|| JANA ||
Habang nakikipagtitigan ako sa kisame, naalala ko na naman sina Mama at Papa. Miss na miss ko na kasi sila. Yung mga kulitan namin. Yung masasayang alaala namin sa probinsya. Yung mga oras na buo pa kami at masayang nangunguha ng gulay sa bukid.Pero isang buwan bago sila naaksidente, nalaman ni Mama na may ibang babae si Papa. Kaya hayun, nagbago siya.
Hindi na siya yung nanay na inakala ko. Hindi na siya yung nanay na nagpalaki sa'min ni Quen. Naging ibang tao siya dahil dun. Palagi na siyang nakabusangot noon at hindi na ngumingiti, pati nga noong nasa kabaong siya nakabusangot pa rin eh.
Palagi niya na rin kaming sinisigawan ni Quen, na hindi niya naman ginagawa noon. Palagi rin silang nag-aaway ni Papa.
Nakaka-lungkot diba? Pero siguro nga ganun ang buhay. Yun bang feeling na ang saya saya mo dahil buo kayo, at masaya kayo. Pero hindi pala. Talaga ngang lahat ng bagay ay may hangganan. At totoo rin na pagkatapos ng Saya , darating ang napakalaking problema.
Kaya nga minsan, parang nakakatakot nang maging masaya. Hindi mo kasi alam kung ano ang magiging kasunod niyon. Kung magtutuloy-tuloy ba o mawawala rin agad na parang bula.
Nawala lang ako sa malalim na pag-iisip ng may kumatok sa pinto at biglaang pumasok si Kate.
"Hoy Ambet, nakipag-kaibigan ka daw kay Lianne, Bakit mo ginawa yun?"
Nakabusangot niyang tanong.Umupo naman muna ako mula sa pagkakahiga ko sa kama saka siya tinignan na parang bored na bored.
"Bakit? Wala ba akong karapatan na makipag-kaibigan sa iba? Mabait naman siya ah, saka maganda pa."
Sagot ko."Mabait? Naririnig mo ba yang sarili mo? Kaibigan siya Dati ni Venice. Hindi mo lang alam kung ano ang motibo niya sa paglapit niya sayo."
pasigaw niyang sabi.Medyo nainis tuloy ako sa kanya. Bakit ba ayaw niyang makipag-kaibigan ako sa iba?
"Ikaw na rin nagsabi. DATI siyang kaibigan ni Venice. Ngayon , hindi na. Kaya pwede na kaming maging magkaibigan."
Pagmamatigas ko.Huminga siya ng malalim kasabay ng pagsara niya ng pinto saka lumapit sa kama ko at naupo sa harapan ko.
"Hindi mo pa siya ganung kakilala , Insan. Hindi mo alam kung ano talaga ang kayang gawin ng isang VENICE TRI."
Hinawakan niya ako sa kamay.
"Wag ka nang makipag-kaibigan sa babaeng yun. Nandito nama---"
Tinabig ko ang kamay niya. At sa inis ko, nasigawan ko siya.
"KUNG AYAW MO SA KANYA. EDI WAG MONG KAIBIGANIN. TSAKA KUNG MAY ISSUE KAYONG DALAWA SA BUHAY, WAG MO NA AKONG IDAMAY. GUSTO KO SIYANG MAGING KAIBIGAN SA AYAW AT SA GUSTO MO."
Pagkatapos nun, tumayo na ako at saka diretsong naglakad papasok sa C.R ng kwarto ko.
Nakaka-inis. Minsan na nga lang magkaroon ng kaibigan , sisiraan pa nila? Tsk!
"Ambet, nagsasabi lang ako ng totoo. Malay mo , ginagamit lang siya ni Venice para makakuha ng impormasyon tungkol sayo."
Malumanay niyang sabi mula sa labas ng pinto."Lahat kayang gawin ni Venice masiraan ka lang. Kaya insan please, wag kang magtitiwala sa kahit na sinong tao sa school. Wala nang tao sa mundo ngayon ang hindi nasisilaw sa pera."
dagdag niya, at pagkatapos nun, narinig ko na lang ang yapak niyang papalayo , at pagkatapos ay ang pagbukas at pagsara ng pinto sa kwarto ko.Napahinga ako ng malalim. Paano nga kung totoo yung sinasabi ni Kate?? Pero paano din kung hindi??
"Arrrggh!"
Sigaw ko saka sumipa na tumama sa dingding na semento.

BINABASA MO ANG
Hugoterang Probinsyana
HumorMga nararamdamang dinadaan sa salita. Kadalasan nanggaling sa Lupa. Hopeless Romantic. Umaasa sa "Sana" Patiently Waiting. #1 Believer ng Destiny at Fate. In short, Mga HUGOTERA!