Chapter 7

36 3 0
                                    

Chapter 7 (My Friends Is My Family)

Aika's POV

"Aikaaaaaaaaa!" Sigaw ni Shon sa baba.

Andito kasi ako sa taas sa mini library dito. As usual boring. Bakit kasi kaming dalawa lang dito sa bahay eh. Mas masaya sana kung may mga batang nagtatakbuhan.

Hoy Aika ano bang nasa utak mo ha? Erase! Erase! Erase!

"Aikaaaa!"tawag ulit ni Shon sakin.

"Ano yun?"sigaw ko rin pabalik.

"Come here! Help me clean this mess."

"Aba bakit ako?"sigaw ko ulit.

"Why? May ibang tao pa bang pwedeng tumulong sakin dito?" Ayan nagtaray na naman po sya. Sanay na ako sa ugali nyan.

Paiba iba. In short moody!

Ang tanga mo nga naman Aika malamang ikaw lang pwedeng tumulong sa kanya . Sino pa bang tao dito?

Bumaba na ako at tinulungan syang maglinis ng buong bahay.

Linis.

Linis.

Linis.

Linis.

Hoooo! Mapagod pala maglinis ng bahay. Sa condo ko naman kasi may inuupahan akong naglilinis every week.

Binagsak ko ang katawan ko sa sofa at ganoon din si Shon. Pagod din siguro.

Syempre tao din yan napapagod. Tanga lang Aika?

Tumingin ako sa wall clock. 7:30pm na pala. Ano kayang masarap kainin ngayon?

"Anong dinner naten?"tanong ko sa katabi ko.

No respond.

"Shon?"

Still no respond.

Nilingon ko naman sya.

Putek! Tulog na pala.

Tumayo ako kahit masakit pa yung katawan ko. Inayos ko yung higa nya at nilagyan sya ng unan. Umakyat naman ako para kumuha ng kumot sa kwarto nya. Kaso nakalock may tinatago siguro tong lalaking to. Dumiretcho na lang ako sa kwarto ko at kumuha ng extra blanket sa cabinet ko. At bumaba na saka ikinumot kay Shon.

Ang amo ng mukha nya pag tulog sya.
Sana pala lagi nalang syang tulog.

Tumingin ulit ako sa wall clock. 8 na ano kayang pwede malutong ulam?

"Aika..."napalingon ako kay Shon. Tinatawag nya ba ako sa panaginip?

Lumapit naman ako sa kanya at hinaplos yung noo nya.

"Aika..."nananaginip nga talaga to.

Sabi ko na nga ba eh! May gusto sakin tong lalaking to.

"I love you... Aika."

-
-
-
-
-
-
-

"Hi Aika."Kristine

"Huy Aika!"Chelsea

"Aika?"Zhem

"AIKAAAAAAAAAA!"Ate Maica

"AY PALAKANG LUMILIPAD!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Ate Maica sa tenga ko.

"Ano bang nangyayare sayo ha?"tanong ni Ate Maica.

"Oo nga. Kanina ka pa tulala jan."sabi naman ni Chelsea habang nanunuod ng TV.

Eh? Tulala pala ako? Kanina pa?

"May problema ba?"Zhem

"Oo nga be may problema ka ba?"Kristine

May problema nga ba ako? Wala naman diba?

I love you...Aika

I love you...Aika

I love you...Aika

I love you...Aika

Ano ba utak wag mo ng ipaalala pwede?

Ngumiti ako at saka nagsalita.

"Wala. May iniisip lang ako... teka wala ba kayong mga klase?"tanong ko sa kanila. Ako lang kasi at si Alex ang nandito kanina sa tambayan.

Nagkatinginan sila. Huh bakit? May mali ba sa tanong ko?

"Ayan tulala kasi kaya wala ka nang alam sa nangyayare sa paligid mo."Cass

Tinarayan na naman ako. Pero mabait naman yan. Parang nagmemens lang araw araw.

"Cass! May mens ka ba at ganyan ka na naman?"Kristine

Inirapan lang sya ni Cass.

"Lunch break na kasi Aika."Sabi sakin ni Ate Maica.

"Huh? Ahhh..." lunch break na pala. Hindi na ako nakapasok sa klase. Vacant kasi kami kanina kaya dumiretcho ako dito dahil wala naman akong kaibigan sa room.

"Dont tell me nagcutting ka?"Kristine

Tumango tango ako.

"Hindi ko namalayan yung oras e. Lunch break na pala."paliwanag ko.

Bawal kase magcutting. First rule yun dito sa tambayan.

"Si Alex?" Tanong ko. Andito kasi yun kanina eh.

"Ah nasa cafeteria kasama yung bestfriend DAW nya."sabi ni Chelsea.

Parang may iba dun sa tono ng pananalita nya. Baka ako lang nagiisip nun.

"Si kenylee?"tanong ni Ate Maica. "Hindi ba pumasok yun?"

Nagkibit balikat naman silang lahat.

"Hi guys!!!" Biglang may sumigaw sa may pinto. Si kenylee lang pala. Kala ko hindi nanaman pumasok yun.

Nakilala ko na nga pala silang lahat. Sabihin ko pa ba ugali at itsura nila?
Wag na...

A/N:(sabihin mo na. Wag ng pabebe xD)

Si otor talaga oh. Sige na nga!

Mabait naman silang lahat. Si Kristine yung pinaka madaldal sa kanila. Si Zhem naman boyfriend ni Kristine na kabaliktaran nya sobrang tahimik at pag kinausap mo oo o hindi lang ata ang isasagot sayo pero wag ka ang gwapo! Haha. Dancer yan. ! Si ate Maica naman NBSB. Hindi pa daw kasi sya handang masaktan. Haha! Maganda,morena tapos maikli lang yung buhok nya. Si Cass naman... ay jan lang nagkaproblema. Ang taray kase . Medyo may pagkamaarte pero mabait naman sya. Maputi din sya. Kulot yung buhok nya sa dulo medyo kikay manamit sya yung pinakabata. Si Alex naman Chickboy. Haha ewan ko kung ilan na naging gf nun pero maalaga naman sya samin. Parang sya yung kuya dito.
Si Chelsea fashionista yan. Ang hilig kasi manuod ng TV lalo na mga korean nobela. Kaya ayun nahawa na ata sa mga korean manamit. And last,si Kenylee my loves. Haha chos! Balita ko kakabreak lang nila nung gf nya eh. Pero naka move on na daw sya kaya palaging masaya. Happy go lucky kase yan. Malakas din yan mang trip. Gwapo din yan. Pero wala syang lahi ewan bakit ang tangos ng ilong. Tapos ang ganda pa ng mata nya.

Oh ayan na Otor! Details na yan ha.

A/N:(Good. Hahahaha!)

"Oh anjan na pala si Mr.Happy eh!"sabi ko nung makita ko sya sa may pinto.

"Hi Aika!"bati sakin ni Kenylee.

Kumaway lang ako. May dala syang foods. Haha sya lang sa lalaki ang kilala ko na sobrang hilig kumain.

Nagpuntahan lahat sa kusina para kumain ng dala ni Kenylee. Ang saya pala pag may kaibigan o barkada ka. Para ka na ring may pamilya.

--------------01/02/16---------------

Update ulet !!!

Penge votes and comment :))

Afraid To Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon