Hugot #1

145 7 11
                                    

||JANA||

Malungkot kong inilibot ang aking paningin sa kabuoan ng aming bahay. Ang aming bahay na dati ay punong-puno ng saya pero ngayon ay puros lungkot na lang ang madarama. Ang aming bahay na dati ay maihahalintulad sa isang bulaklak. Isang bulaklak na napakaganda at napakaaliwalas sa paningin. Pero ngayon, para na itong isang nalantang bulaklak. Nalantang bulaklak na nawalan ng buhay , nawalan ng saya , ng sigla , at nawalan na rin ng pag-asa.

Niyakap ko ang litrato ng aking Ama at Ina. Sunod-sunod na namang tumulo ang mga luha ko. Nagmistula itong parang ilog sa tuloy-tuloy nitong pag-agos.

Masakit.

Masakit pa rin hanggang ngayon ang biglaang pagkamatay nila.

"Manang..." [ilocano of 'Ate']
Sabi ng aking nakababatang kapatid na nagsimula na ring umiyak.

"Okay lang ako."
sagot ko saka nagpunas ng mata.

"Nandun na ba sila?"
Pagtatanong ko saka siya tinapunan ng tingin.

Tumango siya saka humawak sa kamay ko.

"Malalampasan natin to manang , tayo pa ba? Problema lang naman to diba?"
Sabi niya saka ngumiti sa akin ng malungkot. Kaya nginitian ko rin siya.

"Oo naman. Problema lang yan. At dapat lahat ng problema , tinatawanan lang. Hindi dinidibdib. Dahil kapag dinibdib mo, baka masira ka , masira to*point sa chest*. Gusto mo ba yun?"
Paghu-hugot ko kaya napa-ikot naman siya ng mata.

'Aba ! Ang batang to , umaatake na naman ang pagkamaldita?'

"Apan ta ket din. Baka iwanan tayo nila Tita." [Tara na nga.]

Nauna na siyang maglakad palabas kaya susunod na sana ako sa paglalakad ng madapa ako.

Leshe! Bakit hindi niya sinabing nandito yung mga bagahe!

Inis akong tumayo saka iniikot ang paningin , baka kasi may nakakita , tapos vinideo-han ako , tapos in-upload sa facebook o youtube, edi nagtrending ako sa social media gaya ni Miss Columbia?

Nang masigurado kong wala ngang tao , binuhat ko na ang bagaheng ang laman ay mga gamit ko lang. Aba! Sinuswerte ang batang iyon kung ako pa magbubuhat ng gamit niya noh.

"Oh? Nasaan ang maleta ko?"

"Ading , tanong ko lang , Anong mas gusto mo , encyclopedia o Webster's dictionary?" [Ading= Nakababatang kapatid]

Napakunot ang noo niya.

"Webster's dictionary , bakit?"

"mabuti na lang ako , mas gusto ko ang encyclopedia, Manipis. Eh ikaw mas gusto mo pala ang Dictionary. Tsk! Tsk!"
sabi ko na naiiling pa.

"Anong konek?"
siya na nagpameywang pa.

"Makapal ang dictionary , sing kapal ng mukha mo. Balik sa loob, kunin mo mag-isa mo yung maleta mo!"
Sabi ko saka nilampasan siya.

"Kaya pala mas gusto mo rin ang encyclopedia , more on hayuf kasi yun , kaya pala ikaw mukha ka na ring hayuf. Tahahahahaaha"

"Aiishh!!"
Ako na babatukan sana siya pero huli na dahil naka takbo na siya papasok ng bahay namin.

"Naku , ang tanda mo na Reign , pinapatulan mo pa ang ading mo."
Tito saka kinuha ang maleta ko mula sa'kin.

"Nakakainis kasi tito. Super pilya. Thankyou po."
Sabi ko saka tinulungan siyang ayusin ang maleta sa likod ng Van namin.

Hugoterang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon