Chapter 8 (Awkward)
Shon's POV
This past few days ang cold na ni Aika sakin.
Wala akong maalalang ginawa ko para maging ganun yung trato nya sakin gaya nalang ngayon.
"Aika? Tara dinner is ready." Sabi ko sa kanya habang nanunuod sya ng TV sa sala.
Tumayo lang sya at umupo sa katapat kong upuan at kumain na parang walang kasama.
"Aika?"tawag ko sa kanya. Gusto kong linawin ang lahat.
"B-bakit?"
"Is there any problem?"tanong ko dito.
"Wala naman."
See? Ang tipid nyang sumagot na parang ayaw nya akong makausap.
-
-
-
-
-
-Aika's POV
Pagkatapos na pagkatapos kong kumain umakyat na agad ako sa kwarto ko.
Hoooo! Nakahinga rin ng maluwag.
Humiga ako sa kama ko at kumuha ng unan para yakapin at nakatulog na ako sa gantong pwesto.
-
-
-
-
-"UGH shit late na ako."napatakbo ako Sa cr at nagmadaling maligo saka pumasok Sa walk in closet ko para magbihis.
*tok tok tok*
Late na ah! Bakit andito pa si Shon?
"Wait lang!"sigaw ko at nagbihis na.
Binuksan ko yung pinto at nagtaka ako sa suot ni Shon.
Eh?
"Di ka papasok?"tanong ko.
"Papasok?"tanong nya na parang naguguluhan.
"Oo. Monday ngayun diba?"naguguluhan na rin ako.
Bigla syang humagalpak ng tawa.
"Ano ba?! Bakit ka ba tumatawa jan?"inis na tanong ko.
"Sunday."tipid na sabi nya habang nagpipigil ng tawa.
"Sunday? Huh?"ang gulo nya ho kausap. Nakakatanga!
"Sunday palang ngayon. Hahahahahahahahaha!"at ayun humagalpak na naman ng tawa ang mokong.
napaisip naman ako dun. Oh shit! Napasapo ako sa noo ko. Sunday ba talaga ngayon? What the?!
Tiningnan ko si Shon. Shit naman oh sayang effort ko sa pagmamadaling magbihis tapos napahiya pa ako dahil wala pa palang pasok dahil nga Sunday pa lang.
Lupa pwede lamunin mo na ako as in now na!!
Sinara ko bigla yung pinto. hiyang hiya ako anong gagawin ko? Ayoko syang makausap. Nakakahiya talaga.
Narinig ko yung footstep nya na papalayo sa pinto ng kwarto ko.
Grabe talaga bakit ba kase di ko napansing sunday pa lang pala ngayon?
Nagpalit na ako ng pambahay. Lalabas ba ako o dito nalang sa kwarto maghapon? Pero nagugutom na ako *pout*
Makalabas na nga lang. Eh ano naman kung akala ko Monday ngayon? Lahat naman ng tao nagkakamali diba?
waaaaahhh pero nakakahiya talaga!
Dito na nga lang muna ako.
Humiga ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot."Aika?"
Bahala ka jan. :P
"Hey?"
Lalalaaaaa wala akong naririnig...
BINABASA MO ANG
Afraid To Fall In Love Again
Genç KurguNagmahal at Nasaktan Nagtiwala pero nasira Umasa pero nagmukhang tanga Love makes people afraid Afraid to hurt again Afraid to betrayed again Afraid to trust again And mostly Afraid to Fall in Love Again. Kaya mo pa ba ulit magtiwala kung minsan na...