Dinala siya ni Mang Nicanor sa isang maruming bahay. Parang sa isang iglap lang, bibiigay ang pundasyon nito. Puno ng alikabok ang paligid. Sira ang mga kasangkapan. Nagkabutas-butas ang dingding dahil na rin siguro sa anay na kumakain sa mga kahoy ng bahay.
Hindi niya maintidihan.
Tinahak nila kanina ang lugar papunta sa bahay ng mag-asawa ngunit hindi marangyang bahay ang nakikita niya. Potions lang din ba ang dahilan kung bakit naging maganda sa paningin nila ang bahay?
"Maligayang pagbabalik, Gwen. Kung gusto mo, puntahan mo sa kwarto ninyo si Chris. Matutuwa siya kapag nakita ka niyang nasa maayos na kalagayan...ngayon. Sige na. Bago pa magbago ang isip ko."
Without wasting anytime, she climbed upstairs.
Halos bumaliktad ang hitsura niya nang makita si Chris na nakagapos sa kama. Basang-basa ito ng dugo. Umalingasaw ang masangsang na amoy sa buong kwarto.
"Chris!"
"Ate!" naiiyak na sabi nito. "Tulungan mo ako. Sabi ni papa, papatayin niya tayo."
"Sh. Hindi ko hahayaang mangyari iyon," alo niya habang kinakalagan ang pagkakatali nito. Nahirapan siya noong una sa higpit ng pagkakatali ngunit kalaunan, nagawa rin niya sa wakas. "Huwag ka nang umiyak. Makakaalis tayo rito."
"Hindi na rin, Gwen." Itinago niya sa likod ang bata. Nasa may pintuan si Mang Nicanor. "Malaki ang naitulong ng aklat mo, alam mo iyon?" Mula sa likod nito, kinuha nito ang punit na mga pahina ni El. Iwinagayway iyon ng lalaki. "Natutunan ko kung paano mas gawing matibay ang harang sa bahay na ito. Natutunan ko kung paano hindi ipalabas ang lahat ng nakapasok sa loob ng bahay na ito. Kaya Gwen at Chris, hindi na kaya makakalabas sa bahay na ito."
Kung nagmumura lang siya, matagal na niyang pinatay ang lalaki sa mga mura niya.
"Bakit mo ginagawa ito? Wala kaming kasalanan sa iyo!"
"Mayroon!" sigaw nito. "Buhay ang kinuha mo sa amin, buhay ni'yo ring dalawa ang kapalit. Bubuhayin ko si Meralda."
"Imposible ang gagawin mo. Wala sinumang patay na bumabalik. Ipinagbabawal ang bagay na iyan."
"Bawal o hindi, sinong may pakialam? Mabubuhay ang pinakamamahal kong asawa."
"Nababaliw ka na."
Kumapit ng mahigpit si Chris sa braso niya. Nanginginig ito sa takot.
Kailangan niyang kumilos. Hindi niya hahayaang manganib ang buhay ni Chris. May maganda itong kinabukasan. Marami pa itong magagawa sa buhay. And then there's Gwen. Sinisigurado nitong maayos ang kalagayan ng mama niya sa pamamagitan ng pananatili sa bahay nila.
"Paano mo na sisigurong magtatagampay ka? Alam mo ba kung paano gawin ang ritwal?"
She was buying some time. She must act now. Paano? Anong gagawin niya?
Mag-isip ka, Everly.
Rumehistro ang pag-aaalinlangan sa mukha nito bago iyon nawala.
"Madali lang naman. Nakapaloob sa aklat ang mga dapat gawin."
"Ganoon ba? Para sa kaalaman mo, hindi successful ang lahat ng spells na nakapalagay riyan."
"Sinungaling!"
"Bakit naman ako magsisinungaling? Ikaw din. Huwag mo lang akong susumbatan kapag naging palaka ang asawa mo."
Huli na ang lahat. Mas lalong nagalit ang lalaki sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Something is Wrong with Me
AdventureMaituturing na isang perpektong anak si Everly. Walang problema sa kanya ang mga magulang niya ngunit nang mapadpad sa tindahan nila si Gwen, nagawa niyang suwayin ang utos ng mga magulang. Gumawa siya ng potion para sa babae sa kabila ng pagbabawal...