Ewan ko sa asawa ko kung bakit palagi siyang nakaka encounter ng mga kababalaghan. Siguro ay dahil nakaranas na siya ng Near Death Experience.
*****
3rd year high school ako ng na experience ko ito at isa sa mga hindi ko malilimutan. Nakatira pa kami noon sa tita Lisa namin sa Pangasinan kasama ang ate ko. Nasa iisang kwarto lang kami ni ate at katapat ko ang bintana na walang salamin. Okay lang iyon sa akin kasi malamig kaya nasanay din ako.
Isang gabi hindi ko alam kung anong oras iyon ng magising ako dahil sa may humihila ng damit ko sa bandang dibdib. Napamulat ako at nakita ko ang isang maitim na maitim na malaking kamay at sobrang mabalahibo galing sa labas ng bintanang katapat ko. Hindi ko alam pero bigla na lang itong hinugot sa labas at narining ko pa ang sound na umuungol habang papalabas ang malaking kamay sa bintana.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko ginising ko ang ate ko pero ayaw niya magising. Nagtalukbong na lang ako ng kumot at pilit wag isipin ang nangyari kanikanina lang na may gustong kumuha sa akin.
Kinabukasan kinuwento ko sa kanila ang nangyari at sabi nila mayroon talaga doong bantay na lapre sa puno ng kamansi sa tapat ng binta na na iyon. Kaya mula noon sa sala na kami natulog.