Chapter 10

25 2 0
                                    

Chapter 10 (She's sick)

Aika's POV

Anyare dun? Bahala nga sya.

"Aika c'mon! Join us!"sigaw nila habang enjoy na enjoy magswimming. Yung iba nasa may isang maliit na kubo. Nakalimutan kong sabihin yung garden namin is parang mini resort talaga. May kubo rin. Pero dalawa lang tapos may fish pond dun sa may tabi na may bridge sa gitna. Yung pool isa lang 5ft. yung kalahati then 6ft. yung isang kalahati. May mga chair sya na yung pag mag susun bating ka tatlo yung ganun na nasa tabi ng pool. Meron din isang malaking umbrella tapos may table at chairs sa may tabi ng malaking glass window.

Diba perfect? Haha. Alam kasi nila dad yung hilig ko. Kaya ayan. Di naman halatang mahilig ako maglangoy ano?

"Aika."lumingon ako dun sa tumawag sakin.

"Oh uy ikaw pala yan Alex. Bakit?"tanong ko. Si alex lang pala. Kala ko si ano-Ay wala pala.

"Musta na?"

"Wow ha! Isang araw lang tayong di nagkita noh!"sabi ko sabay tawa.

"Namiss kiadsdfghk."ano daw?

"Huh?"

"Wala. Anjan na pala asawa mo oh."napalingon naman ako dun sa tinuro nya sa likuran ko.

"Ahh."sabi ko lumapit ako kay Shon para tulungan sya magdala nung fries. Kinuha ko yung isang tray sa kanya.

Dinala ko yun sa may kubo at tinawag na yung mga barkada ko. Agad naman silang nagsilapitan at nagkanya kaya na ng kuha sa fries.

"Asan si Shon?"Tanong ni Cass.

Bakit naman nya hinahanap si Shon?

Sinagot ko nalang sya na baka natutulog at inaantok pa.

"Paano pala kayo kinasal eh diba 17 ka palang?"tanong sakin ni Alex.

"Oo nga."sang ayon naman ni Chelsea.

"Paano nga ba?"tanong din ni Alex.

Si Kenylee bumalik na sa pool. Si Kristine at Zhem naman andun din sa pool nagkukulitan. Si ate Maica nag susunbating. So meaning nun kami lang apat ang nandito sa kubo. Kumain lang kase sila ng fries tapos ayun umalis na.

"Uhmm... ano... uhh hindi pa talaga kami mag asawa."nanlaki naman yung mga mata ni Cass at Alex. Bigla silang ngumiti ng malapad.

"May PA so it means magiging magasawa kayo someday?"tanong ni Chelsea

Tumango-tango naman ako na nahihiya.

"tsk. Sayang!"rinig kong bulong ni Cass.

Huh? Alin ang sayang?

"Cass! Narinig ko yun!"sabi ni Chelsea

Kala ko ako lang nakarinig.

"oh bakit?"Cass.

"You're too young. Wag ka muna magisip ng mga kasal kasal na yan... kahit di mo sabihin alam kong gusto mo si Shon."Chelsea

Nagpout naman si Cass. Eh? Hahaha grabe ha? May gusto pala sya sa asawa-este kay shon. Mga bata nga naman oh.

"Ilang taon ka na nga Cass?"medyo natatawa kong tanong.

"16. Anong nakakatawa? Hindi na kaya ako bata. Hmp!"pagtatampo ni Cass.

"3rd year ka palang kaya!"sabi naman ni Chelsea.

"che!"Cass

"Tama na nga yan. Nakaka OP kayo girls."Alex

Natawa naman ako kay Alex. Andito pa nga pala to. Bigla kase syang nagsalita ng pambaklang boses.

"Sorry naman!"sabi naming tatlo.

Afraid To Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon