Nangangatog na sa ginaw sina Everly at Chris. Wala silang ibang pwedeng lapitan kundi si Fiona. Ito lang ang alam niyang tutulong sa kanila. Isa pa, napakarami pa niyang mga tanong na dapat itanong dito. Kung alam ba nito ang pinagbibintang ng lalaki. Ang tungkol sa mama nina Gwen.
Marahil may alam si Fiona. Matagal na nitong kaibigan si Gwen.
"Kaninong bahay po ito?" tanong ni Chris.
"Sa Ate Fiona mo. Makikiusap ako sa kanya na dito muna tayo kahit ngayong gabi lang."
Pinindot niya ang doorbell.
Napakatahimik na ng kalsada. Wala ni isang tao siyang nakikita.
Ilang minuto lamang ang lumipas, pinagbuksan na sila. "Gwen? Gabing-gabi na. Anong maipaglilingkod ko? Bakit nandito rin si Chris? Pumasok nga kayo."
Sa loob, naghagis sa kanila ng kumot si Fiona.
"Pwede bang dito na muna kami?"
"Oo naman. Kaming dalawa lang naman dito ni papa. May business trip si mama. Wala kaming ideya kung kailan siya babalik. So...Pwede ka na bang magkwento sa akin kung ano ang nangyari?"
Ininguso niya si Chris. Inaantok na naman ang bata. Naintindihan naman ito ni Fiona.
"Halika. Ihahatid ko muna kayo sa guest room." Matapos mapatulog si Chris, kapwa lumabas ang dalawa at ipinagpatuloy ang usapan sa sala.
"My god. Sinong may gawa niyan sa iyo?"
Napakislot siya nang hawakan ni Fiona ang mukha niya.
Hindi pa pala tuluyang naghihilom ang mga pasa niya sa katawan. Kailangan pa niya ng oras.
"Si-Ang papa ni Chris. Basta nalang niya akong pinagbintangan na pinatay ko raw ang asawa niya."
"Mama mo. Well... magmula nang kupkupin nila kayong dalawa ni Chris. Hindi ko sukat akalain na magiging ganito ang kahahantungan. I mean, matagal mo nang sinabi sa akin na ikaw ang sinisisi niya sa pagkamatay ng asawa niya. Ikaw din daw ang nag-frame up sa kanya para ituro ang lahat ng ebidensya papunta kay Mang Nicanor. Pero hindi ako naniniwala na ikaw ang pumatay. Ikaw ang pinakamabait na taong nakilala ko. Handa mong kalimutan ang sarili mo para sa iba. Tingnan mo nga iyong Daisy. Hanggang ngayon, hindi mo pa rin sila sinusukuan. "
"Paano kung ako nga?"
Paano kung si Gwen nga ang pumatay? Walang sinuman sa kanila ang nakakaalam ng totoong kwento. Hindi niya alam kung paanong nagawang patayin ang babaeng nagkukkop sa kanila. Magagawa kaya iyon ni Gwen?
Noong pumunta ito sa kanya. Atat na atat ito na gawin agad niya ang potions. At si Chirs. Hindi totoong na ospital ito.
Ginamit lang siya ni Gwen at wala siyang kaalam-alam sa nangyayari hanggang sa huli na ang lahat. Hindi na siya makawala.
Pinagpapalo siya ni Fiona habang tumatawa.
"Hindi mo magagawa iyon. Kilalang-kilala na kita. Hindi mo gawain ang bagay na iyon. May takot ka sa Diyos, Gwen. Natatakot kang mapunta sa impyerno. Tigilan mo na iyang pagdadalawang-isip mo sa sarili. Hindi iyan makakatulong sa iyo."
"May sinabi pa siya."
"Nawawala raw ako sa sarili ko. Totoo ba iyon?"
Nawala ang ngisi ni Fiona. "Tatapatin na kita. Napapansin ko nga iyon sa iyo. Sa tuwing kausap kita, para kang hindi si Gwen. Para bang ang mukha lang ni Gwen ang nasa harap ko pero iyong mismong kaluluwa, ibang tao."
BINABASA MO ANG
Something is Wrong with Me
AdventureMaituturing na isang perpektong anak si Everly. Walang problema sa kanya ang mga magulang niya ngunit nang mapadpad sa tindahan nila si Gwen, nagawa niyang suwayin ang utos ng mga magulang. Gumawa siya ng potion para sa babae sa kabila ng pagbabawal...