Hugot#8

47 2 0
                                        

|| JANA ||

"Ambeeeeeet! Bilisan mo, nandito na yung school bus, baka maiwanan ka!"
Sigaw ni Kate mula sa baba.

"Oo na! Nandyan na."
Sigaw ko rin pabalik , saka dinampot yung bag ko.

Lintek! Hindi na tuloy ako nakapag suklay at nakapag ayos man lang.

"Oh my Juicy fruit! What a mess!"
Nanlalaki ang mga matang sabi ni Kate ng makita niya ako.

"Bakit?"
Tanong ko rin pabalik habang inaayos ang necktie ko.

"Papasok ka ng......ganyan??"
Sabi niya saka lumapit sa kin at hinawakan pa ang basa kong buhok.

"Para kang dinaanan ng tsunami."
Dagdag niya na umiiling pa.

"So what , coconut? Ayos lang pumasok ng ganito. Minadali niyo ako eh."
Sagot ko saka sinimulan nang suklayin ang buhok kong parang hindi nagshampoo ng isang taon.

"Manang, Alam mo bang kasabay natin sa School bus si Rico?"
Singit naman ni Quen na kumakain ng tinapay.

"O---o"
Sagot ko na hirap na hirap sa pagsuklay.

"Then , bakit hindi ka man lang nag-ayos?"
Tanong na naman ni Kate.

"Simple lang... Nalate ako ng gising, okay?"

*Beep*Beep*

"Now, tara na dahil late na tayo."
Sabi ko na dahilan ng agad na pagsara ng bibig ni Kate na may sasabihin pa sana.

Pag-akyat ko sa school bus, lahat sila nakatingin sa kin. Tsk!

"Ano ba ang tinitingin-tingin niyo?"
Sigaw ko ng makaakyat na silang dalawa at umandar na ang school bus.

Bigla naman silang nagsi-iwasan ng tingin kaya naglakad na ulit ako papunta sa pinaka-likod ng bus, doon kasi may bakante eh.

"Goodmorning Irog ko."
Pambungad ni Rico ng makalapit ako sa bakanteng upuan malapit sa likod.

"Anong nangyari sa buhok mo?"
Tanong niya , nasa likod kasi siya ng upuang inuupuan ko eh. Parang naka-dungaw siya ngayon sa'kin. At as usual , nasa tabi ako ng bintana. Katabi ko pala si Quen.

"Hindi mo ba nakikita? Hindi lang ako nakapag-suklay. So if you'll excuse me."
Sabi ko na bumalik na sa pagsusuklay. Humarap na lang din ako sa bintana para hindi ko na makita ang pagmumukha ng Rico na yan.

Habang hirap ako sa pagsusuklay, bigla naman akong nagulat ng may kumuha ng suklay mula sa likod ko.

"Quen kaya ko n----- RICO? Paanong... bakit ka nandito?"
Sunod sunod kong tanong ng makita ko sa likuran ko si Rico.

Paano kasi , akala ko si Quen ang kumuha nung suklay, pero nang lingunin ko. Si Rico pala. Arrggh!

"Sssshhh! Ayaw mo namang maglakad papuntang school diba?"
-Rico.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"Hindi ba obvious? Syempre, tatabihan kita."

"At bakit?"

"Dahil gusto ko. Now , if you'll excuse me."
Sabi niya saka pinaharap ako sa bintana. At siya na ang nagsuklay ng buhok ko.

"ARAY! Letche balak mo ba kong kalbuhin?Dahan-dahan naman."
Sigaw ko.

"Sorna po Irog ko. Ito na, dadahan-dahanin na."
Sagot niya sa pinakamalumanay na tono , at dahan dahan ngang sinusuklay ang buhok ko.

*Dug*Dug*Dug*Dug*

"Okay ba , Irog ko?"
Tanong niya saka hinawakan ang balikat ko.

Bigla ko tuloy itong tinabig, parang may kung anong kuryente kasing dumaloy mula sa kamay niya papunta sa balikat ko.

"Anong ginagawa mo?"
Tanong ko na nakasiksik sa gilid ng upuan.

"Ikaw ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit ka nakasiksik jan?"
Pagbabalik niya ng tanong.

Aiisshh!

"Lumipat ka na ng upuan."
Sabi ko na nakasiksik pa rin sa gilid ng upuan.

"Ayoko. Malapit na tayo sa school kaya dito lang ako."
Pagmamatigas niya na nagcross arms pa.

Aba! Sinusubukan ba ako ng lalaking to? Tsk!

"Aalis ka ba o aalis ka?"

"Ayaw! Dito lang ako. Period no erase!"
Pagmamatigas niya pa rin.

Nagulat naman ako ng biglang tumigil ang sasakyan, kaya napalingon ako sa side ko, at nakita kong nasa parking lot na kami ng school.

"Ayaw mo ba talaga umalis jan? Nandito na tayo."
Sabi ko ulit.

"Eh ikaw? Bakit naka-siksik ka pa rin jan? Hindi ako aalis dito hangga't nakasiksi------"

"Dami mong satsat. Tsk!"
Sabi ko saka tumayo at nilampasan siya.

"Aray! Ang sakit mong magmahal irog ko ha!"
Sigaw niya.

"Gusto mo bang sipain ulit kita? Pero this time, palabas na ng bus hindi na sa upuan lang."
Tanong ko. Na nakapameywang pa.

"Alam mo, Ang sadista mo! Pero okay lang. Sabi nga ng Daddy ko, 'Love is painful. Kaya ihanda mo ang sarili mong masaktan. Dahil kapag once na pumasok ka na sa pagmamahal, there's no way you are going away from it without feeling pain.' Kaya kahit paulit-ulit mo akong saktan irog ko, okay lang, sa ganung paraan ko kasi nararamdaman ang pagmamahal ko sayo."
Sabi niya nang nakangiti habang nakaupo sa sahig.

Nung sinipa ko kasi siya kanina , tumilapon siya sa sahig.

"Alam mo, ang dami mong hugot! Jan ka na nga!"
Sabi ko at tuluyan nang bumaba ng bus, pero habang pababa ako ng hagdan nito, narinig ko siyang tumawa, baliw talaga.

"Oh ayan na siya...Ay! Anong meron sa ngiti mo?"
Tanong ni Kate nang makita niya ako.

"Nakangiti ba ako?"
Tanong ko rin.

"Oo manang. At bago yun. So anong meron? Kinikilig ka ba? Bakit namumula ang mukha mo?"
Tanong rin ni Quen habang naglalakad kami sa hallway.

"Hindi ako nakangiti. At hindi ako kinikilig."
Sabi ko.

"Eh ano pala to?"
Tanong ni Kate. Napabaling tuloy ako sa cellphone niya at nakita ang mukha kong nakangiti habang pababa ng bus.

"Tsk! Oo na , nakangiti ako pero hindi dahil sa kilig. Kundi dahil sa pagkasipa ko kay Rico."
Sabi ko na mas nauna na sa paglalakad.

"Hay naku! Alam mo ambet! Ikaw na, ikaw na talaga."
Sigaw ni Kate kaya napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya.

"Anong ako na?"

"Ikaw na ang 'Indenial Queen' of the year."
Sabi niya saka nilampasan ako kasama si Quen na nakangiti lang.

Tsk! Hindi naman ako indenial eh. Talaga namang hindi ako kinikilig.

Napa-iling na lang ako at saka naglakad papuntang class room namin.

~

Lumipas ang mga oras sa school na wala namang masyadong nangyari. Sabay kaming kumakain nila Quen at Kate. Tapos bigla na namang susulpot si Rico sa scene.

May nakilala rin akong babae. Siya si Lianne Morales. Hindi ko siya kaklase , pero kaklase siya ni Kate.

Mabait siya , maganda , at mukha namang mapagkakatiwalaan.

Sana lang talaga , hindi siya nakikipag-plastikan sa kin, o sa aming tatlo. Dahil kapag nagkataon. Papa-abangan ko siya sa mga adik sa kanto namin. XDD

~

Hi ^^ Dyosa is Back. Hehe, Sorry po sa mahabang hindi pag-UD. Nawalan kasi kami ng Wifi , Almost 1 Week din to sa draft ko. Buti nga nakapag-pakabit na ulit eh.

So , sana nagustuhan niyo and please , Vote and Comment.

Xiexie~

-MisisOH.

Hugoterang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon