Kabanata 8

184 10 0
                                    


Kinabukasan.

Nagsimula na ang practice ng mga magulang.

"Maam, tayo lang po ba talaga? Nasaan na iyong ibang parents?" reklamo ng isang parent sa kanya. Fifteen ang minimum na members ng mga participants pero tatlo lang ang parents na dumating. Kailangang-kailangan pa rin nila ng karagdagang miyembro. Baka ma-disqualify ang grupo nila. Hindi niya pwedeng ma-disappoint si Sir Ben. Gagawin niya ang lahat ng makakaya.

Nagkatinginan sila ni Ray. Naihanda na ng lalaki ang mga dance steps pati na rin ang music. Participants na lang ang kulang.

"Ewan ko nga po. Tinanong ko na naman ang mga bata. Ang sabi nila, busy raw ang mga magulang nila. Sabi ko, 'Humanap kayo ng proxy'."

"Mas maganda po talaga na pagmultahin ang hindi sasali," suhestiyon ng ginang.

"Hindi rin naman po natin iyon magagawa, maam. Hindi umabot sa fifty percent plus one ang nag-attend ng meeting. Baka po makwestiyun tayo."

"Kunsabagay. Hindi pa rin ako naniniwala sa alibi nila. Lahat naman po tayo abala sa trabaho. Para rin naman ito sa mga anak namin. Kaunting oras lang din naman ito."

"Tama po kayo..."ang tanging sagot na lang niya. Mas gusto ma lang niyang umalis para wala nang makausap na mga magulang. "Mas mabuti pong magsimula na lang tayo para hindi masayang ang oras natin."

Tatlong oras ang lumipas nang maisipan na rin nilang magpahinga. Tagtag ng pawis ang noo nila pati na rin si Ray. Habol din niya ang paghinga. Para madagdagan ang membro nila, sumali siya sa pagsayaw kahit wala namang talento.

"Iyong dance steps mo, mahirap. Nahihirapan ako," saad niya.

"Madali lang iyon. Hindi ka lang marunong sumayaw kaya nasabi mo iyan. Nakuha naman ng mga parents."

"Wala bang mas simple roon?"

"Madali iyong gusto mo? Bakit hindi ka humanap ng spells?"

"Shh!" Nagpalinga-linga si Everly. May nakarinig kaya rito? Nakauwi na ang mga magulang. Mabuti naman. "Huwag ka ngang maingay. Akala ko ba sikreto lang nating dalawa iyon?"

"Palagi kang umaasa sa libro. Hindi ka nag-iingat. Pinagdududahan ka na nila. Sabi nila isa ka raw mangkukulam. Palagi kang may binubulungan."

"Hindi ako isang mangkukulam!" napalakas ang boses niyang wika. "Iyon lang ang alam kong solusyon." Ano rin ba ang magagawa ng isang mahinang tulad niya? Madali siyang maniwala. Madali siyang mauto.

"May may magagawa ka. Alamin mo lang."

"Good point, kid. Gaya ng sinabi ko sa iyo, Everly."

Sa gilid ng mga mata, nakita niya si Carla.

Tinawag niya ang babae. Ipinagpasalamat niya na lumapit ito.

"Ano? Tatanungin mo ako kung bakit hindi ako sumipot?"

"Huwag mong gamitin sa akin ang boses na iyan. Mali ka rin ng akala. Kinakamusta lang kita."

"Ayos lang ako. Satisfied ka na sa sagot ko? Maari na ba akong umalis?"

"Hindi ni'yo talaga ako matatanggap ano? Fine. Wala na akong pakialam. Umalis ka," aniya at naunang tumalikod.

Halos hindi na maigalaw ni Everly ang katawan nang umuwi. Pagod na pagod na siya at gusto na lang niyang umuwi.

"Gwen..."

Napatigil siya sa paglakad.

Ang ama ni Gwen. Kahit malayo, amoy na amoy pa rin niya ang alak. Ito ang palaging sitwasyon nila sa tuwing umuuwi. Nagtataka nga siya kung paano pa nakayanan ng baga nito ang mga alak.

