Panaginip 2

16 1 0
                                    


Way back 2011 nang mamatay ang mama nila Eceboy na si Auntie Eva. Ilang buwan ding hindi matahimik ang pamilya nila dahil madalas magparamdam si Auntie Eva siguro dahil biglaan talaga ang pagkamatay nito. Galing lang ito sa bayan at bigla na lang inatake ng matinding hika.

Ilang buwan na ang lumipas 3rd year high school pa lang sila Owang noon. Isang gabi napanaginipan niya ang Auntie Eva niya, isinasama daw nito si Eceboy dahil siya ang paboritong anak nito hanggang sa nagising siya. Nagtataka siya dahil katabi lang daw niya si Eceboy pero wala siya sa tabi nito. Napatingin na lang siya sa kisame at laking gulat niya na nandoon si Eceboy na nakalutang nakatingin ito sa kaniya. Umiiyak ito pero hindi siya makapagsalita nagtinginan lang daw sila hanggang sa unti uti itong bumaba sa kamang kinahihigaan nilang dalawa. Ilang minuto pa ay nagbulasan silang lumabas sa kwarto.

Nabulabog ang buong bahay dahil sa kanila dis oras pa kasi ng gabi. Nang tanungin sila kung bakit ay kinuwento nila na pareho nilang napanaginipan ang Auntie Eva niya at nakita na lang niyang nakalutang hanggang kisame habang nakahiga si Eceboy.


Totoo po ito dahil pareho sila ng Ikinweto sa akin.

Tales Of Horror (Real Experience Of Terror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon