|| JANA ||
Tumayo ako at taas noong hinarap yung Venice daw. Naka-tingin lang din naman siya sa'kin na akala mo isa akong Alien na nagmula pa sa Super Planet.
Napansin ko naman ang pagtayo ni Rico at hinawakan sa braso yung Venice. Hm? Girlfriend niya siguro tong Venice na to?
"What? Your gonna fight back?"
Tanong ni Venice habang naka-ngisi saka nag-cross arms pa.Ngumisi rin ako saka tinignan siya mula paa hanggang Ulo.
"Kaya mo na ba?"
Tanong ko na naka-ngisi pa rin.Nawala ang ngisi niya at napalitan ito ng pagka-kunot ng noo.
"What?"
-Venice."Ang tanong ko, kung kaya mo na bang makipaglaban? You asked me if i'm going to fight back right? Now , I am asking you. Can you fight?"
Narinig ko naman ang pag 'oohhhh' ng mga estudyanteng nandito sa canteen. Kaya mas lumaki ang ngisi ko.
Hindi siya sumagot , bumuka ang bibig niya pero sumara din agad.
"Cat got you're tongue?"
Tanong ko ulit , pero mas kumunot ang noo niya."Be careful on what you're saying creature. Baka pagsisi---"
"Venice , let's go.."
Putol ni Rico sa sinasabi ng Girlfriend niya."What? Kuya , NO!"
Matigas na sabi naman ni Venice.But wait , chocolate..
Kuya?
"I said let's go."
Sabi naman ni Rico sabay hinila si Venice palabas ng Canteen.Naka-tunganga pa rin ako hanggang ngayon , Bakit niya tinawag na Kuya si Rico? Magkapatid ba sila?
"Insan tara na.."
Sabi naman ni Kate sabay hinila na rin nila ako palabas ng canteen na hanggang ngayon ay tahimik pa rin."Kuya. Tinawag niyang Kuya si Rico. Magkaano-ano ba yung dalawang yun?"
Tanong ko ng makalayo kami sa canteen."Insan, mag-kapatid sila."
"ANO?"
Sigaw ko."Sshhh. Insan naman eh, Wag kang maingay."
"Bakit? P-paano?"
Napairap naman si Quen.
"Syempre nag-toot yung mga magulang nila kaya nabuo yung si Venice."
"Twins sila insan. Siya si Venice Tri. Kaya walang kumakalaban sa kanya dahil mayaman sila. Ikaw lang talaga."
Sabi naman ni Kate.So twins pala sila.
"Hindi naman sila magkamukha ah?"
Tanong ko saka inalala ang mukha nung Venice saka pinag-compare ang mukha nila ni Rico."Insan , syempre hindi naman lahat ng kambal ay magka-mukha. Tsaka , Babae at lalaki yun insan. Anong expect mo?"
-Kate.Hindi na lang ako sumagot hanggang sa makapunta ako sa room namin. Lahat pa rin ng tao na nadadaanan ko , pinagtitinginan ako. Minsan nga , naiinis na ako. Alam ko naman kasing maganda ako pero bakit pinapangalandakan pa nila diba? Hayyss..
~
Lumipas ang mga araw at isang buwan na akong nag-aaral dito sa Lucian Academy. Akalain mo yun? Nakatagal ako sa lugar na to na wala man lang akong naririnig mula kay Venice? Medyo kinakabahan tuloy ako , baka kasi nagpapa-train na yun ng karate kaya hindi nanggugulo. Eh ako naman , basics lang ang alam ko sa karate.
BINABASA MO ANG
Hugoterang Probinsyana
HumorMga nararamdamang dinadaan sa salita. Kadalasan nanggaling sa Lupa. Hopeless Romantic. Umaasa sa "Sana" Patiently Waiting. #1 Believer ng Destiny at Fate. In short, Mga HUGOTERA!