Kabanata 10

207 10 0
                                    


"Why don't you take a seat, Gwen?" anunsyo ni Maam Escalante nang makapasok sa opisina si Everly. Matapos ang ilang minutong pagninilay-nilay, nakumbinsi rin niya ang sariling bumalik sa high school building at harapin ang guro. Lilinawin lang niya. Hindi siya tinamaan ng mga sinabi ni Ray.

Hindi na rin naman siya papasok bukas, mas mabuti nang makausap man lang ang guro.

Tumalima siya.

Isinara ni Maam Escalante ang laptop nito. Matagal-tagal na rin pala nang huli siyang magbukas ng social media accounts. "Kumusta ka na?"

"Ayos lang po, maam."

"Good. So ayos lang na pag-usapan natin ang eksenang ginawa mo kanina? My goodness, Gwen. Ikaw ang pinakamabait na estudyante na nakilala ko. You are a role model for every education students back there but what did you do? Sinira mo ang lahat ng iyon kanina! Nakipag-away ka sa estudyante mo! Saan mo ba inilagay ang utak mo? One more thing. Narinig ng katabing teacher ang lahat ng sinabi mo maging ng ibang estudyante." Tumingin ito sa salamin. "Madadagdagan na naman ang wrinkles ko nito."

"Aalisin mo na ba ako?"

Sasaya siya kung magiging ganoon ang desisyon ng guro. Ayaw na niya sa mundong ito. Gusto na niyang bumalik sa dating mundo. Sa mundo na ginawa ng kanyang mga magulang. Walang problema. Payapa. Walang sakit ng ulo.

Hindi siya pwedeng sumbatan ni Gwen. Ginawa na niya ang lahat ng kaya niya. Nakipaghalubilo siya sa mga tao.

Minasahe ni Maam Esclante ang noo. "May problema ka bang bata ka? Hindi ka naman ganyan noon dati. Sabihin mo lang kung may maitutulong ako dahil tutulungan kita. Just say it."

"I quit. Pakakawalan mo na ba ako, maam?"

Nalaglag ang panga nito. "You're kidding. Paano iyong grades mo? You are running for cum laude. Ibabasura mo na lang ang lahat ng iyon? Naikwento mo sa akin noon na pagbubutihin mo ang pag-aaral para makabili kayo ng sarili ninyong bahay. Kahit maliit lang basta nandoon si Chris, ayos lang. Magtatrabaho ka para maibigay mo ang lahat para sa kanya. I believed you, Gwen! Naniniwala ako na magagawa mo ang lahat ng pangarap mo. Matalino ka. May mabuting puso pero ngayon? Ano ba talagang nangyayari?"

Sana nga masabi niya rito ang lahat. Sana masabi niya sa guro na hindi si Gwen ang dapat sisihin nito kundi siya mismo. Si Everly. Siya ang may kasalanan ng lahat. Sinira niya ang mga pangarap ni Gwen.

Nangilid ang luha sa mga mata niya. "H-hindi ko na alam ang gagawin ko, maam," sa wakas ay inamin niya.

Lumabot ang ekspresyon sa mukha nito. "Maganda na inamin mo sa sarili mo na hindi mo na kaya. Ganyan talaga. Umaabot iyan sa punto ng buhay ng tao." Hindi lang sa buhay ng mga tao kundi maging sa buhay niya na kalahating tao. "Alam kong nabigla ka lang sa sinabi mo. I understand. But...huwag mo na ulit iyong uulitin. Hold your temper. Pasensya, Gwen. Malapit na rin naman kayong umalis rito. Kaunti na lang. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Tumango siya kahit hindi.

Madilim na ang paligid ng bahay. Tamang-tama lamang para muling balikan ni Everly si El.

Tumingin siya sa bintana.

Nasa sala si Mang Nicanor. Naghihilik.

Pagkakataon na niya ito. Sinubukan niyang buksan ang pinto. Locked. Kinuha niya ang susi sa bulsa. Ibinigay sa kanya iyon ni Chris noong nakaraang araw. It truns out na nagpa-doble ng susi si Gwen nang hindi nalalaman ng lalaki.

Muntik na siyang tumalon sa saya nang mabuksan ang pinto. Maingat niya iyong itinulak.

Hind pa rin napansin ng lalaki ang pagpasok niya.

Something is Wrong with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon