|| JANA ||
"Hindi pwede Ser! Dapat lang na kasuhan ko ang Amazonang Dragon na to. Hinarass niya ako ser! Hinarass niya ang gwapong katulad ko. Dapat lang na masampahan siya ng kaso."
Sigaw na naman nung doppel ganger ng magnanakaw. Tsk! Nakakarindi ang putang ina!!"Hoy Doppel Ganger ng Magnanakaw na to. Kasalanan ko ba na magkaparehas kayo ng damit? Atsaka GWAPO?"
Sabi ko na nilakasan pa yung 'gwapo' part."Saan banda?"
Dagdag ko with a smirk.Napa-kunot naman lalo ang noo niya at ngayon umuusok na ang ilong niya sa galit.
"Ano bang gusto mo? Ha? Suntukan na lang oh."
Sabi na naman niya na napatayo pa at susugod na."Osige ba! Akala mo ba uurungan ko ang isang doppel ganger na katulad mo. Halika! Suntukan na lang!"
Sigaw ko rin na susugod na ng pigilan kami ng mga pulis.Nasa presinto kasi kami ngayon. At magsasampa nga daw ng kaso ang panget na doppel ganger na to. Tsk!
"Titigil ba kayo o ilalagay na namin kayo sa selda?"
Tanong ng isang pulis na nag-iinterview sa'min."Paano ako titigil kuya kung alam kong may pag-asa pa?"
Sabi ko."Ineng , walang lugar ang mga hugot mo dito."
Sabi niya kaya nagtawanan ang mga pulis na kasama niya pati na rin yung dalawang kasama ko at yung doppel ganger at magnanakaw."Talaga kuya? Eh etong taong to , may lugar pa ba jan sa loob?"
Tanong ko na tinignan ng masama yung doppel ganger."Marami ineng , at pati rin ikaw kapag hindi ka tumigil sa kaka-Dada."
Sahi niya saka ibinaling sa harapan niya ang tingin. Napasimangot tuloy ako.Matapos magtanong nung opisyal ng mga walang kwentang bagay tungkol sa nangyari kanina , pwede na rin kaming umalis kaya ngayon , hinihintay na lang namin si Tito. Inaantok na rin ako , napagod ako sa paghabol kanina.
Nang dumating si Tito at Tita , agad nila kaming niyakap at inexamine. Tinanong pa nga kami kung may sugat daw ba kami sabi ko naman wala. Kaya umuwe na lang kami at bukas daw pupunta kami sa doktor para masiguradong walang masamang nangyari samin. Ayaw ko nga sana dahil kaartehan lang yun pero sabi nila , mas mabuti na raw sigurado kaya um-Oo na lang ako.
-KINABUKASAN.
Maaga akong nagising at nagbihis. Matagal na akong nasa sala ng bumaba sila Tita at Tito , sinabi pa nila na ang aga ko daw kaya ang sabi ko na lang,
"Early birds catches the worm po."
Sabi ko kaya napatawa naman sila at nagtungo sa kusina para daw magkape.Ilang minuto lang ang nakalipas at bumaba na rin si Insan at Quen. Nag-goodmorning si insan sakin pero di-nead-ma ko lang.
Sabay ulit kaming kumain at pumasok ng skwelahan.
Nang nasa skwelahan na kami. Hindi kami nag-klase dahil Mag-a-activity daw kami sa Mapeh. Lahat tuloy kami napasugod sa Covered court. Nakakatamad pa naman.
"Okay class , sino dito ang naglalaro ng volleyball?"
Tanong ni Ma'am Tetico , ang Mapeh teacher namin.Lahat tuloy sumagot ng sabay-sabay. *sigh* medyo nasasanay na rin ako sa ganyang ugali nila. Basta sa subject ni Ma'am Tetico , lahat nagiging wild. Mga walang modo! Tsktsk.
Pinag-warm up practice na sila ni Ma'am Tetico , at dahil wala naman akong alam sa volleyball hindi na lang ako sumali at nanood na muna sa gilid. Baseball kasi ang sports ko noong nasa probinsya ako, sayang lang , walang malawak na field dito. Puro kasi building at mga bahay ang karamihan dito eh , kaya mas maganda pa rin pala sa probinsya. Malayo man sa kabihasnan , mapayapa naman ang buhay.

BINABASA MO ANG
Hugoterang Probinsyana
UmorMga nararamdamang dinadaan sa salita. Kadalasan nanggaling sa Lupa. Hopeless Romantic. Umaasa sa "Sana" Patiently Waiting. #1 Believer ng Destiny at Fate. In short, Mga HUGOTERA!