Kabanata 6

227 11 0
                                    


Matalim na naman siyang tinitingnan ni Carla. Pagpasok na pagpasok pa lang niya, iyon na ang ginawa nito. Hindi ba ito nagsasawa?

Whatever. Magsawa ito sa kakatingin sa kanya.

Isinulat niya sa pisara ang quiz. Titingnan niya kung may natutunan ang mga estudyante. Magpapahinga na rin muna siya sa pagsasalita. "Answer this on a one whole sheet of paper."

Nagprotesta ang mga ito. Sino ba namang hindi? Kahit na dalawang problems lang ang ibinigay sa kanila, mahirap pa rin.

Tumigil ang mga mata niya sa lalaking natutulog. "Matagal ko nang napapansin itong si Zach. Ano bang problema niya at palaging natutulog sa klase?" Kinalabit niya ang lalaki. Nag-angat ito nang tingin, "Napuyat ka ba sa panghaharana mo sa girlfriend mo kagabi?"

Nagtawanan ang klase.

Nagtaas ng kamay si Alvin.

"Ako, maam. napuyat sa panghaharana sa iyo sa panaginip ko."

"Ganoon ba, Alvin? E, pinapasok ba naman kita o binuhusan kita ng arenola?"

Mas lalong nagtawanan ang klase.

"Sige na. Sagutan na ninyo ang nasa pisara. Carla, may problema ba? Bakit hindi ka kumukuha ng papel?"

Sumadal si Carla sa upuan. "Wala akong sagot."

Nagsalubong ang kilay ni Everly. "Nereview ko na naman to kahapon sa remedial class ang quiz ninyo ngayon. Saang parte ba ang hindi mo maintindihan?"

"Lahat." Kumunot ang noo nito. "Disappointed ka ba? Sorry ha. Bobo kasi ako. Hindi ko agad naiintindihan ang discussion mo."

"Huwag mong sabihing bobo ka. Walang bobong estudyante. Slow learners lang."

"Slow learners? Parehas na rin iyan ng bobo. Ginawa lang iyan ng administrasyon upang pagaanin ang dibdib ng mga estudyanteng bobo parehas namin. Pero hindi na namin kailangan ang salitang iyan. Matigas na ang puso namin. Hindi na kami nasasaktan kaya maari mo na kaming tawaging bobo."

"Hindi kita maintindihan, Carla."

"Hindi namin kailangan ng pagkukunwari mo. Bakit hindi mo ilabas ang tunay na ikaw? Sawa na ako sa pagpapanggap mong iyan. At huwag mong sabihing hindi mo ako maintindihan dahil hindi iyan totoo. Mas matalino ka pa nga sa amin hindi ba? Running for cum laude ka raw, sabi ni Andrew."

"Hindi ako nagkukunwari. Totoo itong pinapakita ko sa inyo. Nasa inyo na kung ayaw ninyong maniwala o hindi. Tatapusin natin ang pag-uusap na ito mamaya. Alright? Who would like to summarize what we discussed earlier?" Walang nagtaas ng kamay. "Ray, ikaw na. Summarize."

"Maam, ako na lang. Mas hamak na matalino pa naman ako kaysa kay Ray," anunsyo ni Alvin.

Sa Daisy, ito ang pinakamatalino. Matalino sa Math at sa iba pang subjects. Nagtataka nga siya kung bakit ito napunta sa section nila gayong kaya nitong makipagsabayan sa A section.

"As you wish. Classmates, listen. Minsan lang ako magsalita sa harapan kaya dapat na makinig kayo. Ang sinumang hindi makaintindi sa akin at ang nagkukunwaring nakakaintindi sa discussion, palalabasin ko. Ayos lang po ba iyon, maam?"

"Just proceed."

Nagsimula si Ray sa umpisa hanggang sa dulo. Tutok na tutok naman ang mga kaklase ng lalaki.

Bagay itong maging guro dahil naipapaliwanag nito ang lesson sa pinakamadaling paraan. Magpalit na lang kaya sila ng lalaki?

"Alin ang hindi ninyo naiintindihan?" tanong ni Ray. "Kung wala, uupo na ako." Ibinalik nito ang chalk kay Gwen.

Something is Wrong with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon