Hugot#11

20 2 0
                                    

|| JANA ||

"Kumain ka na , wag ka na mahiya."
Sabi ng Lola ni Rico sa akin. Nasa hapag kainan na kasi kami , at tanghali na.

Kasama namin dito yung kambal at Oo pati na rin yung kakambal din ni Rico na si Venice.

Yung dalawang bulinggit pala ay Half Koreans , Sila si Soeon['Soh-yun'] at Seojun[Soh-jun]. Ang kukyut nila , SUPAAAAHH! 😍😍

Dahil sa busy ako sa pagtitig sa mga bata. Hindi ko napansin na may tinatanong pala si Rico.

"Ha? A-ano yun?" bulong ko sa kanya. Hindi ko nga kasi naintindihan yung sinabi niya kanina diba?

"Sabi ko , Why aren't you eating? Ayaw mo ba ng ulam? Gusto mo magpaluto ako ulit ng bago?"

Napa-iling naman agad ako dahil sa sinabi niya.

"Gravity ah , dahil lang sa ayaw ko magpapaluto ka pa ng bago? Gusto ko naman to eh." Sumandok na lang ako ng Kanin at saka nung ulam na hindi ko alam ang pangalan. At wag niyo nang alamin dahil mahirap espelingin. XDD

"Bakit hindi? Kapag sinabi mo , susundin ko naman eh." Si Rico po yan. Naku! Kung wala lang tong Lola niya na nakaka-ilang tumingin. Kanina pa naglanding sa mukha niya yung kamao ni Pacquiao galing Las Vegas. Nanalo pa naman daw yun nong last na laban nila ni Bradley.

"Kumain ka na nga lang jan.."
Bulong ko ulit sa kanya saka nagsimula nang sumubo nung pagkaing hindi ko maespeling ang pangalan. 😂

In fareness ha , masarap magluto yung kung sino man ang nagluto nito.

After namin kumain , nagpaalam na kami sa Lola niya dahil may pupuntahan pa daw kami sabi ni Rico.

At kasalukuyan na nga kaming nagbibiyahe ngayon.

"Psst. Saan ba tayo pupunta?"
Tanong ko ulit habang nakatingin sa kanya.

Hindi niya kasi ako pinapansin eh. Dinedeadma ang beauty ko. Tsk!

"Psst!" Pagsitsit ko ulit sa kanya pero ang taray ng Lolo niyo. Binge-bingehan.

"HOY RICO SAAN BA TAYO PUPUNTA--Aray , Pota!"
Inis kong sigaw kaya napapreno naman siya bigla ng kotse.

Naka-kunot noo ko siyang tinignan habang sinasapo ang noo. Tumama kasi don sa harapan ng kotse eh , Pota! Ano pang silbi ng Seatbelt kung tumatama ka pa rin naman don sa unahan? Kagaya na lang ng , Ano pang silbi ng Paglayo mo kung may nararamdaman ka pa rin naman. [HUGOAT!]

"Hindi kasi 'Psst' ang pangalan ko." Sabi niya saka umirap.

Aba! Aba! Inirapan ba ako ng ulupong na to? Akala niya yata madadala niya ako sa paganyan-ganyan niya?

Heh! Neknek niya!! Kahit irapan niya ako maghapon jan. Keber lang! Kakanta na lang ako nung paborito kong kanta ng 2ne1 , alam niyo yun yung , 'I don't care , eh eh eh eh eh, I don't care , Eh eh eh eh eh. Boy, I don't care!'

"Tsk! Ang arte mo alam mo yun?"
Irita kong sabi pagkatapos ay nagtanggal ng seatbelt.

"Where are you going?"
Tanong niya na mas lalong nagpainis sa akin.

Irita ko siyang tinignan at saka bitter na napangiti.

"Alam mo ba yung story ni FutureMisisOH na 'The Runaway Bride'?"

Napakunot naman ang noo niya.

"Hindi kasi hindi pa naman naipa-publish eh. Wala pa sa NBS. Bakit?" Sagot niya.

Bitter ulit akong napangiti sakanya. "Yun kasi ang gagawin ko eh , Mag-ra-runaway ako. Pero ang pinagkaiba , hindi mo ako Bride , and I will never be one. So Annyeong , Goodbye , Adios."
Sabi ko saka binuksan na yung pintuan ng kotse at agad na lumabas.

Akala niya ha.

Narinig ko naman ang pagbukas rin ng kabilang pintuan kaya nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya.

"We're still on a date.."
Sigaw niya dahil medyo malayo na ako sa kanya.

Napatigil naman ako sa paglalakad at saka nilingon siya.

