|| JANA ||
"AMBEEET!"
Sigaw ng kung sino sabay kumakatok pa ng malakas.
Bwiset naman oh! Sabado ngayon. Hindi ba ako pwedeng matulog ng mapayapa?
"AMBET! BUKSAN MO ANG PINTO!"
Sigaw na naman niya saka sunod sunod na kinakatok ang pintuan.Leshe! Bahala siya jan..
"Yaya, pakuha ako nung spare key.."
Narinig kong sabi niya kaya napabangon na lang ako.Aiisshh!
Tumayo akong nakabusangot at nagdadabog na lumapit sa pintuan saka ito binuksan.
"ANO BA YUNG SASABIHIN MO?"
sigaw ko pagka-bukas na pagkabukas ko ng pinto."HINDI BA AKO PWEDENG MATULOG? SABADO NAMAN AH!"
Sigaw ko ulit."ANO ? BAKIT DI KA SUMASAGOT? GUSTO KO NANG MATULOG KAYA SAGUTIN MO NA A----ARAY!"
Sigaw ko sabay nagkamot ng ulo. Batukan ba naman daw ako ng gaga?"Paano kita masasagot kung SINISIGAWAN MO AKO??"
Sabi niya na sumigaw pa sa huli."Ano ba kasi yun? Sabihin mo na dahil matutulog pa ako."
Sabi ko na antok na antok na.."Nope. Hindi ka na matutulog. instead, maligo ka na lang at magpaganda dahil may bisita ka*wink*"
Sabi niya na nagwink pa.."Sino naman?"
tanong ko habang nakataas ang kilay ko na mas mataas na sa Mt.Everest."Sekretong Malupet Yow!"
Sabi niya saka nagwink ulit.Yuck! Di naman kasi bagay sa kanya..
Hindi na ako nakapag salita pa dahil pinagtulakan niya na ako sa banyo ng kwarto ko.
"Babalik ako after 15 minutes okay? Dapat nakapag bihis ka na at nakapag paganda ka na. Dun lang muna ako sa sala.. Bye Insan."
sabi pa niya bago tuluyang nagmartsa palabas ng kwarto ko.Napahinga ako ng malalim saka isinarado ang pintuan ng banyo saka sumandal doon.
As if naman, tototohanin ni Rico yung sinabi niya kahapon na pupuntahan niya ako di------WAIT A MINUTE??
Para naman akong tangang napa-nganga at napa ayos ng tayo ng maalala ko yung pag-uusap namin kagabi ng ulupong na Rico na yun.
tsk! Ibig sabihin siya yung BWIsita ko?
"Ugh! huhuhu!! Bakit ba nangyayari sakin to? Ano ba ang nagawa kong kasalanan noong past life ko at bakit ako minamalas ng ganito? huhuhu!"
pag-sasalita ko saka tuluyang inilublob sa bath tub ang buo kong katawan at pati na rin ulo ko.
Don't get me wrong. hindi ako magpapaganda or what so ever. Maliligo lang ako para desenteng tignan , tsaka nakakahiya rin noh. baka akalain ng ulupong na yun di ako naliligo. kaya mas mabuti nang mageffort akong maligo kahit na ang totoo eh ligong uwak lang talaga ako. CHARaught! Hahaha.
Pagkatapos kong maligo , agad akong nagbihis. Naka-dress lang ako na cream ang kulay tapos flowy ang laylayan.
Guess niyo kung sino pumili? Syempre ang PASSIONista kong pinsan.
Nang makalabas kasi ako kanina ng banyo nakahanda na itong damit sa kama ko , at medyo maganda naman kaya pagtitiisan ko na lang.
Dahil ayokong masyadong magpaganda ngayon. Kahit na alam kong maganda na talaga ako , hindi na ako nagsuklay.
Yeap, narinig niyo ang sinabi ko. hindi na ako nagsuklay at itinali ko na lang ito pataas. Nakapuson ang buhok ko. At hindi na rin ako nagmake up pa o naglagay ng kung anong kolorete para gumanda.

BINABASA MO ANG
Hugoterang Probinsyana
HumorMga nararamdamang dinadaan sa salita. Kadalasan nanggaling sa Lupa. Hopeless Romantic. Umaasa sa "Sana" Patiently Waiting. #1 Believer ng Destiny at Fate. In short, Mga HUGOTERA!