"O-opo?" nanginginig ang boses na tanong niya. Animo nawala lahat ng pagod sa katawan at napalitan ng takot.

May mga pagkakataon na pumapasok ito sa kwarto nila, umuupo sa tabi ng kama niya habang minamasdan siya. Umaakto na lang siya na tulog.

Ngumisi ito.

Iwinagayway nito ang kalahating laman ng bote. "H-halika...rito..."

"M-magbibihis po muna ako."

"Lumapit ka!"

Nanginginig ang mga tuhod na lumapit si Everly. Bubugbugin ba siya nito katulad ng ginawa nito kay Gwen?

Ngumisi ang lalaki, nasisiyahan sa pagsunod niya.

"Bakit...po?"

Humalakhak ito na animo nasisiraan ng bait.

Itinaas nito ang nangangamoy nitong kamay at hinaplos ang mukha niya. Ibayong lakas ang ginawa niya upang huwag lang umilag.

Hindi masisiyahan si Mang Nicanor.

"Bakit mo ginawa iyon, Gwen?"

"Hindi po kita maintindihan."

"Akala mo hindi kita nakita? Akala mo hindi ko alam ang tungkol sa likod-bahay? Kung ano ang inilibing mo roon?"

Ang alak na ang nagsasalita sa lalaking ito. Palaging sinasabi ng mama niya noon na ilalagay dapat sa tiyan ang alak, hindi sa utak. Ngayon lang niya nalaman ang kahulugan ng pangungusap na iyon.

"Hindi po kita maintindihan. Papanhik na po ako. Aasikasuhin ko na muna si Chris."

"Palagi mong sinusuot ang kainosentehang iyan. Kaya nga noong mawala ang mama mo, walang sinumang nagtanong...nag-isip na maaring ikaw ang salarin. Sa halip, pinaratangan nila ako. Ako raw." Humahalakhak ito. "Ako raw ang pumatay sa kanya."

Pilit siyang kumawala sa pagkakahawak ng mukha niya.

Bumilis ang pintig ng puso niya. Bawat parte ng katawan niya ay nagsasabing umalis siya. Tumakbo at hindi na magpakita sa bahay na ito. Sa lalaking ito.

Hindi maaring magkatotoo ang paratang nito kay Gwen. Hindi.

"Hindi totoo ang sinabi mo."

Ipinakita nito ang maliit na lubid. Iminudmod iyon ng lalaki sa mukha niya. Umiyak siya sa sakit.

"Ito ang ginamit mo sa pagsakal sa kanya! Paano mo nagawa iyon? Mabait siya sa inyo. At iyon ang iginanti mo? Nakuha mo pang ako ang pagbayarin sa kasalanang ginawa mo?"

Marahas siya nitong itinulak. Tumama ang braso niya sa gilid ng mesa.

Napaatras si Everly. "Hindi ko alam!"

"Mas mabuti pang patayin na kita. Bumabalik na ulit ang pagkalimot mo. Isusunod na kita sa mama mo."

Nanlaki ang mata niya.

Hindi pwede.

Nilikom niya ang natitirang lakas at tumayo.

Buong lakas niyang itinulak ang lalaki. Natumba ito. Kinuha niya ang pagkakataon upang pumanhik sa itaas.

"Chris! Chris!" gising niya sa bata.

"Bakit, Ate Gwen?"

"Aalis na tayo rito."

"Paano si papa?"

"Huwag mo na siyang alalahanin." Mga yabag. Mahuhuli ba sila? "Bilisan mo, Chris!"

"Aalis kayo?" tanong ng lalaki sa pinto. "Mahahanap pa rin kita, Gwen. Iyan ang tandaan mo."

"Ate? Anong nangyayari? Bakit galit si papa?"

"Mamaya na tayo mag-usap, Chris." Pumunta siya sa bintana. Tinantiya ang taas. More or less, mga six feet iyon. Kaya niya iyon.

Hinila niya si Chris papalapit sa bintana. Nagtatanong ang mga mata nito habaag nakatingin sa kanya.

"Magiging ayos lang ang lahat, Chris."

nWl


Something is Wrong with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon