Chapter 01

21 1 0
                                    

Ako nga pala si Alex Cara Ayala at kilala ako ng lahat na "MASAYAHIN at TAKBUHAN NG MGA BROKEN." Kaibigan ko ang lahat pwera nalang kung sila ang sumosobra na... Palaban din kasi akong tao lalo na pag alam ko ang Karapatan ko at Tama ako pero kahit pa man ganun mabilis din ako magpatawad pag nakita kong sincere saaken... Andito ako sa kwarto ko ngayon nag soscroll sa news feed ng fb ko nang may bigla akong nakitang quote na ang nakalagay, "May mga taong makita mo lang ay buo na araw mo." At bigla akong may naalala...

Nasa loob ako ng room at tila walang tao ako lang...Napasilip ako sa bintana at nakita may napansin akong lalaki na napatingin saken kaya umalis ako agad sa bintana, napansin kong ako lang palang ang nasa loob ng room dahil bawal palang pumasok dito not after assembly kaya naman lumabas ako pero bago pa man yun masyado akong maagang nakarating dito at matapos ang ilang minuto ay nagsidatingan na  ang ibang mga studyante... May ibang nagpakilala kaya naman nagkaroon ako agad ng mga kaibigan... Maya maya pa'y nagulat ako at lumipat din pala dun ang kaibigan ko galeng sa date kong pinapasukan.

"Uy! Alex!!!" Bati niya habang papalapit saken.
"Ayi!" Sabay kaway ko sakanya.
"Dito ka den pala!" Sinabi niyang tuwang tuwa.
"Di ko den inaasahang makita ka dito." Sinabi ko ng blanko ang expression.
"Bakit ka ganyan?" Iritang tanong niya saken.
"Ay hahaha sorry! Naninibago lang dito."
"Ah... Sigurado ka?"
"YUP!"

*Makalipas ang ilang minuto ay Assembly na namin, lahat mag titipon tipon sa Court para sa announcements at iba pang important details para sa big day na to.*

"Ang init naman dito." Inisip ko sa sarili ko nang nagtipon na lahat.
Di ko den alam kanino ako sasama dahil di ko naman alam sino dito mga kalevel ko na.

"SINO SIYA? ANG TANGKAD..." Anya ng isang Babae.
Di ko na nilingon sino yun dahil nairita ako ng mapansing kada may mapapatingin saken, magbubulungan sila. Natapos na ang Assembly pero buong oras nun may nagbubulungan sa likod ko... Di ko nalang pinansin at Nang tinawag na ang mga iba't ibang levels, dun ko nalaman sino mga makakasama ko...

Playful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon