|| JANA ||
Natapos ang Unang araw ko sa skwelahang nilipatan namin ng Super Badtrip na Badtrip ako.
Naglalakad na kami ngayong tatlo palabas ng Skwela. Ang sabi kasi ni Kate , hindi daw kami masusundo ng Daddy niya, kaya Maglalakad na lang daw kami hanggang sakayan ng Jeep.
So ayun nga , habang naglalakad kami , inaasar na naman nila akong tatlo doon sa weirdong lalaki kanina. Nakakainis na nga eh. Hindi ba nila nare-realise na ayaw ko doon sa Weirdo-slash-Bipolar na lalaking yun?
"Manang bakit ka ba naiinis ? Siguro may epekto sayo si Rico noh?"
Sabi na naman ni Quen."Oo , talagang may epekto siya sakin. At ang epektong naibibigay niya ay puro Galit , Inis , Pagka-muhi, Pagka-suklam , at lahat na ng nakaka-asar na nararamdaman ang epekto niya."
"In short gusto mo siya? Ganun ba yun?"
Natatawang sabi ni Kate.Tumigil naman ako sa paglalakad , saka tinignan siya ng masama.
"Insan , Lahat ng sinabi ko , Pag pina-ikli mo, Iisa lang ang lalabas na resulta. HINDI . KO. SIYA. GUSTO!"
Aniya ko saka mas nauna nang naglakad sa kanila.Tinatawanan pa kasi nila ako eh. Tsk!
"Basta insan , Mag-deny ka lang. Mafa-fall ka din."
Natatawang saad ni Kate."Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Bakit naman ako mafa-fall dun?"
May pandidiri kong sabi bago sumakay ng Jeep."Alam mo ate , Sa pag-iwas-iwas mong iyan, mas lalo ka lang mafa-fall eh. Eh kung harapin mo na lang kaya siya?"
Sabi ni Quen ng maka-pwesto na kami sa jeep.Umirap naman muna ako bago ko siya tinapunan ng tingin.
"Naku wag na , Baka kapag hinarap ko siya , hindi ko mapigilan ang sarili kong sundutin ang eyeballs niya."
Sabi ko saka naglabas ng Otso pesos para sa pamasahe."Ang sabihin mo , baka hindi mo mapigilan ang sarili mo at ma-fall ka na sakanya."
Pang-aasar na naman ni Kate , na sinabayan naman ng pagtawa ni Quen.Nakakainis , binubully nila ako.
"Pwede ba kayong dalawa , tigil-tigilan niyo na ako kay Rico , Hinding-hindi ako magkaka-gusto dun okay?"
Sabi ko na punong-puno ng pagka-inis sa boses.Tumawa naman sila pareho.
"Sure ka ba insan?"
"Oo nga manang , marami na akong nabasa sa mga Pocketbooks na sa una , galit yung babaeng bida sa lalaking bida , at sinasabi pa nito na hinding hindi siya magkakagusto doon, pero sa huli , kinain niya rin ang sinabi niya."
Sabi ni Quen ,"Hinding-hindi ako magsisi noh."
"Weh? Promise?"
Sabi ni Kate , kaya tumango ako at saka sinabing..."Promise , cross my heart , hope to die , and If I Lied , I stick my pinky into my eye."
Sabi ko.Kaya napa-ngiti si Quen.
Alam niya kasi , na ako yung tipo ng tao na hindi basta-basta bumibitaw sa pangako , kapag sinabi ko , gagawin ko. And this time? Gagawin ko talaga yun.
∞
Naka-uwi kaming tatlo ng maayos. At pagdating namin sa bahay , nandun na si Tita , ang sabi niya , magbihis na raw kami ng pang-alis dahil ipag-shoshopping niya daw kaming tatlo.
Kaya sabay-sabay kaming umakyat ng hagdan at saka dumiretso sa kanya-kanya naming kwarto.
Nagbihis ako ng damit na super komportable ako, Sky blue fitted shirt ang tops ko at isang flowy'ng palda na umaabot sa talampakan ko naman ang sa pang-ibaba ko. At para sa sandals? Nag-flats na lang ako , hindi kasi ako komportable sa heels o sapatos.
BINABASA MO ANG
Hugoterang Probinsyana
HumorMga nararamdamang dinadaan sa salita. Kadalasan nanggaling sa Lupa. Hopeless Romantic. Umaasa sa "Sana" Patiently Waiting. #1 Believer ng Destiny at Fate. In short, Mga HUGOTERA!