Nangyari po ito kaninang 5:30am. Feb. 1, 2016.
Nabanggit ko naman na sa inyo na madalas na makakita ang asawa ko ng kung anu ano di ba, at ito ang nangyari kanina.
Tuwing 3 am talaga ay ginigising siya ng mama niya para samahan niya ito sa canteen sa hiway (Sumulong Highway). Nasanay kasi ang biyanan ko na sinasamahan din siya ng asawa ko pag hatid niya sa akin noon nagtatrabaho pa ako sa call center 3 am din kc sced ko nun. So ganito nga pagkatapos nilang magluto uuwi na ito sa bahay para matulog ulit.
Habang papauwi daw siya may naramdaman daw siyang tumalon sa pader sa nadaanan niyang compound. Ung compound kasi na iyon open dati kaso pinapader ng may ari kasi ginagawang tambayan ng mga adik sa lugar namin. Pinabayaan na lang daw niya iyon kasi parang tao lang daw talaga tyaka umaga na nun at madami na siyang nakakasalubong na tao. Nang mapunta daw siya sa maliwanag na part ng daan lumingon daw siya pero wala naman siyang makita. Hanggang sa makarating na siya sa gate ng bahay, inabangan niya itong dumaan sa harap ng gate namin dahil alam niyang nakasunod pa rin ito sa kanya. Kunwari pa siyang umihi sa gilid pero nagulat daw siya ng may kumalampag sa gate namin ng malakas. Tinignan niya kung ano o sino iyon pero wala naman daw. Kaya naman naisipan niyang pumasok na lang dahil medyo Kinilabutan na siya dun. Pero bago siya pumasok sa pinto namin ay kumalampag na naman ang gate na parang may gustong pumasok. Pagkatapos nun dali siyang umakyat sa kwarto namin at kinuwento sa akin ang nangyari.
Ano kaya yung sumunod sa kanya??