Nabanggit ko na sa inyo na may pinsan ang asawa ko na ang pangalan ay min min. Sa totoo lang weird talaga ang batang iyon. Kung ako ang tatanungin, ayoko siyang kasama lalo sa gabi.****
Story 1Dalawa silang magkakapatid, si Isang at Min min. Hiwalay ang magulang nilang dalawa kaya napunta sila sa part ng papa nila.
Minsan lang umuwi sa probinsya ang papa nila dahil nakabase ang trabaho niya sa Marikina bilang project Engineer.
Tuwing umuuwi ang papa nila dati, sa underground (basement yun pero underground tawag nila) sila natutulog na mag aama.Isang gabi habang natutulog sila, ginising daw ni min-min ang papa niya para umihi sa cr. Kaya bumangon ang papa nila para buksan ang ilaw. Pagkatapos nun lumabas na ng basement si min-min at pumunta sa cr. Pero maya maya pa ay bumalik agad ito kaya nagtaka ang papa nila.
"Oh, nakaihi ka na?" Tanong ng papa niya.
"Hindi po, nakaupo kasi iyong bata sa inidoro." Sagot ni min min at bumalik na lang sa pagtulog.
Nagtaka raw ang papa niya kung sinong bata ang nandoon dahil dalawa lang naman solang magkapatid na bata sa bahay na iyon.
Story 2
Ganoon ulit, natutulog ang mag aama nang biglang nang gising si min-min.
"Pa, naiihi ako." Pangangalabit daw ni min-min sa papa niya.
Nauna raw itong tumayo at nag antay sa may pinto para samahan siya ng papa niya na pumunta sa cr. Pero laking gulat ng papa nila nang isindi nito ang ilaw at nakita si min-min na mahimbing na natutulog sa tabi ng ate niya.
Sino iyong nangalabit at tumayo pa punta sa pintuan?
Story 3
As usual ganoo pa rin ang set up nilang mag aama.
Sa gabing iyon muling nang gising si min-min.
"Pa, hindi ako makatulog!" Sabi nito sa ama.
"Hmm, bakit?" Inaantok nitong sagot.
"May bata kasi sa tapat natin malapit sa pinto." Bigla tuloy napabalikwas tuloy ng tayo ang papa nila para isindi ang ilaw.
"Saan---" laking gulat ng papa nila na naghihilik si min-min sa kama.
Story 4
Way back 2014 ito nangyari. 40 days ng tito nila na namatay. Syempre nakaugalian na sa probinsya na naghahanda sa mga ganoong okasyon. Nagkaroon kami ng munting salo salo sa bahay ng lolo ng asawa ko. Kinagabihan, nagsiuwian na kami sa bahay ng tita Lisa namin dahil doon kami nakituloy noong buntis ako.
Mga bandang alas nuebe ng gabi gising pa kami noon at nanunuod pa ng TV. Naisipan naming kumain ng biko kaya inutusan namin si Owang na pumunta sa kabilang bahay.
Pangpunta raw niya roon naabutan niya si min-min sa sala at nakahiga sa sofa.
"Oh bakit nandito ka? Nasan ang papa mo?" Tanong niya sa bata.
"Nasa taas tulog na. Ayoko doon gusto ko dito babantayan ko ang mga handa." Sagot naman nito kaya pinabayaan na lang niya at dumiresto siya sa kusina para kumuha ng biko.
Pagbalik niya, nakita niya si min-min sa harap ng pinto ng underground. Nakatayo lang siya doon at nakaharap sa loob.
"Anong ginagawa mo diyan?! Umakyat ka na nga!" Sabi ni Owang pero nilingon lang siya ni min-min.
"Siguro kaibigan mo na iyong mga multo dito noh?!" Pananakot niya sa bata pero imbis na ang bata ang matakot at siya ang Kinilabutan sa inasal ng bata.
Lumingon siya sa pinto ng underground at biglang may nginitian na lang na kung ano sa loob. "Hindi!" Tanging sagot nito at tumakbo sa sofa.
Ano kaya ang nasa loob ng underground na iyon?