"DATE? YOU CALL THIS A GODDAMN DATE?" Tanong ko. "I don't think This is a date. pinakita mo lang sakin kung gaano kalaki yung bahay mo tapos sasabihin mong date na to? IDKTTYL." Dagdag ko saka naglakad na ulit.

Narinig ko na naman ang pagsarado ng pinto ng kotse at pati na ang papalapit niyang yapak. Mabuti na lang hindi mataong lugar tong pinuntahan namin dahil walang mga sasakyan na napapadaan.

"What's IDKTTYL?" Tanong niya.

"I don't know talk to you later." Sagot ko habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Ano nga?" Tanong niya ulit saka hinigit ang braso ko kaya dahil sa lakas ng impact niyon ay dumikit ang mukha ko sa katawan niya. Para na tuloy kaming magkayakap ngayon.

Bago pa man may makakita sa'min , lalayo na sana ako ng mas lalo niya akong idinikit sa katawan niya.

Shems! Ang tigas mg muscle niya sa dibdib. Gravity Overload na This.!

"Sorry , sorna kung hindi kita pinapansin kanina. Ayoko lang kasi ng sinisitsitan. Peace na tayo." Siya na mas hinigpitan pa yung pagyakap sa kin.

Pota di na ko makahinga!

"Oo na , peace na tayo."
Sabi ko at pilit na siyang nilalayo sa kin. Ang tangkad niya kasi kaya yung mukha ko bumaon sa dibdib niya edi hindi na ko nakahinga?

"Sorna talaga Irog ko , please patawarin mo na ako?" Tanong pa ng Gagu!

Hindi na lang siya lumayo at hayaan niya muna akong magsalita. Papatayin niya na yata ako dahil hindi na talaga ako makahinga.

"AHHH! ARAY! AW! OW! HOOO! AW! ARAY KO!" Sigaw niya habang sinasapo ang dibdib niya.

Pano ba naman , dahil nga sa di na ko makahinga at wala na akong naisip na iba pang paraan , Ayun Kinagat ko na lang siya. Oh edi napalayo siya sakin.

"Gagu ka ba? Ulol. Papatayin mo na ba ako? Tamong ang liit liit ko niyayakap-yakap mo pa ako. Leshe! Kahit Miss na miss ko na si Inay at Itay ko , ayoko pang sumunod sa Heaven noh! Gusto ko pa bantayan si Quin!" Sigaw ko.

Kaya napatayo naman siya ng maayos at saka tinignan ako.

"Sana sinabi mo , hindi yung mangangagat ka. Ano ka rin? Aso?" Siya na ang pula pula ng mukha. Halatang halata kasi masyado siyang maputi.

Ilang Gluta kaya nilaklak niya , bakit ang puti niya noh? Nahiya naman daw ang kutis kong , nangingintab sa itim , Charaught! 😄

"Hss!" Sabi ko at akmang susuntukin siya ng agad niyang hinarangan ng kamay niya ang mukha niya.

"TARA NA NGA!" Hss! Kairita.

Naglakad na lang ako pabalik sa kotse niya. Bahala siya jan!

"Irog ko , Sorna ha." Sabi pa niya.

Tsk! "Sorry mo mukha mo." Sabi ko.

"Labyu too."
Sigaw niya. Kitams? Nakakairita talaga.

Ilang sandali pa , nasa tabi ko na siya. Ano pa nga bang expect niyo sa mahahabang legs niya at maiikling legs ko? Hss!

"Ano na nga pala yung IDKTTYL?" Tanong niya na naman. Haist! Paulit-ulit talaga.

"I don't know talk to you later."
Sagot ko ulit.

"Eeehhh! Ano nga?" Tanong na naman niya na nakanguso pa.

Binatukan ko nga , hindi naman kasi bagay sa kanya eh.

"Yun nga yun tanga." Sabi ko saka naglakad na ulit.

at nang marating ko ang kotse , bago pa man ako makapasok , narinig ko na ang malakas niyang pagtawa.

Marahil ay nag-sink in na sa utak niyang ka-size ni Plankton yung meaning ng 'IDKTTYL'

Palihim na lang akong napangiti bago pumasok sa loob ng kotse at ng mapatingin ako sa harapan ay nakita ko naman ang pigura ni Rico mula sa di kalayuan na animo'y mahihimatay na sa sobrang tawa.

"hss! Baliw talaga.." Sabi ko sa sarili ko at saka napailing.

-FutureMisisOH-

Here's the Update Guys! VOTE AND COMMENTs are Highly Appreciated. Thanks~ 💕

Hugoterang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon