Hugot#3

99 7 1
                                    

|| JANA ||

Matapos ipaliwanag ni Tito sa Principal ang sitwasyon naming magkapatid , pinayagan na kaming pumasok kahit na hindi pa kumpleto ang mga requirements namin.

At ngayon , naglalakad na kami nung Principal papunta sa Class room namin. Palinga-linga pa rin ako sa paligid. Talagang ang ganda ng kabuoan ng buong skwelahan. Nakakamangha talaga. Lalo na't ngayon , walang tao sa hallway at pati na rin sa quadrangle , bago kasi kami lumabas ng Opisina ni Principal , ay nag-bell na kaya nagpaalam na sa'min si Kate , kaya hula ko , yun ang hudyat ng pagsisimula ng mga klase.

Inuna naming hinatid si Quen sa Room nila , As usual , Nasa Star section siya , matalino naman kasi talaga ang bubwit na yun. Hindi nga lang halata dahil saksakan siya ng katangahan minsan ^^V

"Okay we're here."
Sabi nung principal kaya napatigil ako sa paglalakad at saka tinignan siya.

Dahan-dahan niyang binuksan yung pinto , at nang mabuksan na ito ng tuluyan, Bumungad sa'kin ang mga estudyanteng , Bored na bored kung makatingin.

Yung ibang lalaki , sumipol lang saka ngumiti sa'kin , ngunit yung mga babae , Tinignan lang ako mula ulo hanggang paa. Bigla naman akong nailang ng may isang babaeng kumindat sakin.

"Goodmorning Principal Tri."
Sabi ng gurong babae sa Principal na kasama ko.

Nag-palitan sila ng goodmorning. At pagkatapos , ay sinabi na nung principal na transferree daw ako , kaya napa-ngiti naman yung guro at saka ako pinapasok sa loob.

Bago umalis yung principal , sinabihan pa yung mga estudyante na maging mabait daw sila sakin , at tanging pag-irap lang ang sagot ng mga estudyante sa iminungkahi ng kawawang Principal.

"Okay class , Listen."
Panimula nung guro na agad namang kumuha ng atensyon ng lahat ng mga estudyante sa loob ng klasrum.

"We have a transferree here. So listen carefully as she introduce her self."
Dagdag ng guro.

Akala ko pa naman sa probinsya lang ang may pagpapakilala ng sarili pati rin pala dito. Tsk! Nasabi ko ba na pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung nagpapakilala??

At dahil wala na akong magagawa , nagstart na akong magpakilala.

"Magandang Umaga , ako nga pala si Jana Reign Tatlong Hari, 16 anyos. Sana maging mabait kayo sa'kin."
Sabi ko saka nag-bow.

Feeling ko lang mag-bow kaya ko yun ginawa. Nakakahiya naman kasi eh , lahat ng nga mata nila naka-glue sa akin.

"Thankyou Miss Tatlong Hari. Okay , may tanong ba kayo kay Ms.Jana?"
Wika ulit ng guro sa klase , at may nagtaas naman ng kamay.

"Okay Mr.Romualdes , what is it that you want to ask to Ms.Jana??"
Aniya nito sa estudyante.

Tumayo naman yung Romualdes at saka tumikhim.

"Pwede ko bang----"

*BLAAAAAAAAGG*

Napa-pitlag naman ako , ng biglang bumukas ang pintuan na katabi ko lang , As in! Kulang na lang , mapatalon ako sa sobrang gulat.

"MR.RICO PYNE TRI . YOU ARE LATE AGAIN!"
Sigaw ng aming guro.

Ngunit yung bakulaw na na-late , ay hindi man lang siya pinansin, bagkos , nilapitan niya ako.

Napa-tigil tuloy ako sa paghinga sa pag lapit niya sakin.

"What's your name?"
tanong nito sa baritonong boses.

Bigla naman akong naalarma , at baka ako ang ibalibag niya kapag hindi ko sinabi sa kanya ang pangalan ko kaya agad akong sumagot.

"J-j-jana po.."
Sagot ko , ngunit tumawa lang naman siya , yung tipo ng tawa na kulang na lang ay lumupasay siya sa sahig.

Hugoterang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon