol sino iyon?
Owang: San? Wala naman!
Barnard: San ba?
Jatjat: Ayon sa manga nila lolo Rudy.
Owang: Si Aly yan, baka bibili.Tinignan lang namin iyong babae. Syempre papalapit ito sa amin kasi iyong tulay lang ang daan para makapunta sa kabilang kanto pero nagtaka kami bakit hindi nakatukod sa lupa ang paa niya at tila nakalutang. At bigla na lang itong tumawid sa batis ng nakalutang.
Humarap pa ito sa amin pero wala itong mata, ilong at bibig!
Kaya tang ina takbuhan na!