Lecheng Pag-ibig 2

1.2K 83 17
                                    

Lecheng Pag-ibig 2

sleeplessguy Aug 30 11

Ang sakit parin para sakin ng ginawa mo.

Sumama ka sa kanya at iniwan mo ako.

Pinagpalit mo ako sa bestfriend mo.

Bestfriend mo na ngayon ay boyfriend mo.

Ang sakit.

Bakit ganito?

Parang wala ng natira sa puso ko.

Nadurog ng lahat at mistulang naging abo.

Pero alam mo ba?

Ikaw lang ang tanging babaeng kailangan ko.

Ikaw lang ang babaeng makakapagbuo ng nadurog kong puso.

Kahit na ilang beses mo na kong sinaktan

ikaw parin talaga ang mahal ko.

Tanga na kung tanga.

Mahal na mahal lang talaga kita.

Kaya nung nakita ko kayong naghahalikan ng bestfr--boyfriend mo. 

Shit!

Bullshit!

Tinadtad ko sya ng suntok sa kanyang mukha 

sinipa ko din sya hanggang sa mapasubsob na sya sa lupa 

Sa wakas. 

Nakaganti na rin ako sa kanya.

Lumapit ako sayo. 

Niyakap at hinalikan kita.

Di ba mas magaling ako dito?

Alam kong mas masarap akong humalik kaysa sa kanya.

Ramdam ko na nasasarapan ka.

Alam ko.

Mas mahal kasi kita. 

higit pa sa pagmamahal na ibinibigay nya

At baka sa pamamagitan ng halik kong ito sa iyo

Ako na ulit ang mamahalin mo

Baka sakaling maisip mo na ako parin pala ang mahal mo

Na sa akin ka lang sasaya

Na ako ang lalaking para sayo

Pero nagkamali ako.

Huminto ako sa paghalik sayo ng maramdaman kong basa na pala  ang mukha mo.

Umiiyak ka na.

Napatingin ako sa boyfriend mong nakahandusay sa sahig.

May tumutulong dugo sa kanyang bibig.

Tumingin ulit ako sa iyo.

Takot na takot ka sa akin dahil sa ginawa ko sa iyo.

T.ng.ina!

Ano ba itnong nagawa ko sayo?

Hindi ko na namamalayan ang kinikilos ng katawan ko.

Parang awtomatikong gumagalaw batay sa emosyon ko.

Hinawakan ko ang mukha mo at nagsorry ako sayo.

Ngunit nilayo mo ang sarili mo at sinampal mo pa ako.

Sa malakas na sampal mo.

Dun ko napatunayan sa sarili ko.

Na iba na talaga ang laman ng puso mo.

Hindi na ako.

Hindi na ako ang syang tinitibok ng puso mo.

Iba na rin ang nakaukit sa puso mo

Na dati rati lang ay ang pangalan ko.

Tumulo bigla ang luha ko.

Yumuko nalang ako at tumakbo.

Iniwan ko na kayong dalawa ng boyfriend mo.

Ayoko na makita mo na umiiyak ako.

Takte.

Bakit ba ako nagkakaganito?

Umiibig lang naman ako.

Lecheng pag-ibig yan!

Kung masasaktan lang din naman ako

Ayoko ng magmahal!!

pero kahit na ilang beses kong pigilan ang sarilii ko na mahalin ka

Hidi ko parin talaga magawa gawa

Masisi mo ba ako?

Eh wala naman kasing hindi kaibig ibig sayo

Isa nang pruweba doon na pati ang bestfriend mo ay nainlove na din sayo.

Kung di-remote lang sana ang puso ko

Kung may stop button lang sana edi pinindot ko na agad ito.

Kaso wala.

Walang ganun ang puso ko.

Wala kang mahahanap na pwedeng pindutin para tumigil ako sa pagmamahal sayo.

Kasi ang tanging meron lang ang puso ko.

Ikaw.

Ikaw lang.

At ang kaya lang nyang gawin

Ay ang mahalin ka.

Wala ng iba.

*********************

pag naka 20 votes may kasunod ulit.. salamat sa pagbabasa nung una XD

Lecheng Pag-ibig! (POEM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon