Kabanata 12

224 9 0
                                    


Kinabukasan, pumasok na si Everly kahit labag sa kalooban. Gusto pa niyang bantayan ang mama niya subalit tinatawag siya ng pangakong binitiwan niya kay Gwen. Nagkasundo sila na ang babae muna ang magbabantay sa mga magulang niya samantalang siya naman ang magbabantay kay Chris. Fair enough.

Nadaanan niya ang kasamahang student teachers.

Kinumusta siya ng iba, tinanong kung ano ang nangyari sa kanya. Sinabi niyang nagbakasyon muna siya sandali at hinanap ang sarili. Matapos ang maikling usapan, pumasok siya sa room na pinaglalagian ng mga student teachers.

"Gwen! Thank goodness. Naisipan mo ring pumasok. Hinintay kita buong gabi, hindi ka dumating. Nag-aalala kaming dalawa sa iyo ni Chris. Akala namin kung na paano ka na. Hindi ka man lang tumawag." Napakislot si Everly. May utang pa siya kay Fiona. "By the way. Kinukumusta ka ni Sir Ben. Bakit hindi ka na raw pumapasok sa klase niya?"

Itinuro niya ang lalamunan. Hindi pa rin bumabalik ang boses niya. It's really getting on her nerves.

"Oh. Save your voice later. Pumasok ka na muna sa Daisy. Na-miss ka nila."

Magugunaw muna ang mundo bago siya ma-miss ng Daisy.

Tama siya.

Wala pa ring nagbago sa Daisy.

Pagpasok niya, nagsusuntukan pa rin ang mga estudyante. Nag-ma-make up sa tabi ang mga babae. But in fairness, malinis na ang classroom.

Tuloy-tuloy siya sa pagpasok.

Ilang mga araw na lang naman ang hihintayin niya. Makakalaya na rin siya sa mga taong ito.

Pabagsak niyang inilapag ang lesson plan at libro. Tinuruan siya ni Gwen kagabi ng tamang paraan kuno ng pagtuturo. Pati na rin ang mga dapat gawin kapag nag-mi-misbehave ang mga estudyante.

"Bingutin mo ang tenga nila. Kapag sumasagot-sagot, pakainin mo ng chalk. Kapag naman tumatayo ng walang paalam, lumabas, huwag mo nang pagbuksan.Kapag natutulog habang nagka-klase ka, buhusan mo ng tubig. Tingnan natin kung sino ang hindi magigising."

"Bawal daw iyon." Sulat niya sa pahina ni El.

"Sabihin mo. Kung ayaw ng mga magulang na disipliahin ang mga anak nila, ilipat nila sa ibang eskwelahan."

Nagdadalawang-isip pa rin siya kung susundin ang mga payong iyon ni Gwen o gumawa ng sarili niyang punishments. Parang...mali sa pandinig niya. Hindi lang naman dahas ang solusyon sa lahat.

"Good morning, Teacher Gwen," bati ng mga estudyante.

Kumuha siya ng chalk at nagsulat sa pisara.

Take your seat. Prepare for a long quiz.

Practice na naman nang sumapit ang hapon. Nadagdagan ang bilang ng mga magulang.

Sa parehas na araw ang family day at culmination nila. Sa umaga ang family day, sa hapon naman ang program para sa mga student teachers. Gumawa na rin ng flow ng program ang presidente ng student teachers. Bawat isa sa kanila dapat may part na sasalihan. Pwedeng sumayaw, kumanta, tumabling, o kahit anong gawin basta nagbigay ng effort para sa ikakatagumpay ng program.

Wala siyang planong sumipot sa araw na iyon. Matatapos na rin ang pagtupad sa pangako niya tatlong araw mula ngayon.

"Maam, kumusta?" bati ng isa sa mga magulang.

Ngumiti siya. Pilit. Akala ng babaeng ito, hindi niya narinig ang sinabi nitong mas maganda pa ring magturo iyong dating advisers ng anak nito. Mas maganda pa raw na ang mga teacher's mismo ang magturo sa mga magulang sa pagsasayaw.

Something is Wrong with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon