Nagawa ba nila? Nagtagumpay ba sila?
Unti-unting minulat ni Everly ang mga mata.
Nanlalaki ang mga mata ni Gwen hangang sa magtatalon ito.
"Nagawa natin, miss."
"Everly."
"Nagawa natin, Everly!"
Seryoso? Nagawa nila? Paano? Para makasigurado, humarap siya sa salamin.
Napahawak siya sa mukha...mukha ni Gwen.
Hinarap niya ang babae. Matutuwa ang mama niya! Sana nandito ito ngayon para makita niya ang nagawa niya. Tagumpay!
"Bayad?"
Napatigil ito at napakamot sa ulo.
"Sa muli na nating pagkikita.Nakalimutan ko ang bayad."
"Sigurado ka ba? Hindi mo ako niloloko?"
"O-oo naman. Bakit naman ako manloloko? Dudungisan ko ang maganda kong pangalan? Hindi pwede. Bukas nabukas din ibibigay ko sa iyo ang apatnapung libong piso."
"Siguraduhin mo lang. Ako ang makakalaban mo kapag nalaman kong niloko mo ako."
***
Hinigop ni Everly ang lahat ng hangin na kayang pumasok sa baga niya. Ito na iyon. Ito ang unang pagtapak niya sa totoong eskwelahan kung saan hindi niya sariling mga magulang ang guro kundi ibang tao.Inayos niya ang uniporme. Blouse iyon nakulay pink. May dalawang bulsa sa harapan. Pink ma slacks din ang pang-ibaba. Pinahiram iyon sa kanya niGwen. Ayon dito, hindi raw pwedeng pumasok ang walang uniporme.
Napakaraming tao.
Halos malula siya sa sobrang dami. At nilalagpasan siya ng mga ito.
Hindi pa nila napapansin na kakaiba ako. Salamat naman.
"Gwen! Muntik ka nang ma-late. Halika na. Nandito na si Maam Escalante."
"Excuse me? Sino ka?"
"Nagbibiro ka ba? Tinanghali ka lang ng gising, kinalimutan mo na ako. Si Fiona? Ang mabait mong kaibigan? Magtatampo ako sa iyo niyan."
"Ah!" Alangan siyang tumawa. May kaibigan pala si Gwen. "Nagbibiro nga lang ako, Fiona."
"Hahaha. Nakakatawa. Pumasok na nga lang tayo."
Halos mapuno na nga ang silid na pinasok nila. Sa harapan, isang babae ang matalim na nakatitig sa kanila.
Tumingin si Everly sa likod. Walang tao.
"Huwag mo nang hanapin kung sino ang dahilan ng pagkasira ng mood ko sa araw na ito, Gwen. Kayong lahat ang dahilan!" Hinampas nito ang blackboard gamit ang ruler nahawak nito.
Hinila siya ni Fiona sa dalawang bakanteng silya.
"Walang mga hiya! Mga guro pa naman kayo. Late kayo? A teacher should be here fifteen minutes before the time not fifteen minutes after the time! Ako pa ang pinaghintay ninyo? Sino bang pinagmamalaki ninyo? Gwen?"
Tinuro niya ang sarili. "Bakit po?"
"Sagutin mo ang tanong ko. Sino ang pinagmamalaki mo?"
"Sarili ko po."
Halakhakan.
"Tahimik! Alam ni'yo ba kung ano ang araw ngayon?"
Nagpataas siya ng kamay. Tinawag siya ng guro. "Araw po ng kalayaan."
Tawanan.
Namula ang mukha ng guro. Siniko siya ni Fiona.
"Ano bang pinagsasabi mo riyan? Tumahimik ka na lang nang hindi ka na pag-initan ni maam."
BINABASA MO ANG
Something is Wrong with Me
AdventureMaituturing na isang perpektong anak si Everly. Walang problema sa kanya ang mga magulang niya ngunit nang mapadpad sa tindahan nila si Gwen, nagawa niyang suwayin ang utos ng mga magulang. Gumawa siya ng potion para sa babae sa kabila ng pagbabawal...