Chapter 6 (New Friends)
Aika's POV
Mabilis na lumipas ang panahon. Kasabay nun ang unti unti na pagiging close namin ni Shon. Oo alam ko yun dahil hindi ako manhid. Nahuhuli ko syang palaging nakatitig sakin. Maya't maya tanong ng tanong kung okay lang ako kung kumain na ako. I admit that he's a sweet guy he's not bad at all naman pala. Pero ayokong mag assume na may gusto sya sakin. Ayoko ng masaktan ulit.
"Miss Collantes!"napatayo naman ako sa biglang pagtawag sakin ni Mrs. Valderamos.
"Po?"
"You're not paying attention in my class. You better go out."turo nya sa pinto ng classroom namin.
Yumuko ako at kinuha ang bag ko.
"Im sorry Ma'am" sabi ko bago lumabas ng classroom.
Saan na ako pupunta ngayon? Iniisip mo nanaman kasi ang lalaking yun eh.
Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako bench. Wala masyadong tao dahil nga class hour pa.
Umupo muna ako. Ang boring... asan kaya si Shon?
Puro ka Shon. Napalabas ka na nga dahil jan sa Shon na yan.
Hays. Bakit ba kinakausap ko sarili ko? Ang hirap talaga ng walang kaibigan. Loner forever.
"What are you doing here?"may biglang tumabi sakin. Si Kristine ewan ko sa babaeng to. Kilala ko sya pero hindi kami close. Hindi nga rin siguro kami matatawag na friends eh.
"Nothing."tipid na sagot ko.
"Wala kang klase?"tanong ulit nya.
"Meron."
"Cutting ka?"
"Hindi."
"Eh bakit andito ka kung may klase ka?"
Grabe ang dami nyang tanong! Close tayo te?
"Napalabas ako eh." Pero in the other side okay na rin tong may iba akong kaibigan kesa naman si Nemz lang ang nakakausap ko dito sa school. Hindi naman kasi dito nag aaral si Shon eh. Shon na naman!
"Ow. Tulad pala tayo. Hihi."sabi nya. Maganda sya matangkad pero di naman sobra yung tama lang siguro mga 5.3? 5.4 kase ako eh. Mahaba yung buhok nyang kulay brown. Tapos maputi din sya. Mayaman din siguro to.
"Ahhhhh..." wala akong masabi.
"Hmm ako nga pala si Kristine Nañez friends?"nahihiyang sabi nya at inabot yung kamay nya sakin.
Inabot ko naman yun wala naman sigurong masama.
"Aika Chandria Nicole Collantes, Sige! Friends!"masiglang sabi ko.
Ngumiti naman sya.
"What a nice name! Ang haba hihi."bungisngis nya.
Hinigit nya ako sa pinaka dulo ng hallway tapos kumanan kami. May nakita akong isang kubo pero maganda sya. Para ngang may nakatira eh pero hindi sya malaki. Siguro mga dalawang kwarto to.
"Kaninong bahay to?"tanong ko ng huminto kami sa tapat ng pinto at kumatok sya.
Ngumiti sya saka nagsalita.
"Basta. Mamaya malalaman mo."sabi nya. Sakto namang nagbukas na yung pinto at niluwa nito ang isang cute na babae. Maliit kasi sya pero maganda. Nakita ko sa uniform nya na dito din sya nagaaral at kalevel lang namin.
Pumasok kami sa loob at isa lang masasabi ko. Wow! Ang ganda! Kahit maliit lang ang ganda ng mga designs at ang linis. May sofang mahaba tapos may TV. Sa likod ng sofa may maliit na kusina. Then may pinto sa tabi nito. Sa isang tabi naman may isang pinto din na may lumabas na lalaki.
"Uy Alex! Anjan ka pala. Aika si Alex nga pala Alex si Aika. Bago nating barkada."pagpapakilala ni Kristine sakin dun sa Alex.
"Mag ingat ka jan Aika. Chikboy yan."
Bulong sakin ni Kristine natawa naman ako."Hoy narinig ko yun Kristine ha! Ahm Hi Aika... ang ganda naman ng pangalan mo kasing ganda mo."sabi nung Alex at kumindat pa.
Natawa nanaman ako. Nagthank you nalang ako kahit alam kong nambobola lang sya. Si Kristine naman napairap lang.
"Chelsea!"tinawag ni Kristine yung babaeng nagbukas ng pinto kanina na ngayon ay nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv.
"Hmm?"Chelsea.
"Di ka ba nauumay manuod ng tv? Btw this is Aika...Aika yan si Chelsea ang pinaka adik sa TV dito. Haha."pagpapakilala sakin ni Kristine kay Chelsea oo tama yun yung sabi nya nung tinawag nya to e.
"Hi Aika!"lumingon lang sya sabay ngumiti at binalik na ulit ang mata sa harap ng tv.
Napailing na lang si Kristine.
Napatingin naman ako dun sa nagluluto sa kusina.
"Ah Kristine sino naman yun?"turo ko dun sa nasa kusina.
"Ah si Zhem yan."sabi nya na nakangiti at parang kinikilig pa. Eh? Bakit?
Humarap naman si Zhem ba yun? Nung narinig nya na sinabi ni Kristine yung pangalan nya.
Omy! Ang gwapo! Sheeet! Ang hot nya pa dun sa apron na suot nya. Nakatopless kasi sya tapos naka pants. Yung uniform dito.
"Ang gwapo..."nabulong ko.
"Hihi. Boyfriend ko."sabi ni Kristine
Narinig nya pala ako. Ang swerte naman ni Kristine. Haha pero okay lang. May Shon naman na ako.
Ha?
Wala akong sinabi! Diba readers wala naman?
"Ahhh. Hmm ano palang ginagawa natin dito?"tanong ko kay Kristine baka kasi matapos na yung subject ni Mrs. Valderamos kaylangan ko na bumalik sa classroom.
"Ah eh gusto sana kita isama sa barkada eh. Matagal na kitang gusto maging kaibigan kaso natatakot akong lapitan ka. Hehe naglakas loob nga lang ako kanina eh."nahihiyang paliwanag nya.
"Ganun? Haha grabe ka naman hindi naman ako nangangagat."
"Hehe. So yun nga ano payag ka?"
Papayag ba ako?
"Hmm teka ilan ba kayo sa barkada nyo? At saka kaninong bahay to?" Gusto ko lang malaman yung mga about sa barkada nila bago ako pumayag.
"7 lang kami dito. So yun nga nakilala mo na si Chelsea si Alex at si Zhem. Yung iba kasi may klase pa. Si Ate Maica ang pinakamatanda dito. 19 na sya at Gr.12 na sya. Tapos si Cass naman yung pinaka bata samin. 3rd year sya it means Gr.9 pa lang sya 16 yrs old. Si Kenylee naman Gr.10 din 18 yrs. Old. Basta makikilala mo sila pag nakasali ka na samin. Promise mababait sila. Si Cass medyo may pagkamaarte yun pero mabait naman. Itong kubo na to samin to. May shares kasi dito sa school na to yung daddy ni Zhem kaya pinayagan kami magpagawa ng tambayan dito... pumupunta lang kami dito kapag vacant time. May isang kwarto to incase na mahaba yung vacant time mo pwede kang magpahinga. So ano payag ka na?" Kita ko sa mata nya na gusto nya talaga akong makasama sa barkada nila. Mukha namang maayos yung samahan nila eh.
"Uhmmm sige."at ngumiti ako.
-------------01/01/15----------------
Dahil nga new year at inspired ako magsulat ng story. UD again!!!!
Just pm me or comment kayo kung naguguluhan kayo promise di ako snob.
Penge votes and comment? :D
BINABASA MO ANG
Afraid To Fall In Love Again
Novela JuvenilNagmahal at Nasaktan Nagtiwala pero nasira Umasa pero nagmukhang tanga Love makes people afraid Afraid to hurt again Afraid to betrayed again Afraid to trust again And mostly Afraid to Fall in Love Again. Kaya mo pa ba ulit magtiwala kung minsan na...