Sa bahay ng lolo ng asawa ko, isa sa mga kinakatakutang part nito ang CR.
*****
Owang at Eceboy
Mga 11 years old sila ng magyari ito. Sabay silang naligo at sobrang tagal na nila dahil sa paglalaro ng tubing malaki kasi ang CR na iyon. Bigla nalang daw kumatok sa bintana nito isang kamay ang nakita nilang nakalapat sa bintana na sobrang puti na tila sobrang babad sa tubig. Akala nila binibiro lang sila ng pinsan nilang si Cyril kaya pinabayaan na lang nila.
Pagkatapos nila pumunta sila sa bahay ng tito nila para sabihin sa pinsan nila hindi sila natakot sa ginawa nito. Pero sabi ng tito Gerry nila. "Wala sila dito, sumama siya kay tita Lala nyo sa palengke kanina pa. Ako kagagaling ko lang sa tita Lisa nyo."
Min-min
Natural na kay min-min ang makakita ng multo. Ang nag kwento nito ay si Auntie Sisi, kasama nila sa bahay.
Alas singko ng madaling araw ay gising na ako para ipagluto ang mga alaga kong estudyante. Habang nagsasaing ako ay dumating naman sa kusina si min-min(grade 4 siya noon ngayon grad3 5 na), tinanong ko siya kung bakit ang aga niyang gumising sabi naman niya hindi na kasi siya makatulog. Kaya nag timpla na lang kami ng kape namin.
Tapos sabi niya naiihi daw siya kaya sabi ko "dalian mo susunod ako naiihi na din ako." Kay pumasok siya sa CR na katabi lang mismo ng kusina. Habang naghihintay naisipan kong buksan na ang pinto at mga bintana sa sala dahil medyo maliwanag na. Pero pagbalik ko sa kusina sinalubong ako ni min-min, sabi niya "Si Auntie, hindi makapag hintay sabi ko wait lang katok ka ng katok!" Nabigla ako sa sinabi niya kaya sabi ko "Nandoon kaya ako sa sala binuksan ko ung pinto at mga bintana."
Baneneng
Recently lang ito nangyari. Pasado alas sais na ng gabi ng maisipan ko nang maglinis ng katawan para direktso higaan na ako tutal tapos na kamin maghapunan.
Kaya kumuha muna ako ng mga damit ko at twalya sa kwarto. Tapos diretso CR na ako. Sinigurado kong nakasara maigi ang pinto dahil magha halfbath ako. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon nang may kumatok sa bintana sa tapat ng toilet bowl kaya sinilip ko.
Nakita ko ang isang kamay sa labas ng bintana na sobrang puti pati ng braso pero hindi ko nakita ang katawan kumaway ka ito sa akin! Kaya sa sobrang takot lumabas ako sa CR kahit nakahubo. Sakto naman na nandoon sila Mayang, Mama at ate Ronah na nagkuwentuhan at nagsisipilyo. Tinawanan nila ako pero sinabi ko na may nakita akong kamay sa bintana sa CR kaya ako takot na lumabas. Namutla din sila sa takot pero di pa rin nila ako tinigilang pagtawanan.