Kwento ito ng kapitbahay namin sa Pangasinan.
*****
Si Aling Tinay ay masugid magpataya ng jueteng sa lugar namin. Kahit umulan o bumagyo pa. Isang gabi nagpataya siya ng jueteng sa banda namin. Pundido ang mga poste ng kuryente dun kaya may dala siyang flashlight.
Matapos magpataya ay tumigil muna siya sa tindahan nila Uncle Bonnie para makipagkwentuhan at ibigay ang nakolekta niyang pataya.
Mag aalas 8 y media na nang biglang umulan kaya nagmadali siyang maglakad ng halos patakbo na rin dahil hindi naman kalayuan ang bahan nila.
Pero nang matapat siya sa bahay nila Tandang Flor na napapabalitang magkukulam sa lugar namin ay may nakita siyang gumugulong na bagay papalapit sa direksyon niya. Hindi na lang niya ito pinansin kasi ang akala niya ay buko lang ito na nahulog sa daan. Pero nagulat siya nang nasipa niya ito at tila bato sa tigas kaya naman napahinto siya at inilawan ang nasa paanan niya.
Nakita nita ang isa ulong pugot ng lalaki at nakatirik ang mata at nakalawit ang dila kaya kumaripas ito ng takbo pabalik kila Uncle Bonnie at doon nagpumilit magpalipas ng gabi...
Kaya mula noon hindi na siya nagpataya ng jueteng..